Angouseau Era Pt#7: Pain

1.5K 26 0
                                    

Nawala ang tulog ko dahil sa ingay na pumapasok sa tenga ko. Hindi ako dumilat dahil hindi ako makadilat. Hindi ko ba alam kung bakit pero parang nakadikit yung mata ko sa balat ko. Nagsalubong ang kilay ko at sinubukang galawin ang kamay ko. Pero maski ito ay hindi ko maigalaw.

Anong nangyayari? Tuluyan na ba kong nawalan ng pandama?

Ang bibig ko? Ang boses ko? Pati ito nawala rin. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Pilit kong ginagalaw ang katawan ko pero kahit ang buong katawan ko ay hindi ko maigalaw.

Umiiyak ako ngayon, pero wala akong nararamdamang luhang lumalabas sa mata ko. Tanging nararamdaman ko lang ay ang pagkakaroon ng tubig sa mata ko.

Natatakot na ko. Anong nangyari sakin? Bakit ganito ako?

Tulong! Kailangan ko ng tulong!

Hindi ako pwedeng maging ganito! Ayoko!

"Ayoko"

-

"Ms. Grandiflora? Ms. Grandiflora?"

Kumurap ang mata ko ng may maramdamang tumatamang ilaw sa mata ko. Kahit nakapikit ako ramdam ko ang lakas ng ilaw na tumatama sakin, sakit sa mata. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko. At kasabay ng pagbukas ng mata ko ay kusang tumulo ang luha sa gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ito.

Napakurap ako at tumingin sa babaeng nurse na nasa kaliwa at tutok na tutok ang mukha niya sa mukha ko. Nakita kong ngumiti siya at mabilis na nanakbo. Sunod kong narinig ay ang pagsara ng malakas ng slide door.

Dahan dahan akong bumangon at naupo. Nilibot ko ang paningin ko. Hospital. Nasa hospital ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero nan-

"Oo nga pala" Nagpaiwan ako ng makita ko sila Ignis, at sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari. Ginawa nya kaya? Naligtas niya kaya ang mga tao? Nakaligtas kaya sila? Siya?

Mabigat pa ang talukap ng mata ko pero pilit ko itong binubuksan ng todo. Nagawi ang tingin ko sa bintanang bukas. Ang kurtina nitong puti ay tinatangay ng malakas ng hangin papasok sa kwarto ko. Inalis ko ang kumot sa hita ko at bumaba.

Tumayo ako at saglit na napahawak sa ulo ko ng makaramdam ng sakit. Yung panaginip ko, bakit ganun? Nakakatakot. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad. Paglapit ko sa bintana ay tumambad sakin ang maayos na paligid. Walang sira. Walang kahit ano panget.

Pero sa isang parte ako ng MA napako. Sa hall. Sira ang kalahati nito. At may mga taong nag-aayos sa nasira. Muli kong naramdaman ang sakit sa puso ko at manginig nginig kong hinawak ang kamay ko sa barrier ng bintana. Tumulo ang mga luha ko. Napatakip ako ng bibig ko at unti unting napaupo.

Sabi na nga ba. Balewala ang lahat kung wala ako! Anong silbi ng mga ginawa ko kung wala ako dun para malaman kung anong nangyayari. Kung nandun ako, sana nasabihan ko sila sa mga pag-atakeng gagawin nila. Kaso wala ako.

"Wala ako!"

"Aika!"

Natigilan ako sa pag-iyak ng marinig ang boses niya. Agad akong lumingon at tiningnan siya.

"Aira!"

"Aika! Gising ka na"

Hindi ko siya pinansin, tumayo lang ako at mabilis na nanakbo palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sumama samin si Sandra at yumakap din.

Umiiyak ako sa balikat nilang dalawa. Parang bata na nawalan ng magulang. Mahigit ko silang niyakap at saglit na lumayo para makita ang mukha niya. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko na intindi ang hitsura ko. Ngumiti ako habang patuloy na umiiyak.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon