Momentous 1

937 36 5
                                    

×××

"Amritta! Bumangon ka na riyan at maya maya lang ay nandito na si Aunt Trinity." Sigaw ko mula rito sa kusina.

Kumuha ako ng kutsara para matikman ang niluluto ko, inamoy ko muna ito bago tikman. Napapikit pa ako nang matikman ito.

"Hmm! Amoy pa lang nakakabusog na!" Napadilat ako at nakita ang aking kapatid na kukusot kusot pa ng kanyang mata. Halatang bagong gising at antok pa.

Anong oras pa lang kasi eh. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Mamayang 4:40 raw kami susunduin ni Aunt Trinity.

"Sus! Nambola pa! Mabuti pa't kumain ka na at pagkatapos ay maligo ka na." sabi ko at kumuha ng malaking bowl para pag lagyan ng sabaw.

Nag lagay naman siya ng plato, kutsara, tinidor at baso sa mesa. Inilagay ko sa mesa ang bowl, nakita ko naman ang excitement sa mga mata niya't kulang na lang ay mag liwanag ito. Nilagyan ko ng kanin at sabaw ang plato niya habang siya naman ay tuwang tuwa habang nag aabang na malagyan ko ang plato niya, tsaka ko naman nilagyan ang akin.

"Pag dating natin sa bahay ni Aunt Trinity huwag kang kukupad kupad, ha? Kailangan mabilis lagi ang kilos mo. Susundin mo rin lahat ng iu-utos ni Aunt Trinity, ha?" tumango tango naman siya na parang bata.

"Ah nga pala, si Aunt Trinity rin muna ang mag papaaral sa'yo kaya siguraduhin mong mataas ang grades mo at huwag na huwag mo siyang idi-disappoint."

"Ate, alam ko na lahat 'yan. Ilang beses mo na po 'yang sinabi saakin. You don't have to remind me all the time. Hindi naman ako makakalimutin."

Nag make face lang ako sa sinabi niya. Nag usap lang kami ng konti at pagkatapos naming kumain ay naligo na siya. Nakaligo naman na ako kanina pag gising ko kaya nag hugas na lang ako ng pinagkainan. Habang nag hihintay sa kapatid ko ay naisipan kong ibaba na ang mga bagahe namin para mamaya, isasara na lang ang pinto. Nang maibaba ko na lahat ng bagahe ay nakarinig ako ng busina sa labas ng bahay kaya lumabas ako para matingnan kung sino iyon.

Si Aunt Trinity pala, napatingin ako sa relo ko at namangha nang makitang saktong 4:40 siya dumating. Lumabas siya sa kotse niya at nag beso beso naman kami. Ayaw niyang mag mano ako sakanya since limang taon lang naman daw ang tanda niya sa'kin, pinapasok ko naman muna siya sa bahay. Nag libot libot rin muna siya habang hinihintay pa rin namin si Amritta.

Ang bagal talaga kumilos ng isang 'yon. Tsk. Maya maya pa'y bumaba na rin siya. Gaya kanina ay nag beso lang sila ni Aunt Trinity.

"Alam niyo naman na sigurong ako si Aunt Trinity niyo, right?" tumango naman kaming dalawa.

Apat silang magkakapatid nila mama at si mama ang ikalawa sakanilang magkakapatid, isa lang ang lalaki sakanila which is 'yong panganay. Namatay si Uncle noong 15 pa lang ako at 32 naman si uncle, hindi ko alam kung bakit siya namatay at ayoko na ring alalahanin. Si mama naman kamamatay lang last last week at the age of 44. Madalas kaming mag family gathering noon, pero itong si Aunt Trinity dalawang beses pa lang namin nakakasama sa gathering. Minsan pa nga nag iisang oras lang or 30 minutes lang ang stay niya. At 13 ako noong huling pagkikita namin. Kaya hindi ko na siya masyadong mamukhaan.

"Saaming apat na magkakapatid ako ang pinaka strikto. Pag sinabi kong ganitong oras, sundin niyo. Ayoko ng nahuhuli kahit pa isang minuto lang 'yan. Mahalaga ang bawat minuto, strikto ako hindi lang halata. Ayoko ng kukupad kupad, gusto ko mabilisan ang galaw. 'Pag may pinagawa ako, gawin agad at 'wag nang ipagpabukas pa. Gusto ko lahat ng sasabihin o iuutos ko ay susundin niyo para okay tayo at walang gulo." Naglalakad palabas na sabi nito kaya naging hudyat iyon para sumunod kami ni Amritta at dalhin ang kanya kanyang bagahe, sinakay ko sa kotse ni Aunt Trinity ang mga gamit ko at sinarahan ko naman ang aming bahay. Sumakay rin ako kaagad sa kotse at naupo sa tabi ni Aunt Trinity.

"Wala na kayong naiwan at nakalimutan?" umiling naman kaming dalawa, tinanguan niya kami. "Siguraduhin niyo 'yan dahil hindi ko na kayo papayagang bumalik dito 'pag nasa Arturia na tayo."

At pinaandar na niya ang sasakyan. Sobrang bilis mag salita ni Aunt Trinity at mahihimigan talaga na strikto siya pero naiintinidihan naman ang sinasabi niya. Totoo nga talaga ang sinabi ni mama noong nabubuhay pa siya, mana si aunt Trinity kay lola. Si lola raw kasi ay strikto samantalang si lolo ay maloko, at nagmana raw silang tatlo kay lolo samantalang si Aunt Trinity naman ay sa lola. Tahimik at seryoso raw silang dalawa most of the time, pero there are times na maloko rin daw si Aunt Trinity.



Napatingin kami kay Aunt Trinity no'ng nag salita siya.

"Ako ang mag papaaral sa'yo Amritta kaya gusto ko wala kang bagsak, school at bahay ka lang. Pag dating sa bahay pahinga lang saglit at deritso na sa library. Sa ayaw at sa gusto mo, pag aaral lang ang aatupagin mo. Kung may kasintahan ka, ipaalam mo agad saakin at kung maaari ay hiwalayan mo. Kung hindi mo kayang sundin lahat ng sinabi ko, mag trabaho ka at ikaw ang mag paaral sa sarili mo. Nakuha mo?" Sabay tingin niya sa salamin para matignan si Amritta.

Napalunok naman si Amritta at tumango. "O-opo."

Tumingin naman sa'kin si Aunt Trinity.

"At ikaw naman, ikaw ang bahala sa buong bahay. Halos araw araw ay wala ako sa bahay dahil may trabaho ako kaya ikaw na ang bahala. Gusto ko malinis parati ang bahay, walang kahit anumang dumi at alikabok. Kung maaaring palitan ang mga kurtina araw araw gawin mo, basta gusto ko malinis ang bahay. Marunong ka bang mag luto? Kung marunong kang mag luto gusto ko pag uwi ko ng bahay ay may makakain na agad, dalawa o tatlong klase ng ulam ang lulutuin mo. Ayoko ng paulit ulit na pagkain. Gusto ko laging bago, pati ang kanin dapat bago. Kaya kung mag luluto at mag sasaing ka siguraduhin mong tama lang at kasya saating tatlo. Hindi mo na kailangang mag trabaho dahil malaki naman ang sweldong nakukuha ko at sobra pa 'yon saatin, ang gagawin mo lang ay bantayan at alagaan ang buong bahay pati na rin ang mga kagamitan. Syempre kung malinis sa loob, dapat malinis rin sa labas." Mabilis na sabi nito.

'Gaya ni Amritta, napalunok rin ako tsaka tumango.

"Sabay sabay rin tayong kakain."

"Yes Aunt Trinity." Sabay na sagot namin ni Amritta.



Wala naman akong reklamo kasi sanay naman ako sa gawaing bahay tsaka okay nga 'yon eh kasi sa bahay lang ako mag damag although nakakasawa at boring kasi mag isa lang ako pero okay na rin 'yon. Si Amritta naman keri niya 'yan, matalino naman 'yang batang 'yan at puro pag aa-aral lang ang inaatupag niyan. Hinintay ko pa si Aunt Trinity na mag salita dahil baka may nakalimutan siyang sabihin saamin pero nakalipas na ang limang minuto at tahimik na siya, kaya naman napatingin na lang ako sa labas ng bintana at tiningnan ang dinadaanan namin.




×××

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon