Prologue

18.2K 297 26
                                    

****** 

"Life is always about how you survive, because all of us are victims of it." 

****** 

Paano mo nga ba haharapin ang lahat ng tao matapos mong maranasan ang pinakamahirap at pinakanakasusuklam na delubyo sa buhay mo? 

Mahirap maiwan, mahirap masaktan pero paano ka magsisimula ulit kung wala na ang lahat sa'yo? 

****** 

Naglakad ako papalayo kay papa pagkatapos nya akong ihatid sa university namin. Nakangiti lang syang kumakaway sa'kin habang nakatayo lang sa kinatatayuan nya. 

"Bye papa.." nakangiti ko sabi sa kanya bago ko harapin ang mga taong naghihintay sa pag dating ko. 

Mga varsity players, campus prince and princesses, professors, classmates and friends, lahat sila ay nakangiti lang sa'kin habang naglalakad ako. 

Kinakawayan nila akong lahat at nasa akin lahat ng atensyon nila. Pero syempre, kinakawayan ko rin sila habang nakangiti bilang ganti sa mainit nilang pagsalubong sa pag dating ko. 

May iba pa nga na nagkakandarapa para lang masilayan ang paglalakad ko sa hallway. 

Pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay bigla akong nadapa at nasubsob ako sa sahig. Narinig ko ang pagkadismaya ng lahat dahil sa nangyari. At sigurado akong kakaawaan at pagtatawanan nila ko. 

Pero kahit ganon, pinilit ko pa ring tumayo at harapin silang lahat. Ang kaso nga lang, hindi ko inasahan ang makikita ko. 

Nakita ko silang lahat na nakangiti habang nakasuot ng kulay itim. Naka-itim na bonet din sila na kita lamang ay ang kanilang mga bibig kaya kitang kita ko na tumatawa at ngumingisi na rin yung iba. 

Napaatras ako dahil dun. Sinubukan kong tumakbo pabalik kay papa pero habang lumalapit ako sa kanya ay siya ring paglayo nito hanggang siya'y maglaho. 

Dahil nga napagod na rin ako, naisipan ko nang huminto at humarap ulit sa kanila. Pero nakita ko nalang na sasakalin na ako ng isang dambuhalang lalake na naka-bonet din at may kumikinang na singsing nang biglang.. 

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon