Third Person's POV

Nagpunta na nga ng likod sina Azazel at Heinz, samantalang ang mga babae nga ay natuloy sa pagpunta nila sa mall.

Habang nasa mall ang mga PsyChixx, pansin ng dalawang bestfriend ni Io na parang may dinadamdam ito.

"Yumii. Ano kayang meron kay Bessy? Kanina ko pa pansin. Parang nabawasan ganda niya." tanong ni Beth kay Nesh

"Ewan ko din. Pero sa tingin ko magkagalit sila ni Heinz. Ewan ko lang aa. Pero basta, parang ganun. Try natin tanungin. Mga Psych students tayo hinde manghuhula." sagot ni Nesh na papilosopo

Hindi na nga nagdalawang isip pa ang dalawa at nilapitan na nila si Io para kahit papaano ay madamayan ito, syempre makiki-chismis na din.

"Bessy? Akala ko ba hindi mo inaalala ang mga exams, pero yang mukha mo ngayon dinaig mo pa ako tuwing may G. A. D ako. Ok ka lang ba?" tanong ni Beth

"May masakit ba sa'yo? Meron ka ba ngayon? Gusto mo sabihin ko sa ibang Chixx na kaen muna tayo?" dagdag pa ni Nesh

"Wala 'to. Maya na tayo kumaen. Kakarating lang naten. Saka hindi ko inaalala yung exams nu. Psss." sagot ni Io

"Ayon naman pala." sabay nilamg sabi

"Ee anong dahilan niyan? Hmm. Yang mukha mo. Ang lungkot mo. Ang pangit mo!" dagdag pa nila

"At ang ganda niyong dalawa. Che. Si ano kasi. Si Heinz kasi ee" sagot ni Io

"Sabe na ee. Galing ko Beth nu? Galing ko." singit ni Nesh

"Ok ikaw na Yumiii. Ikwento mo na yan. Haha" sabi ni Beth

"Kasi dalawang araw na akong nagtetext sa kanya simula kahapon pa pero walang reply. Pati mga tawag ko hindi sinasagot. Anu ba? Parang wala na siyang paki sakin? " sagot ni Io sa dalawa

"Wala agad paki? Di ba pwedeng busy lang din sa pag-aaral? Nagrereview? Kung anu agad naiisip mo. Kalma ka nga lang jan." sabi ni Nesh

"Saka malay mo wala lang load. O kaya naka-off yung phone. Nakatambay sa iba niyang tropa, yung mga childhood friends niya. O kaya naglalaro ng DOTA. Anu pa nga ba ginagawa ni Heinz? dagdag ni Beth

"Anu ba yan, nagrereview nga ee, tapos yung version mo naglalaro ng DOTA. Tse." sabat ni Nesh

"Hahaha. Uo nga sabi jiya nga yun sakin kanina nung nagkita-kita tayo. Siguro nga yan lang yung mga dahilan. Hayyss. Ohh tama na mamaya magpatayan pa kayo. Ok na ako sana nga ganun lang yun. Salamat :)" pigil ni Io sa dalawang kaibigan na nagbabangayan

"Ayan makita ka lang namin nakangiti masaya na kami" sabi ni Nesh

"Lumamang ka na nang konting ganda saken. Konti lang aa." dagdag ni Beth

"Wow ha. Nahiya ako sa ganda mo. Anu yan sinasapian ka ni Micah?" pang-aasar ni Io

Dahil sa mga kaibigan ay lumuwag ang pakiramdam ni Io. Patuloy niyang tinitext si Heinz at tinatawagan matapos ang naging pag-uusap nilang magkakaibigan. Hanggang bumalik sila sa school.

Heinz's POV

"Hoyy anung oras na. Balik na tayo school. Hindi pa ba kayo matatapos?" sigaw ni Azazel

"Ge una ka na." pasigaw na sagot ni Zaire

"Ge. Kita kita na lang mamaya" sabi ni Azazel sabay alis na din

Naglalakad na kami pabalik ng school. Pero parang may bigla na naman akong naalala. Naalala ko ang problema ko kay Io. Sa papaanong paraan ko kaya gagawin yung bagay na yon? Paano?

"Uyy pre lalim ng iniisip aa. Ano yan? May problema ba pre?" tanong sakin ni Xian na nakapagpabalik sa akin sa realidad

"Tangnamo Xian. Nagulat ako pre. Haha. La 'to" sagot ko para hindi na lang pa ako kulitin pa.

Habang nag-eexam kami hanggang sa matapos yon, yun pa din ang gumugulo sa isip ko, paano ko tatapusin ang samin ni Io? Paano?? Lumabas na lang ako ng room at tumambay sa may hagdan. Paano ko uumpisahan?

"Uyy Heinz. Serious? Kailan pa? Haha." sabi ni Michelle na tumabi sakin

"Haha. Hindi nu." balik ko kay Michelle. Kung siya kaya ang pagsabihan ko? Ang pagtanungan ko? Tama, baka matulungan ako nito.

"May tatanong ako huh? Paano ko ba bibreak-in si Io? O mas tama, makikipagbreak na ba ako kay Io? Ano??"

"Huh? Ano sinasabe mo Heinz? Baliw ka na? Hahaha"

"Hayy. Sige na nga." sabay umalis ako at lumakad palabas ng school. Uuwe na lang ako at magpapahinga na lang muna.

Io's POV

Hindi niya talaga ako pinapansin. Kahit kanina sa loob ng classroom hanggang sa matapos yung exam. Hindi ko nga siyang nakitang umuwe ee. Wala ding text kung nakauwe na ba siya. Anu na bang nangyayare? :'(

Sobrang dami tuloy nang pumapasok aa isip ko, ayoko man isipin ay pumapasok at pumapasok pa din. Arrgghh! :(

*Message Alert tone

1 message receive

BebeKo<3

"Alam mo na yung kanina ahh. Gets mo na ha. Break na tayo"

Natulala ako saglit, unti unting iniintindi ung text na natanggap ko kay Heinz.

Hanggang sa naramdaman ko ang sakit at galit. Oo, galit. Galit na galit ako sakanya dahil feeling ko napaglaruan ako. Kaya nagtext din ako sakanya. minura ko sya ng minura, sinabihan ko siya ng masasakit na salita hanggang sa mapanatag ang kalooban ko. Ang sabi ko sa kanya bahala na sya sa buhay nya at wag na wag nya akong lalapitan at kakausapin sa school. Magdamag akong umiiyak hanggang sa hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Ang sakit, sobrang sakit.

Heinz's POV

Tinext ko na si Io, yun lang ang tangi kong naisip na paraan. Ayos na siguro yun. Makaalis nga muna.

Andito ako ngayon sa shop na pinaglalaruan namin nila Ping at Biboy. Kinuwento ko sa kanila na hiniwalayan ko na si Io at pinabasa ko sa kanila ang tinext ko kay Io

"Bakit ka nakipag-break pre?" tanong ni Ping

"Hindi ko din alam pre. Basta hindi ko na siya mahal. Ayun." sagot ko

"Gago ka talaga. Hindi valid yan. Hindi niya yun tatanggapin kapag ganun lang. Palabasin na lang natin na may girlfriend ka nang bago." sabat naman ni Biboy

"Paano?" tabong ko dahil bigla akong napaisip sa sinabi ni Biboy

"E 'di gawa tayo ng fake account. Tapos ipa-irelationship mo sa' yo. Solve ang problema mo." sabi ni Biboy

"Namo boy. Galing mo, pero loser ka pa din" sabi ko kay Biboy

Sinimulan na namin yung isinaggest ni Biboy. Naghanap hanap kaming tatlo ng mga picture ng babae. Ginawan namin ng Facebook account at ini-relationship ko sakin. Nagulat ako ng may biglang nagtext sakin

From: Io Jade Raja

"Bakit? Ayos ka din nu? Matapos mo akong hindi pansinin sa school, hindi sagutin mga tawag at text ko makikipag-break ka sakin? Ano sa tingin mo sakin, laruan? So ganun ganun na lang yun? Bakit Heinz, sawa ka na? E gago ka pala. Minahal kita. Pero ako pinaglaruan mo lang. Ang kapal ng mukha mong hayop ka. P*tang *na mo!! Wag na wag kang lalapit sa school. Ito na huling pag-uusap natin!"

Akala ko hindi siya magrereply. Pero wala rin akong balak na replyan siya. Ang tanging nasa isip ko na lang ay masaya na ako dahil tapos na ang problema ko.

"Yess. Natapos din!" napasigaw ako na napatingin lahat ng nagko computer sa shop. Hayy salamat talaga. HEINZIKUL 'to ee.

-----    END OF CHAPTER 13    -----

Sorry Late Update

Ang sama ni Heinz. Wag kayong magagalit sa kanya sa mga susunod na chapters

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now