Chapter 32: Almost A Death

2.3K 63 0
                                    

"nasa bahay kaya ni Kuya si Master ngayon?"

Napakamot ako sa ulo ko at sumubsob sa librong binabasa ko. Nandito ako ngayon sa library nagpapalipas ng oras. Kakatapos lang ng limang subjects ko, at lahat ng 'yun ay sunod sunod. At ngayon lang ako nakapagpahinga.

Napabuntong hininga ako at saglit na pumikit. Iniisip ko yung sinabi ko kanina, na baka kaya wala si master sa bahay namin dahil nasa bahay siya ng kambal niya? Posible nga.

Kung pumunta kaya ako ngayon sa bahay ni kuya? Pero magpapaalam ako para hindi na ko maparusahan. Pero ayos lang kung tatakas ulit ako kasi alam ko naman na yung punishment nila. Dito pa rin sa library ang bagsak ko kung sakaling tumakas ako.

Pero hindi pare-pareho ang takbo ng utak ng mga officials. Baka baguhin na nila yung punishment nila sakin.

"Brruuuhhh" Di nalang ako tatakas.

Kusa nalang ako lalabas at titingnan ko kung sisitahin ako ng mga knights na bantay sa lahat ng gate. Dumilat na ko.

"WAAHH-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at mabilis na naupo ng maayos.

Napakurap ako habang nakatingin sa kanya na nakahiga ang hilig ang balikat at ulo sa mesa habang tinitignan ako habang nakapikit. Ngumiti siya at umayos ng upo.

"Akala ko tulog ka, kaya tinitigan kita"

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na magiging honest siya. Akala ko kasi magpapalusot siya. Mali ako.

"G-Grabe ka naman, hindi mo kailangan titig ang mukha ko. Wala kang mapapala" natatawang sabi ko at inalis ang kamay sa bibig ko at ilang na ngumiti sa kanya.

Ang tagal naming hindi nagkita.

"Nabalitaan ko ang nangyari sayo. Kumusta ka na?" Tanong ni Zhero.

"Ayos na ko" ngiting sagot ko. Seryoso? Ang tagal na nangyari 'yun, mag-iisang taon na. Isang taon?! Edi halos mag-iisang taon na kaming hindi nagkikita kahit na parehong school lang ang pinapasukan namin.

Well, malaki nga ito ay magkaiba kami ng lugar at building. Dahil kung sa tutuusin ay senior ko na siya ngayon. At ako senior na rin ako sa mga bagong pasok na estudyante.

"Salamat sa pag-aalala" pahabol ko at tumingin sa librong binabasa ko.

"Kahit sino mag-aalala kapag nalaman mong ganun ang kalagayan ng kaibigan mo"

Kusang lumabas ang malaki, malaking ngiti sa labi ko dahil sa kaibigan na sinabi niya.

"Kinakamusta ka rin ni kuya, Si Zero, without H"

Otomatikong nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Nung nakaraan lang nagkita pa kami sa hallway, pero hindi niya ko pinansin o binati. O tinanong. Talagang sa kapatid ko pa niya nalaman?

"Pake ko-"

Shit! Nasabi ko yung nasa isip ko. Gulat akong tumingin kay Zhero at nakita kong natigilan siya. Mabilis kong inalis ang kamay sa bibig at ngumiti ng normal.

"Pake sabe sa kuya ko na ayos lang ako ang ibig kong sabi. In short Pake-ko" palusot ko at ngumiti ng todo.

Natigilan ako ng bigla siyang tumawa. Tumawa na parang masaya. Napangiti ako at bahagyang tumawa rin habang umiiling iling. Ano bang ginagawa ko? Pake sabe? Letcheng accent 'yan!

"Nga pala, bakit ka nandito?" Tanong ko para matigil na siya sa pagtawa. Kapag hindi siya tumigil sa pagtawa, binu-bully niya na ko.

"Papunta sana ako sa B-2403 para manghingi ng letter for leaving" sagot niya.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon