Chapter 38 - Family

Comenzar desde el principio
                                    

“Lexi.” Hindi maiwasang tumalon ng puso ko tuwing naririnig kong binabanggit nya ang pangalan ko. Feeling ko sya pa din yung Sky na nagmahal sakin noon.

“Hindi kasi alam ni Zoey yung tungkol sa nangyari sayo, satin.. Sana hindi na lang nya malaman. Sasabihin ko naman sa kanya, pero hindi muna ngayon.” Tumigil sa pagtalon ang puso ko. Mas may laman yung pagkakasabi nya ng pangalan ni Zoey.

“Ha. Ah, eh.. Sige. Ikaw bahala.”

“Salamat.” Naramdaman ko na parang ang importante talaga sa kanya ng relasyon nila ni Zoey. Ramdam ko na ayaw nyang masaktan ang girlfriend nya. At base sa pagkakasabi nya, ramdam ko na hindi nya kayang irisk ang relasyon nila para lang sa pag amin na muntik na kaming magkaroon ng anak.

“Ay.” Ibababa ko na sana ang tawag nang magsalita nya ulit. “Teka, iniinvite ka nga pala ni mommy, birthday na kasi nya at ni Scarlett sa isang araw. Itetext ko na lang sayo kung saan. Sana makapunta ka, kasi miss na miss ka na ng mga un. Walang ibang binabanggit yun kundi ikaw.”

Buti pa ang mommy at kapatid nya namimiss ako. Sya kaya? Naiisip din kaya nya ako minsan? Naaalala din kaya nya ako pag kasama nya si Zoey?

“Ah ganun ba. Sige, send mo na lang sakin kung saan at anong oras. Pupunta ako.” Sabi ko.

Pupunta nga ba ako? Kaya ko na bang pumasok at bumalik ulit sa buhay nila? Ay parang mali. Baligtad yata. Kaya ko na bang papasukin at pabalikin ulit sila sa buhay ko? Kaya ko na bang makita si Sky at Zoey na masaya? Kaya ko na bang tanggapin lahat?

Wala naman na akong magagawa diba? Hindi sa tinatanggap ko na. Pero, sa ngayon, magiinarte pa ba ako kung sya na mismo ang lumapit sa akin? Malay ba natin diba, malay natin gusto pa din nya ako. Hindi naman masamang mag assume diba?

***

‘Saturday, 6pm, sa bahay namin sa Wack-Wack.’

Binasa ko ulit ang message ni Sky na may kasamang picture ng mapa kung paano pumunta sa bahay nila. Ihahatid lang kasi ako ni Kit papunta doon at susunduin din after. May commitment na daw kasi syang iba kaya hindi nya ako masasamahan. Ayos diba? Hayaan daw ba akong mag-isa.

 “Basta, kapag nakaramdam ka ng kahit ano, tawagan mo kaagad ako ha?” bilin ni Kit habang nagdadrive papunta sa bahay nila Sky.

“Wala namang mangyayari sakin, ano ka ba. Wag ka ngang ano jan.” sagot ko naman. Alam ko fragile ako, pero hindi ko pwedeng iarte yun kasi lalo lang ako manghihina at lalo lang mahihirapan ang mga taong nakapaligid sa akin pag pinakita kong mahina ako.

“Sige na nga.” Sabi nya sabay ngiti. “Pero, baby girl? Sigurado ka na bang ready ka na ulit makipagkita sa kanila? Alam mo na..” sumimangot sya habang derecho pa din ang tingin sa daan.

Hinawakan ko ang kamay nya. “Okay lang ako, Kit. Masyadong maikli ang buhay para magtanim pa ng galit sa kung kanino man.. Wala naman din akong mapapala kung paiiralin ko ang pride ko diba? Tsaka si Sky naman ang nanakit at nangiwan sakin, hindi ang pamilya nya. Pakikisama na lang din kasi naging mabait naman sila sa akin at tinuring ko na ding ina yung mom nya.”

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora