Chapter 50: The Suffered

1.8K 48 2
                                    

Inabot na sila ng ilang oras sa labas, at sa mga oras na ito ay hindi pa rin nila nakikita si Aika. Magkasama na silang lahat naglalakad pauwi.

"Pano kung wala talaga dito si Aika?" Biglang tanong ni Mizu sa kanila.

"Kung wala siya dito? Saan kaya siya pupunta?" Tanong ni Aira.

Wala ng sumagot sa kanila matapos ang tanong ni Aira. Hindi na rin nagsalita si Aira at nanahimik nalang. Pagbalik nila sa tinutuluyan nila ay wala pa ring nagbago. Uuwi sila at kinabukasan ay aalis para magpatuloy sa paghahanap sa ibang mga bahagi ng bayan.

Papalit palit sila ng mga taong lalabas para maghanap, at kada gabi na lumilipas, wala silang nakikita o nakukuhang impormasyon kung nasan si Aika. Tila ay naghahanap sila sa wala dahil sa mangyayari.












Sa kastilyo, sa isang madilim na kwarto ay nandun ang mga ina nila para humingi ng tulong sa mga nakaraang Maharlicha. Tahimik sila habang nakaluhod paikot sa harap ng apoy na berde. Kailangan nilang baguhin ang kulay nito mula sa berde ay magiging violet. Ngunit ilang oras na sila tumatawag at nagdadasal, wala pa ring nagbabago.

Habang ang mga kasamahan nila ay nasa labas lang para bantayan sila. Ito ang tanging paraan nila para bumalik kahit papano sa dati ang lahat. Ang langit na hanggang ngayon ay pula pa rin. Tila nasusunog ang langit dahil sa galit.

Kokonti nalang silang buhay dahil sila sila nalang ang naiwan, ang mga Maharlicha. At ano mang oras ay maaari silang sugurin ni Aika at tapusin. Dahil ito naman talaga ang gusto niya, na mawala ang mga may kaugnayan kay King Galires.
























Ayoko na... Nahihirapan na ko...

Hindi ko naman 'to ginusto. Gusto ko lang ng mabuhay ng payapa kasama ng mahal ko sa buhay. Ayoko ng ganitong maraming nahihirapan. Kahit ako.

Ang sakit sakit. Gusto kong baguhin ang lahat at ibalik sa dati dahil— dati hindi pa ko marunong tumanggap ng katotohanan kaya binago ko.

Ayoko na, gusto kong ibalik ang kamay ng mga oras kung saan ito tama. Nahihirapan na rin ako.

Gusto kong humiwalay sa kanila.. gusto kong makawala sa mga tali nila sa katawan ko. Gusto kong humakbang gamit ng dalawa kong paa. Ayokong umasa sa kanila... Ayoko.

Pero kung ibabalik ko 'yun, maraming mahal ko sa buhay ang mawawala.

Si Hana.. si Master...

"Tulungan mo kong makawala dito. Matagal na kong wala, ramdam mo 'yan!"

Miyu...?

"Maraming nahihirapan kung hindi mo ibabalik sa dati ang lahat... Tadhana ito, hindi dapat pakialaman"

I...

I want to fix everything.. Can I turn back the... Time?





































"Ayoko ng maulit ang nangyari! Baguhin natin 'to hangga't may oras pa tayo"

Huminga ng malalim si Aira matapos niyang sabi iyon. Silang dalawa nalang  ni Sandra ang nasa labas. Hindi sila makatulong dahil sa mga tanong nila sa isipan.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon