Angouseau Era Pt#2: First Attack

2.3K 66 0
                                    

"AIKA!"

Isang malakas na sigaw ni Ignis sa pangalan ni Aika na ngayon ay tulala at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Gulat na gulat siya habang nakatingin sa mga taong namatay agad dahil sa biglang pagsulpot ng dalawang malalaking berserkers.

"Aika! Umalis na tayo!" Sabi ni Ignis at hinawakan sa braso si Aika.

Nahuhulog na ang mga bitak na bato na galing sa taas, at ang mga malalaking bato ay bumabagsak sa mga estudyanteng tumatakas. At ang iba ay nakikipaglaban. Pero sadyang malalakas ang mga kalaban dahil mula sa entrance ng venue nila ay may nakakatakot na halimaw ang lumabas at lahat ng mga estudyante palabas dito ay hinawi niya na parang kalat. Nagkalat ang mga dugo sa buong paligid ng hall.

"Tara na!"

Pwersahang hinila ni Ignis si Aika palabas ng hall. Paglabas nila sa makapal na kurtina ay nakita agad nila ang mga iba nilang kasamahan na lalaban na.

"Sandra's squad!" Tuwang sabi ni Shizen na kakalabas palang din sa hall.

Mabilis silang nanakbo palayo sa building at dali daling lumabas. Nakita nila ang mga seniors nila na walang takot na sumugod. Ang iba ay nanggagaling pa sa ere.

Nagtago sila sa likod ng malaking puno at dun naghintay ng signal.

"Nasan sila Sandra? Kakakita lang namin sa kanila bago mangyari yung pagsira sa hall!?" Tarantang sabi ni Aika.

Pinakalma naman siya ni Ignis at itinago si Aika sa likod niya dahil alam niyang hindi na maayos ang takbo ng utak ni Aika.

"Nasan ang iba?" Mahinahong tanong ni Ignis sa mga kasamahan ni Sandra.

"Umalis sila para sabihin ang mga ibang tao dito, at kami ang pinapunta niya para humarap sa dalawang berserkers" Sagot ng isang kasamahan ni Sandra.

[Nico Taxon, 1st member squad, body manipulator]

"Pano kaya nakapasok ang mga halimaw na 'yan dito?" Mahinang tanong ni Ignis.

Pare-pareho silang nakatakip ng ulo ng may malakas na sumabog. Nanlaki ang mga mata nila ng makita na ang punong pinagtataguan nila ay nahati sa gitna. Bumagsak ito sa magkabilang side at tumambad sa kanila ang lalaking may berdeng buhok at nakakatakot na mga mata.

"Sino sila?" Mahinang tanong ni Aika habang titig na titig sa lalaki.

"Hello~~~!"

Napatingin silang lahat sa taas ng marinig ang boses ng bata. Nakita nila ang isang babae na nakasakay sa libro habang palapit sa gawi nila Aika.

"Umiwas kayo!" Mabilis na sabi ng pangalawang myembro ni Sandra.

[Rhijay Lockhart, 2nd member. Fire]

Nakangiti ng nakakatakot ang batang tinulungan ni Aika kanina lang, papunta ito sa kanya at sasalubungin niya sana ng bigla siyang hilahin ni Ignis. Ngunit bumilis ang batang babae at nahagip ng libro si Aika.

"AIKA!" malakas na sigaw ni Ignis.

Mabilis sumugod si Azure kay Ignis, hindi nakita ni Ignis ang pag-atake ni Azure dahil nakatuon ang atensyon niya kay Ignis. Nagpang-abot siyang dalawa sa lupa, at puro suntok at sipa ang laban nila. Bihira sila magtirahan ng mga kapangyarihan nila dahil ang mga kamao nila ay gigil na gigil sa suntukan.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon