Chapter 40 - Closure

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinignan ko si Zoey at tumango naman sya.

"Sige na babe. Alam natin pareho na delikadong nagcommute. Tignan mo nga yung itchura nya, mamaya kung mapano pa yan." Hinawakan nya ang kamay ko. "I trust you. Sige na, baka chance nyo nadin makapagusap. Set things straight between the two of you."

Siguro nga tama sya. Baka nangyayari talaga to ngayon para magkaroon kami ng chance ni Lexi na makapagusap ng maayos tungkol sa nakaraan namin. Baka kaya kasi sya nasasaktan pa din kasi walang closure yung nangyari sa amin noon.

“I love you.” Sagot ko naman kay Zoey tapos kiniss ko sya sa noo.

***

Nakasakay na kami sa sasakyan ko ngayon at papunta na sa Gramercy kung saan nakatira si Lexi. Tahimik kaming pareho. Halatang nagpapakiramdaman. Halatang ilang si Lexi sa sitwasyon naming ngayon. Ni hindi sya makatingin sakin ng derecho. Laging sa harap lang sya nakatingin. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya din naman ako sa kanya shempre. Sa lahat ng sakit na naidulot ko sa kanya, alam ko hindi pa din nya ako napapatawad.

Pero kailangan naming magusap. Kailangan masettle yung mga bagay na hindi namin naayos noon. Closure, sabi nga ni Zoey. Baka kailangan lang naming ng closure para hindi na kami maging awkward sa isa’t isa at maging magkaibigan ulit kami.

“Lexi.”

“Mm?” hindi pa din sya tumitingin sa akin.

“Yung kanina—“

“Let’s not talk about it..” pinutol nya yung sasabihin ko.

“I’m sorry.” Hinawakan ko ang kamay nya na nasa may lap nya pero agad din nya itong inalis.

“Don’t be. Wag mo na akong intindihin, Sky. In time, magiging okay din ako.” Medyo nanginginig na ang boses nya.

“Just hear me out, Lexi. Hindi ko ginagawa to para lalo kang pahirapan. Gusto ko lang na maging maayos na tayo. Gusto kong maging civil tayo sa isa’t isa. Dahil alam kong hindi ito ang last time na magkakasama tayo. And I swear, ayokong maging awkward tayo sa isa’t isa.”

Tinignan ko ulit sya at pasimple syang nagpupunas ng mata nya. Umiiyak sya. Nasasaktan ko nanaman sya.

“I’m sorry, Lexi. Believe me. I’m truly sorry for everything. Sana mapatawad mo ako. Hindi man maging tayo ulit, pero sana, sana bigyan mo naman ako ng chance na pahalagahan ka bilang kaibigan.” Hinawakan ko ulit yung kamay nya at hindi na nya ito inalis. Tumingin sya sa akin at huminga ng malalim sabay ngiti.

“Sya na talaga noh?”

 

Bahagyang kumirot ang dibdib ko nang marinig ang sinabi nyang iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi siguro naiintindihan na nya at mapapatawad na nya ako. O malulungkot ako kasi alam kong susuko na sya?

LEXI

“Sya na talaga noh?” lakas loob kong tinanong kay Sky.

Yumuko sya at tumango. “Sorry.” Sabi nya.

Lalong nagumapaw ang mga luha ko. Halos hindi na ako makakita ng maayos dahil sa mga luha na patuloy na lumalabas sa mga mata ko.

Naranasan nyo na ba yung ganito? Yung sobrang sakit ng nararamdaman nyo na parang hindi na kayo makahinga sa sobrang sikip ng dibdib nyo? Yung gusto nyo na lang na maglaho at lamunin ng lupa? Yung gusto mo na lang sumuko kahit na alam mo sa sarili mo na hindi mo pa kaya..

Yan ang nararamdaman ko ngayon.

Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Hindi na ako nagsalita pa, wala na din naman kasi akong masabi.

Eto na siguro yung cue na kailangan ko na talagang tanggapin kung ano man ang dapat tanggapin. Wala na din naman kasing sense na mag hold on pa ako kung sya mismo matagal ng nag let go. Eto na siguro yung time na pilitin ko ang sarili ko na patawarin sya.

Sandali lang at nakarating na kami sa tapat ng Gramercy.

“Thank you sa pag hatid.” Sabi ko kay Sky habang binubuksan ko ang pinto ng kotse nya.

“Lexi, wait.” Hinawakan nya ang braso ko. Napatingin naman ako sa kanya. “Friends?”

ARAY. Sapul sa puso yun ah.

Ngumiti na lang ako, pilit na ngiti, at tumango. “Friends..” tapos bumaba na ako ng sasakyan.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon