Momentous 23

294 20 2
                                    

×××

It's not your fault, okay? Don't blame your self. I'm okay now and it's because of you.” nakangiti kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya, Tumango tango naman siya.

Umupo muna tayo.” sabi ko, inalalayan niya naman ako papunta sa couch.

Magkatabi kaming naupo sa couch, at ipinulupot niya muli ang kamay niya sa bewang ko. Isiniksik niya nanaman ang ulo niya sa leeg ko.

I will not leave you again, I swear.” bulong niya.

Hindi ko naman na siya sinagot at isinandal ko na lang ang ulo ko sa ulo niya, hinawakan ko rin ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Maya maya pa'y naramdaman ko na lang ang pag bigat ng ulo niya, sinilip ko siya at nakitang tulog na pala siya. Wala na rin pala 'yong babae kanina, sa tingin ko ay tumakas siya.

Naiharang ko ang kamay ko nang biglang lumiwanag ang buong paligid.

What happened?” napalingon ako sa likod ko at nakita ko silang tatlo na kukusot kusot pa ng mata na nag lalakad palapit sa direksyon namin.

Nag shh-sign naman ako at sinilip si Drench kung nagising ba siya, nanlaki ang ang mga mata nila dahilan para mapahagikgik ako. Hinaplos ko ang buhok ni Drench, maingat at dahan dahan silang lumapit at sumilip.

Anong ginagawa niya dito?” pabulong na tanong ni Elody.

May nangyari ba dito?” tanong naman ni Kennedy habang iniikot sa buong paligid ang paningin kaya nailibot ko rin ang paningin ko, nanlaki ang mata ko dahil sa gulo ng buong paligid.

Hindi naman sobrang gulo, may mga bakas ng dugo lang ang nag kalat. Biglang sinilip ni Amritta ang mukha ko at tumango tango.

Hmm. May nangyari nga. Tsk. Sinong may gawa niyan?!” mula sa kalmadong mukha ay napalitan ng galit ang mukha ni Amritta.

Bukas ko i-explain, pwede bang pakilinis muna dito at pasara ng pinto? Salamat.” tumango naman sila at gaya ng inutos ko ay ginawa nila ito at nag paalam na sila na babalik na sa pag tulog.

×××

Kinabukasan ay nagising ako dahil biglang kumirot ang mga sugat sa pisngi ko, napangiwi ako. Sinilip ko naman ang katabi kong mahimbing ang tulog, napangiti ako.

So.. What's the score?” halos mapatalon ako sa boses na narinig ko.

Ano ka ba naman, Elody! Bat ba nanggugulat ka! Kanina ka pa ba diyan?” sabi ko sa babaeng nakaupo ng tuwid habang naka cross arms pa sa katapat na inuupuan namin.

Hmm. Siguro? Pinagmamasdan ko kayo habang tulog. May kakaiba sainyong dalawa eh. Hmm.” naniningkit ang mga matang sabi nito.

Maya maya pa'y naramdaman ko ang pag galaw ni Drench, mukhang gising na siya. Tiningnan ko ng masama si Elody na para banag pinapaalis siya, nakataas ang magkabilang kamay habang umiiling iling naman siyang umalis.

Umupo ng maayos si Drench at napahilamos sa mukha niya, ginulo niya rin ang buhok niya tsaka siya tumingin saakin. Nagulat siya pero ngumiti lang ako sakanya.

Good morning.” matamis ang ngiting bati ko sakanya.

“Hindi mo ginamot ang sugat mo?” tanong niya, umiling naman ako.

“Oh puputulin ko lang ang moment niyo ha, 'eto na 'yong first aid kit. Linisin at ayusin mo 'yang mukha mo ate ah, lagot ka kila aunt Trinity pag balik nila.” pananakot ni Amritta at agad rin siyang umalis nang kunin ni Drench ang kit.

Ginamot nanaman ni Drench ang mga sugat sa mukha ko, nang magamot na niya ang sugat ko ay itinago na niya ang mga pang gamot sa lalagyan nito. Napasandal siya sa couch at napabuntong hininga tsaka siya tumingin saakin.

Your sister is right.”

“Huh?” muli siyang napabuntong hininga.

“Magagalit si madam Trinity dahil ang dami mong sugat.” napailing iling siya.

Kung sana may kakayahan lang akong pagalingin at pahilumin agad ang mga sugat tulad ni sir Nicholas.’

“May sinasabi ka?” napakunot ang noo niya at umiling siya. Akala ko may sinabi siya.

“Alam mo ba kung ano 'yong sumugod sa'yo kagabi?” napailing ako. “Cambion. Isang cambion ang sumugod sa'yo.”

C-cambion?

“A-aray..” naramdaman kong nag flicker ang mata ko, napahawak ako sa likod ko dahil bigla itong sumakit.

“Why?” hinawakan niya ang braso ko. “W-what's that?” turo ni Drench sa likod ko, sa tingin ko nag liwanag nanaman ang likod ko. Agad kong tinago ang likod ko sakanya at umiling.

Don't mind it.” ngumiti ako sakanya.

Malalim ang pag hinga ko dahil sa pag kirot ng likod ko, bigla akong sumiksik kay Drench at naramdaman ko naman ang pag pulupot ng kamay niya sa bewang ko. Napapikit ako dahil sobrang sakit talaga ng likod ko at mainit nanaman ang pakiramdam ko, sa tingin ko nga napapaso ko na siya. Naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap sakanya pero nanatili akong nakapikit.

“Anong nangyayari?”

Hindi ko siya sinagot dahil wala na akong lakas na mag salita pa, sobrang higpit ng hawak ko sa t-shirt ni Drench at hinayaan niya naman akong hawakan lang iyon kahit na konti na lang ay parang mapupunit na ito.

Hey kakai--anong nangyayari?” narinig kong sabi ni Kennedy at tumakbo siya palapit saamin, narinig ko rin ang mabilis na yabag nina Elody at Amritta.

Avrice? May masakit ba sa'yo?”



Iminulat ko ang mata ko at sumilip sa may pinto pero agad akong napapikit dahil muling sumakit ang likod ko, humihingal na dumating sina aunt Trinity at nagulat pa sila nang makita si Drench, naramdaman ko ang pag lapit nila saamin. Biglang may humawak sa magkabilang pisngi ko, nagulat ako dahil wala na akong naramdaman na masakit doon tila ba unti unting gumagaling ang sugat ko doon.

Avrice?! Can you hear me?!” sigaw ni aunt Cynthy.

“A-aah!” sigaw kong muli at mas lalong humigpit ang pagkakapit ko sa t-shirt ni Drench, humigpit rin ang yakap niya saakin.

Maya maya pa'y unti unti nang bumabalik sa dati ang temperatura ng katawan ko at nawawala na rin ang sakit ng likod ko hanggang sa tuluyan na itong mawala, dahan dahan kong iminulat ang mata ko at tumingin sakanilang lahat na nag aalala ang tingin saakin habang ako naman ay nakasandal pa rin sa dibdib ni Drench dahil pakiramdam ko'y nawalan ako ng lakas dahil sa nangyari.

What the fvck just happened to me?

×××


A/N:
Hindi ko na-edit sorry sa typos and grammatical errors hehez.

5 UPDATES FOR TODAY SINCE THIS DAY IS MY DAY😍💖

It's mah birthdaaay😍❤

Thank you po sa mga nagbabasa at sumusuporta! :)

- m u r i a t i c a l y y ♡

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon