Premier

380 14 0
                                    

×××


“Are you ready?” napalingon ako sa nag salita at muling humarap sa salamin, narinig kong natawa siya ng mahina at nag lakad palapit.

“Huwag kang kabahan, just relax.”

“Ipapakilala lang naman ako sa buong Arturia Town, haharap sa maraming tao na kung saan ay muntikan ko nang mapatay. Sige nga, paano ako magre-relax?” muli siyang natawa ng mahina.

“Wag kang kabahan, just be your self. Always keep in mind that people will like and accept you if and only if magpapakatotoo ka. You don't have to be someone you're not para lang magustuhan at tanggapin ng ibang tao.” natameme ako sa sinabi niya, parang hindi siya si aunt Charlotte.

Ano ba 'yan! Tigilan na nga natin 'to! Napapa-drama ako ng wala sa oras, anyways, pumunta lang naman ako dito para kamustahin ka. Humanda ka na't anumang oras ay ipapakilala ka na.”

Nagusap at nag kwentuhan muna kaming dalawa ni aunt Charlotte tsaka siya nagpa-alam na aalis na siya, nang makaalis na siya ay muli akong napatingin sa salamin at napahinga ng malalim.

Narinig kong may kumatok sa pinto at pinapalabas na ako dahil mag sisimula na raw.

“Pumunta na lang po kayo sa veranda, madame.” sabi ng organizer siguro, tinanguan ko siya at nag lakad na papuntang veranda.

Sinalubong ako ni Drench na seryosong seryoso ang mukha habang nakatingin saakin.

“You're so gorgeous.” bulong nito dahilan para mapangiti ako, nag pasalamat naman ako sakanya at pinuri rin siya.

Lumabas na kami sa veranda, nadatnan namin ang buong pamilya ko. Nasa gitna si aunt Trinity at nag sasalita, naramdaman siguro nila ang presensiya namin kaya napalingon silang lahat sa'min pwera kay aunt Trinity.

“and today.. I want you to meet the momentous premier of this town..” lumingon sa'kin si aunt Trinity, naging hudyat 'yon na lumapit ako sakanya kaya lumapit naman ako. Hinawakan niya ang kamay ko. “Avrice Freigh Grundeil-Axeline.” pinatayo niya ako sa gitna, narinig ko namang nag palakpakan ang mga tao.

Napatingin ako sa baba at kitang kita ko kung gaano karami ang mga taong naroroon, nando'n din sa baba sina Myganne, Cal, Lionel, at ang mga kapatid ni Drench.. hinanap ko ang isa pang taong gusto kong makita pero nabigo ako't naalala kong wala na nga pala siya. Nalungkot ako bigla.

“Hey, are you alright? Smile.” rinig kong bulong ng katabi ko kaya kahit nalulungkot ay ngumiti pa rin ako.

Kitang kita ko sa mga mukha ng tao na masaya sila, napabuntong hininga naman ako.

Totoo nga ang sinabi nina aunt Trinity.

Hindi ko akalaing tatanggapin nila ako at masaya silang lahat sa'kin to think na dalawang beses ko nang muntikang mapatay ang mga tao dito.

Siguro gano'n talaga, tatanggapin at tatanggapin ka pa rin ng mga tao kung magpapakatotoo ka talaga. Walang halong pagpapanggap at kasinungalingan.

Malaki man ang nagawa kong kasalanan sa bayan na ito'y tinanggap pa rin nila ako ng buong puso, siguro dahil na rin sa ako ang nakatakdang mamuno ng bayan na ito.

Bigla akong natigilan ng may marealize ako.. ngayon alam ko na kung anong ibig sabihin ng The Momentous Premier. Kaya pala paulit ulit nilang sinasabi na ako 'yon.

Napatingin ako sa pamilya ko, kay aunt Charlotte, aunt Cynthy, Uncle Kye, sa mga pinsan ko, kay aunt Trinity at kay Drench. Napatingin din sa'kin si Drench pero biglang nag salita si aunt Trinity kaya muli akong napatingin sakanya..

“Since naipakilala ko na sainyong lahat ang pinuno ng bayan na 'to..” biglang tumingin si aunt Trinity kay Drench. “Nais ko ring ipakilala sainyo ang magiging kabiyak ng aking pamangkin na si Drench Roauz Hawson.”

A-ano raw?

Tama ba ang dinig ko?

M-magiging kabiyak n-ng pamangkin ni a-aunt Trinity?

S-sino?

Naguguluhan akong napatingin kay Drench, nagulat naman ako no'ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.. sa harap ng pamilya ko, sa harap ng maraming tao, sa  harap ng mga mamamayan ng Arturia Town.

Nakita kong may inilabas siyang maliit na box sa bulsa niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

A-anong ibig sabihin n-nito?!

“You deserve the very best, someone who will back you up without limits, let you grow without borders, and love you without end. Will you let me be the one? Will you marry me?”

Napatakip ako ng bibig at ngayon ko lang napansin na lumuluha na pala ako, napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang pamilya kong pasimpleng nagpupunas ng mga luha sa kanilang mga mata, ang ilan naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa'min samantalang seryoso pa rin ang mukha ni aunt Trinity pero mapapansin naman ang kakaibang saya sa kanyang mga mata. Muli kong binaling ang paningin kay Drench. Naluluha akong napatango sakanya, agad niya namang sinuot sa daliri ko ang singsing at niyakap ako ng sobrang higpit.

Narinig kong nagpalakpakan ang lahat, nakangiti naming hinarap ang lahat at mas lumakas naman ang palakpakan at hiyawan nila. Nakita ko rin sina Myganne, Cal at Lionel na talon nang talon habang nagsisigawan at nagsisipalakpakan.


Akalain mo nga naman, napakabilis ng panahon. Parang kailan lang no'ng lumipat at dumating kami ng kapatid kong si Amritta dito sa Arturia Town at ngayon nga'y ipinakilala na ako bilang pinuno nila.


Hindi ko maiwasang matakot. Matakot dahil wala akong tiwala sa sariling kakayahan. Hindi ko alam kung kaya ko bang mamuno sa Arturia Town kabilang na ang tatlong tribo, dahil hindi ko kayang pigilan at kontrolin ang sarili kapag nagagalit. Natatakot ako na baka maipahamak ko ang lahat.


Napatingin ako kay Drench na biglang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, oo nga pala konektado kami sa isa't isa kaya malamang naramdaman niya rin ang nararamdaman ko.



Hindi ko kailangang matakot dahil tulad nga ng sinabi ni aunt Charlotte, magpakatotoo lamang ako at tatanggapin ako ng lahat.















-End-

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon