Momentous 17

324 14 0
                                    

×××

Nakaupo ako dito sa likod ng bahay ni aunt Trinity, pinayagan naman nila ako basta raw huwag akong pupunta sa gubat. Yakap yakap ko ang tuhod ko at nakailang ulit na rin ako sa pag hinga ng malalim.

“Ang lalim ata ng iniisip natin ah.” napatingala ako sa harap ko at nakita si Cal na nakangiti ng malapad sa'kin, ngumiti naman ako ng pilit at bumalik sa dati kong pwesto.

Sa tingin ko sa ganitong oras ay nakakunot na ang noo niya, umupo siya sa tabi ko.

“Ano bang bumabagabag sa isip mo?” umiling naman ako at muling huminga ng malalim.

“Cal?”

“Hmm?”

“May tanong ako.”

“May sagot ako.” sinamaan ko siya ng tingin at inirapan, umayos ako sa pagkakaupo ko pero nakaharap pa rin ako sa gubat.

“Bakit.. bakit parang kilalang kilala mo ako? Eh ngayon lang naman tayo nagkakilala.” naramdaman kong natigilan siya kaya nilingon ko siya, ngumiti siya ng pilit at ginulo ang buhok ko. Pinalo ko naman ang kamay niya at natawa siya. Abnormal talaga 'to.

“5 years ago. 5 years ago.” iiling iling na bulong niya habang nakangiti pero ewan ko ba kahit na nakangiti siya parang ramdam ko ang lungkot, pait at galit sa ngiting 'yon.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Bakit? Anong nangyari 5 years ago?” tumingin siya sa'kin.

“Alalahanin mo, Avrice. Alalahanin mo.” ngumiti siya ng makahulugan sa'kin.

Lalong kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? Lalo lang akong naguguluhan eh. Tumayo siya.

“Geh. Aalis na ako, napadaan lang ako.” nagulat ako dahil nag iba ang tono ng boses niya, nawala ang pagkapilyo at napalitan ng seryoso. At mas lalo akong nagulat no'ng may kuminang no'ng tumalikod siya.

I-is he.. is he crying?

×××

“Huwag kayong lalabas pag sapit ng ala sais, isara niyo ang mga pinto at bintan--”

“Mama, alam na po namin 'yan. Ilang beses na po namin naririnig sainyo 'yan, sige na ingat kayo labyu.” sabi ni Kennedy at nag kiss kay aunt Cynthy.

Napabuntong hininga si aunt Cynthy.

“O sige, basta 'yong mga bilin namin ha? Siguraduhin niyong wala kayong gagawing kababalaghan at kalokohan pag alis namin.” pagkasabi no'n ni aunt Cynthy ay bigla siyang tumingin sa'kin na agad rin naman niyang iniwas. Halatang ako ang pinapatamaan niya.

“Opo.” sabay sabay na sabi namin.

“Kung pwede lang na 'wag umalis at iwan kayo eh, kaso kailangan eh. Ang dami naming aasikasuhin, oh siya do'n na kami.” dagdag pa ni aunt Cynthy.

Sumakay na si aunt Cynthy sa kotse at kumaway kaway naman kami sa papalayong kotse nila tsaka kami pumasok sa loob, naupo kami sa couch at nagkwentuhan.

Limang araw silang mawawala dahil may aasikasuhin daw sila, kaya kaming apat lang ang naiwan dito. Ayaw nga sana nila kaming iwan na walang mag babantay —dahil wala silang tiwala sa'min, at gusto nilang iwan si aunt Charlotte pero kailangan din nila si aunt Charlotte kaya napilitan silang iwan kami dito nang walang mag babantay.

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ako sa pagkakaupo dahilan para mapatingin silang lahat saakin.

“Saan ka pupunta, Ate?” tanong ni Amritta.

“Sa palengke.” napakunot ang noo ni Kennedy.

“Mag aano ka ro'n?” si Elody naman ang nag tanong.

May bibilhin, madali lang ako promise.” ngumiti ako sakanila at nag lakad na palayo sakanila.

“Avrice, pwede mo namang ipagpa-bukas na lang 'yang bibilhin mo, alas tres na oh. Baka magabihan ka.” rinig ko namang sabi ni Kennedy.

Babalik agad ako promise, madaling madali lang ako.” at kumaway ako sakanila tsaka ko sinara ang pinto at nag lakad na palayo.

×××

“Ay naku.. pasensiya na hija, walang ganyang mabibili dito.”

“Ay gano'n po ba? Salamat po.” Nginitian ko si manong tsaka ako tumalikod at napabuntong hininga.

Ika-limang shop na ata 'tong napasukan ko at bigo akong makahanap ng bibilhin ko, nag hahanap kasi ako ng isang uri ng halaman na pwede kong itanim sa garden. Maglalakad na sana ako palabas ng shop nang biglang may humila sa braso ko, paglingon ko si manong pala sobrang seryoso ng mukha.

“Alam ko kung saan ka makakahanap ng ganyan.”

Naguguluhan akong napatingin sakanya.

“Sa dulo ng Arturia Town, Arden Street. May maliit na bahay doon. Do'n ka makakahanap ng ganyan.” tumango ako at nagpasalamat, muli akong tumalikod pero hinawakan niya ulit ako sa braso ko. “Pupunta ka ba roon?”

Ahm.. Opo.” Bigla niya akong binitawan at tinalikuran.

Nagtaka naman ako sa ikinilos niya pero nag lakad na lang ako palabas.

“Lahat ng pumupunta doon ay hindi na nakakabalik.”

Natigilan ako sa narinig ko kaya muli kong nilingon ang pinanggalingan ng boses pero wala na si manong doon.

A-anong ibig niyang sabihin?

×××

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon