Momentous 20

330 18 1
                                    

×××


“Madam Trinity was the one who's managing this whole town. How come you don't know about it if you're her niece. Tsk.”

“Huh?” napabuntong hininga siya.

“Siya dapat ang tanungin mo, not me.” tumango tango naman ako, muling namutawi ang katahimikan.

Tinitigan ko ulit siya at alam kong nararamdaman niya ang tingin ko sakanya pero sinadya ko iyon, itinagilid ko ang ulo ko na para bang ino-obserbahan ang kanyang buong mukha. Nakita kong unti unting kumunot ang noo niya pero hindi siya tumingin saakin, napahagikgik ako.

“What?” nakakunot pa rin ang noo niya.

Bakit lagi kang nakakunot? Bakit mukha kang laging galit? At bakit walang expression ang mukha mo? Uso namang magpakita ng expression kahit paminsan minsan lang.”

“People will know your weaknesses if you show any expression, and they might use that weaknesses of yours against you.” paliwanag niya.

"Ahhh.” napatango tango ako. “But.. it's still not bad to show some expression.”

“Tss.”

Ngumiti na lang ako sakanya at ni-rest ko ang ulo ko sa dibdib niya, ngayon ko lang naramdaman ang pagod at pananakit ng katawan. Naramdaman ko namang bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.

Sleep and have a rest. Don't worry I'll take care of you, you'll be safe.” rinig kong bulong niya.

×××


Nagising ako nang maramdaman ko ang pag lapag saakin sa malambot na bagay, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sina Kennedy, Elody at Amritta na nakatingin saakin ng nakakaloko samantalang si Drench naman ay nakatayo lang at nakasandal sa may pader habang naka cross arms pa at nakatingin saakin ng wala nanamang expression ang mukha. Well what's new?

Narinig kong umubo si Kennedy at nag laho ang nakakaloko niyang tingin at napalitan ito ng seryosong ekspresyon.

“Sabi mo madali ka lang.” naka-cross arms na sabi nito at talagang ang taray niyang tingnan, napalunok naman ako.

My gosh, Avrice Freigh! We've been looking for you for 4 fvcking hours!” biglang tumaas ang boses ni Elody which I find it very rare because she don't usually raise her voice at me—well except for this kind of situation.

Napatingin naman ako kay Drench na para bang humihingi ng tulong, napailing iling siya at napabuntong hininga. Nag lakad siya papunta saamin.

“Clean her wounds first, before giving her sermons.” hindi iyon suggestion kundi utos.

Tumayo naman silang tatlo at umakyat para kumuha ng first aid kit, at iniwan nila kaming dalawa ni Drench.

“I didn't know your cousins are over protective.” biglang sabi niya at pagtingala ko sakanya'y nakatingin siya saakin ng seryoso. Napatango tango ako.

“Yup. Especially my younger sister, mas kinakabahan nga ako sakanya kasi sakanilang tatlo.. siya lang ang hindi nag salita.” napailing iling nanaman siya.

Ikaw dapat ang nagpapagaya ng tama sa younger sister mo, it seems like mas matanda pa sa'yo 'yong kapatid mo tsk.” sinamaan niya ako ng tingin.

Bakit mo nasabi 'yan? May kapatid ka ba?”

Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o talagang nakaka-hypnotize ang mata niya, para talagang hinihigop niya ang kaluluha ko dahil sa tingin na itinatapon niya saakin. Tumango siya. Hindi na siya nakapag salita dahil dumating na sina Amritta dala dala ang first aid kit.

Drench, pwede bang ikaw na lang ang mag linis ng sugat niya? We will prepare her food.” sabi ni Elody sakanya kaya nagulat ako.

Parang sira 'to, pwede namang siya na lang or si Amritta or si Kennedy ang mag linis ng sugat ko bakit si Drench pa talaga?! Wala namang nagawa si Drench at kinuha na lang ang kit tsaka nagsi-alisan silang tatlo.

Umupo sa tabi ko si Drench at inilapag niya sa center table ang first aid kit, hindi ko sinasadyang maigalaw ang paa ko at nakalimutan kong injured ako kaya napasigaw ako.

“A-aray!” bigla siyang napatingin saakin at napakunot ang noo niya.

Wala pa akong ginagawa sa'yo.” nakakunot na sabi niya.

“'Y-yong paa ko bigla kong nagalaw.” tiningnan niya ang paa ko.

“Don't move your feet, kung hindi mo pipiliting ilakad ang paa mo.. gagaling 'yan in just 4-6 days.” sabi niya habang nilalagyan ng betadine ang bulak.

“Come here.” sabi niya pero siya 'tong lumapit.

Habang nililinis at ginagamot niya ang ilang sugat at gasgas ko sa mukha ko ay hindi ko maiwasang tumingin sa mukha niya lalo na sa mga mata niyang nakaka-hypnotize kapag tinitingnan, bigla naman siyang napatingin sa mata ko. Nakita kong nag flicker ang mata niya nang tumingin siya sa mata ko.

Hinawakan niya ang baba ko gamit ang hinlalaki niya at itinaas niya ang mukha ko para mas lalo kaming magkatitigan, dahan dahan namang lumapit ang mukha niya.

Napapikit ako nang magkalapit ang mga mukha namin at naramdaman ko ang labi niya sa labi ko, sobrang passionate ng halik na ipinupukol niya. At may kakaiba akong nararamdaman sa pagitan ng halik namin.

“Ahem.”

Agad naming nailayo ang labi sa isa't isa at sabay kaming napaiwas ng tingin, naramdaman ko naman ang pag iinit ng pisngi ko.

“Pasensya na kung nakaistorbo kami, ihahatid lang namin 'tong pagkain niyo.” sabi ni Kennedy at inilapag nilang dalawa ni Elody ang dalawang plato sa center table.

“Sige, ipagpatuloy niyo na ang ginagawa niyo.” sabi naman ni Amritta at umakyat na silang tatlo sa hagdan pataas pero bago pa sila tuluyang makaakyat ay lumingon silang tatlo saakin at lahat sila ay ngumiti ng nakakaloko saakin habang pailing iling pa tsaka sila nag patuloy sa paglalakad.

Napatingin naman ako kay Drench dahil narinig ko siyang napabuntong hininga.

“I guess I should go.”

“You should eat first, magagalit sa'yo si Elody 'pag hindi mo kinain ang luto niya. Minsan lang siyang mag luto.” sabi ko at ngumiti sakanya.

“Okay.”

At sabay kaming kumain habang nagki-kwentuhan, pero ang ikli nga lang ng mga sinasabi niya. Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam na siyang umalis.

“A-ah.. Drench.” tawag ko sakanya dahilan para mapatingin siya saakin, wala nanamang expression ang mukha niya.

“Thank you nga pala, mag ingat ka.” sabi ko, tumango naman siya at tuluyan nang umalis.


×××

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon