Habang naandito ako sa pamamahay na to paniguradong hindi ako matatahimik at lalo na ang tambol sa loob ng puso ko. Wala pa mang isang araw ay marami na ang nangyayari na hindi ko inaasahan paano pa kaya ang 7 araw na ilalagi ko dito? Tumayo na ako sa kama ko at dumeretso sa loob ng banyo buti nalang talaga may sariling banyo kaya hindi ako mahihirapan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin na nakadikit sa pader at kitang-kita ko ang nangingitim na mga mata at malaking bilog sa ilalim non. “Shit eyebags!” Sabagay hindi pa ba ako nasanay na may mga ganito sa mukha ko?

Mabilis akong nakapaligo at nag-ayos ng sarili ko bago bumaba upang tumungo sa dining room. “Good morning po. Aalis na po ako.” Lumingon si Tita na may inaayos sa platong mga kanin at ulam.

“Kumain ka na muna bago umalis para magkalaman yang tiyan mo.” Utos nito kaya umupo na rin ako sa tapat ni Al na ngayon ay nagbabasa ng Dyaryo. “Coffee or Milk?”

“Milk po.” Hindi ako mapakali sa ikinauupuan ko dahil naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin kaninang madaling araw.

“Kamusta ang tulog mo, Iha , dito maayos naman ba?” Tanong ni tita Mildred nang ipinatong nito ang Tasa ng Kape ko iniaabot din niya sa akin ang Cream at Sugar para ako na ang magtimpla kung paanong gustong lasa.

“Ayos naman po.” Pagsisinungaling ko dahil hindi naman totoo na may maayos akong tulog ngayon. “Wag kang maniwala  diyan, Mommy, tinakpan lang ng make-up niya ang mga mata niyang lubog na lubog dahil sa walang tulog.” Singit ni Al sa amin bago ibinaba nito ang dyaryo at tinitigan ako habang nainom sa baso. Inirapan ko siya pero agad nang namula ang mga mukha ko pag naaalala ko yung kaninang pangyayari at yung sinabi niya.

“Hindi ka ba nakatulog ng ayos? Namamahay ka ba? Isang gabi lang naman yon mawawala din yan mamayang gabi at masasanay ka rin.” Nasa tonong may pag-aalala sa sinabi ni Tita Mildred. Tahimik na tumango lang ako at sumandok ng fried rice at hotdog para ilagay sa plato ko.  Nakatungo ako habang ngumunguya dahil ramdam kong may nakatitig sa akin kahit hindi ko tignan kung sino iyon dahil kilala na ng puso ko siya dahil isa kang naman ang nakakapagpabilis ng takbo ng puso ko at si Kupal iyon. “Siya nga pala, Jasmin may pasok ka ba bukas? Saturday.” Basag ni Tita Mildred sa katahimikan na bumabalot sa buong bahay.

“Wala po. Bakit po?” Bakit ba ang bait ko ngayon at hindi makabasag pinggan ang kinikilos ko? Weird!

“Kasal kasi ng pamangkin ko bukas tutal naman wala kang pasok bakit hindi ka sumama sa amin ng makilala mo ang mga kamag-anak namin ni Al.” Excited na anyaya ni Tita. Nalunok ko lahat ng kanin na kasusubo ko lamang. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya at paano soya tatanggihan pero wala din naman akong lakad bukas o puputahan bakit hindi kaya ako sumama pero anong gagawin ko din? Nakakahiya! Napatingin ako kay Al na tahimik ding naghihintay ng sagot ko.

“Ho? A-ano po kasi? W-wala naman po akong lakad p-pero nakakahiya naman po. Family gathering po ninyo ‘yon.”Hindi ko alam kung bakit nagstutter ako ngayon.

“Ano ka ba parang anak na rin ang turing ko sayo dahil gusto ko talaga magkaroon ng babae pero maagang kinuha ang asawa ko kaya hindi na kami nakagawa pa. Sumama ka na huh?!” Tumango na lamang ako lalo na sa huling sinabi ni Tita dahil kitang-kita sa mga mata nito ang lungkot nung binanggit niya ang tungkol sa asawa niyang maagang kinuha ni Lord.  Hindi talaga natin masasabi ang panahon kung talagang oras mo na ay oras mo na pero bilib din ako kay Tita Mildred pagkatapos mamatay ng asawa niya ay hindi na muli pang nag-asawa. “Al, ihatid mo na itong si Jasmin sa school para hindi malate papasok.” Ngumiti na lamang ako bago ininom ang lumamig na kape sa baso ko. Napatingin ako kay Al na ngayon ay nakamasid lamang sa akin.

“Hindi ka magttshirt?” Tanong ko na nanlalaki ang mga mata dahil kung ano yung nakita kong itsura niya kanina nang magising akop ay ganon pa rin ngayon. Nag-init ata ang buong kalamnan ko, bakit hindi ko napansin na wala pala siyang suot ngayon na pang itaas.

“Oo nga, Anak magsuot ka ng pang itaas at mahiya ka kay Jasmin babae ito at hindi lalaki kaya wag ka na munang maglalalabas ng katawan mo habang nandito siya sa atin.” Pag sang ayon sa akin ni Tita Mildred pero hindi ko magawang ngumiti o magsalita dahil pinagpapawisan na ako ng malapot at ramdam kong nilalamig ako. May sakit ba ako kaya nagkakaganito ako? Kailangan ko na nga bang magpacheck up sa Doctor dahil yung puso ko laging bumibilis ang takbo simula nung mga  nakaraang araw hanggang ngayon.  Ngumisi ito sa akin sabay sabing

 “Hindi na. Pag kumuha pa ako ng pang itaas panigurado tatakasan mo lang ako at hindi naman ako bababa ng sasakyan kaya walang makakakita na dapat mong ipag-alala o ikaselos.”

 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now