Momentous 26

281 16 1
                                    

Momentous 26: d' Grundeil.

×××

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, everyone's eyeing on us. Tiningnan ko naman sina aunt Trinity, aunt Charlotte, aunt Cynthy, uncle Kye, Amritta at Elody na seryoso ang mga mukha. Kami lang ata ni Kennedy ang hindi seryoso ang mukha, pero hindi rin naman kami nakangiti.

Nag lakad kami hanggang sa makapasok ng hotel at mas madami pala ang tao sa loob kesa sa inaasahan ko, lahat sila ay nakatingin lang saamin. Pumunta si aunt Trinity sa stage.

“Good evening people of Arturia Town.” malamig ang boses na bati nito, bumati naman sakanya pabalik ang mga tao. “Tonight, we will be celebrating the 21st birthday of my niece, Avrice. Please enjot the night and let the party begin.” sabi nito na siyang dahilan para mag palakpakan ang mga tao, bumalik na siya sa tabi namin.

“Aunt Trinity, hindi ko pa po birthday.” tumingin naman saakin si aunt Trinity at ngumiti.

“But we will end the party at exactly 12 midnight, so technically birthday mo na. I'll just go there and get some drink.” paalam niya saamin.

Humiwalay naman saamin sina aunt Cynthy at uncle Kye at lumapit sa isang grupo na sa tingin ko ay ka-edad lang nila, naiwan naman kaming lima dito sa mesa.

“What's up pretty ladieeees!” napalingon kami sa nag salita at nakita si Myganne.

Tumayo kami at nagyakapan at nag beso beso sa isa't isa.

“Babaeng babae tayo ngayon ah!”

“Ganda mo ngayon ah!”

“Nagpapa-impress kay Cal.”

Ilan lang 'yan sa mga sinabi namin kay Myganne, nagpameywang naman si Myganne.

“Ngayon lang ba ako maganda?” tanong niya saamin, nagkatinginan kaming lima.

“Oo!” sabay sabay na sagot naming lima sakanya.

“Ang sama niyo! Kaibigan ko ba talaga kayo?” nag acting pa siya na parang nasasaktan. Tsk. Baliw talaga.

“Wait--WHAT?! Nandito rin siya?!” napalingon kami kay Amritta na may tinitingnan sa isang banda.

“Who?” tanong ni Kennedy, bigla namang humagikgik si Elody.

“Oh, LIONEL the great! You're here!” sigaw ni Elody habang nakataas ang isang kamay.

Sinundan naman namin ng tingin ang tinitingnan niya at nakita ang isang lalaking naglalakad palapit saamin.

Sinundan naman namin ng tingin ang tinitingnan niya at nakita ang isang lalaking naglalakad palapit saamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Hello there Elody! Of course I'm here! Party is my life.” sabi nito at kumindat pa kay Elody, napatingin naman ang lalaki —na sa pagkakarinig ko ay Lionel ang pangalan, kay Amritta na kasalukuyan nang nakabusangot ang mukha.

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon