Chapter 20: Safe And Dead

2.2K 62 0
                                    

Aika

Gabi na ngayon, at aalis na sila master. Parang ayaw ko pa silang paalisin. Ang bilis eh. Ang bilis ng oras. Gusto ko pa silang makasama.

"Aika, mag iingat ka dito huh. Ang mga bilin ko wag mong suwayin" paalala sa akin ni master.

"Ako pa" Sabi ko.

Lumapit si master sakin at niyakap ako. Niyakap ko din siya ng mahigpit. Bigla naman lumuha ang mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan ng palihim sa damit ni Master.

"Wag ka ng malungkot grace! Babalik naman kami" Sabi ni kuya at sumama sa yakap namin.

"Sige, mauna na kami" Sabi ni kuya at sumakay sa sasakyan.

"Master bumalik na ka na sa shop, si kuya na lang yung gawin mong kapalit kk" Sabi ko

Natawa siya at pinunasan yung luha kong biglang tumulo sa pisngi ko.

"Oo, aalilain ko 'yan!" Sabi niya.

"Hoy!" Sigaw ni kuya.

Bahagya lang akong tumawa at lumayo para makasakay na siya sa train na pang kalsada. Baka kasi kapag hindi ako lumayo, tuluyan na kong sumama sa kanila.

"Sige Aika, mauna na kami at umuwi ka na! Gabi!" Sa isang iglap lang ay naging tatay na namin si Master dahil sa sinabi niya.

Tumango lang ako at ngumiti. Ngumiti lang din siya sakin at sumakay na sa train habang nakatingin sakin. Nagsimula ng umandar ang train nila a dahan dahan itong umandar.

Bahagya akong lumabas para makita sila. Kinawayan ko sila at sinundan ng tingin. Nang lumiko na ang train nila ay pumasok na ako dahil gabi na.

Baka kapag hindi pa ko pumasok, baka biglang sumulpot si Master at paluin ako ng magic tambo niya. Natawa lang ako at umiling-iling.

Haysst!

Habang naglalakad ako, di ko maiwasang isipin na sumama sa kanila. Oo, gustong gusto ko kaso bawal. Masasarap talaga ang mga bawal.

Pero kasi, delikado ang buhay ko sa labas. Hindi ko alam kung saan ba talaga ang delikado. Kung sa labas o dito sa loob. Hindi ko alam, ayokong magtanong sa kanila dahil baka isipin nilang naghihinala ako. Totoo naman.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang bracelet na ibinigay ni master sakin. Katabi nito ang bracelet na ibinigay ni Reyna Fherera sa akin. Pero una si Master syempre.

Napangiti lang ako at itinuon ang atensyon sa daan. Marami pa ring estudyante ngayon sa labas. Ang iba ay naglalandian at ang iba ay naglalakad lakad at nag-aaral. Kaming mga adults nalang ang nasa labas dahil ang mga bata ay nasa kwarto na nila at nagpapahinga.

Tumigil ako sa paglalakad ng may makitang dalawang babae na nakaupo at nakatalikod sakin. Kumunot ang noo ko at naagaw nila ng buo ang atensyon ko dahil nasa gitna sila sa daan.

Hindi ko na sila pinansin at naglakad nalang. Kunwari wala akong nakitang-

"MISS!"

"ANO?!" Sigaw ko dahil sa gulat.

Kunot noo akong nakatingin sa kanilang dalawa na nakatingin sakin. Napaupo pa rin sila at nakatingin ng diretso sakin. Napatingin ako sa harapan nila at puro basa lang ang nakita ko.

"Anong kailangan niyo?" Kunot noong tanong ko at tumingin sa kanila.p

Ngumiti silang dalawa sakin at biglang humawak sa palad ko at mukhang kawawa.

"H-Hoy! Ano ba?! Nasisira niyo yung palda ko!" Sita ko sa kanilang dalawa.

Ano ba 'tong mga 'to?!

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon