Chapter 10: Good/Bye

4K 96 0
                                    

Aika

Naglalakad na ako papunta sa training room. Ako na lang ang mag e-ensayo sa sarili ko. Hindi ko na sila kailangan.

Simula nung nagtalo kami ng Maharlicha, hindi ko na sila kinakausap. Dahil bakit pa? Hindi naman sila ang pinunta ko rito. Isang malaking pagkakamali talaga ang pagpunta dito.

Ilang minuto ay nakarating na ako sa training nila at pagharap ko sa malaking pintuan ay nakabukas ito agad.

Dahan dahan akong pumasok at tinignan ang paligid kung may tao.

Nang wala akong makitang tao ay isinara ko ang pinto, at naglabas agad ng maraming espada. Sa sobrang galit ko, ang mga espada lumabas sa likuran ko ay dumiretso sa mga malalaking poste at dito ito bumaon.

Napakurap ako at tumayo ng maayos. Wala ako dapat sayangin na oras, kailangan kong turuan ang sarili ko para manalo. At para makaalis dito. Nagpunta na agad ako gitna at pinakalma ang sarili ko.

Masyadong nagagalit ang puso ko, kaya hindi ito maganda sakin. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiraramdaman ang kapangyarihan ko.

Muli akong napadilat at tiningnan ang dalawang palad ko, yung kapangyarihan ko? Ano ba talaga?

Di ko pa naman nailalabas ang kapangyarihan ko ng may maramdaman akong nakatingin sa akin.

Hindi ko ito pinansin nung una pero habang patagal ng patagal ay lumalakas ang presensya niya. Napairap ako at naghalukipkip.

"Lumabas ka na dyan" Sabi ko.

Narinig ko naman ang mga yapak ng dalawa niyang paa at papunta ito sa pwesto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng hindi siya hinaharap.

"Aika"

Isang salita pa lamang ang kanyang sinasabi ay napalingon na agad ako at ganoon na lang ang init ng ulo ko ng makita kong siya nga talaga ito.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko na may bahid ng pagkainis.

Tumalikod na ako sa kanya at hindi hinintay ang sagot niya. Bakit pa?! Naglakad nalang ako papalayo sa kanya.

"Sandali lang"

Rinig kong sabi niya. Huminto ako at nilingon siya. Hinintay ko yung sasabihin niya pero ilang minuto na akong nakatingin sa kanya ay wala pa rin itong sinasabi.

"Alam mo, kung nandito ka para pigilan akong mag-practice. Umalis ka nalang"

"At kapag hindi ako nakapagpigil ikaw ang pagpa-practice san ko" seryoso kong sabi dito.

"Aika"

Maglalakad na sana ako ng bigla niya ulit aking tawaging. Napairap ako at naglabas ng isang espada sa kamay at itinapat ito sa kanya.

"Pwede ba!? Kung wala kang sasabihin ay umalis ka na lang?!"

Tumingin naman ito sa akin at dahan dahang lumapit.

"Gusto mo tulungan kita?"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo" diretsong sagot ko.

"Wag mong isiping tinutulungan kita dahil sa nangyari kahapon"

"Hindi ko talaga iniisip 'yun at wala akong balak isipin"

"Ibaba mo naman ang pride mo kahit minsan"

"Babang baba na kaya nga ako nandito"

"Tsk! Ano bang gusto mong mangyari?!"

"Ikaw? Anong gusto mong mangyari at nandito ka? Pinapaalis na kita diba?"

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon