Chapter 2: Swords

6.7K 152 9
                                    

Saktong alas kwatro ako nakarating sa shop ni Master. Sabi ko na nga ba dapat hindi nalang ako umuwi dahil konting oras lang naman yung pinagpahinga ko eh.

Nakatayo lang ako sa labas ng shop, at mula rito ay pinapanood ko si Master na nagtatalumpati na naman sa mga tauhan niya. Napahilot ako sa sintido ko at humarap na sa sasakyan na gagamitin ko.

Nandito na ang lahat ng mga ide-deliver ko, driver nalang ang kulang at ako 'yun. Naglakad na ko palapit at binuksan ang pinto.

"AIKA! SABI KONG 4:00 KA AALIS DIBA? ANONG ORAS NA? DI MO BA ALAM KUNG ANONG PWEDENG GAWIN SAYO NI HENERAL DAHIL HINDI KA TUMUPAD SA USAPAN?" gigil na sabi ni master nakakalabas pa lang ng shop. Hindi ko siya pinansin at isinara lang ng pinto, naglakad ako papunta sa likod ng sasakyan para ayusin ang ibang gamit na hindi maayos sa pagkakalagay. Inilagay ko ang ibang binili ni Heneral sa passenger seat dahil masyado ng puno ang labas.

"Ano bang problema mo Aika! Hindi kana tumutupad sa usapan..."

Ang ingay naman nito, sakit sa tenga! Tinigil ko ang paayos sa likod ng sasakyan at tumingin sa kanya.

"4:30 sabi mo, wag kang ano jan!" Tanging sagot ko dahil kahit papano ay master ko pa rin siya at may respeto pa naman ako ng konti pagdating sa kanya.

Tumigil siya sa kakatalak at tinitigan lang ako. Walang gana akong nakatingin sa kanya at sumakay na sa sasakyan. Nang isasara ko na yung pinto ay bigla niyang hinila ito kaya pati ako nahatak papalabas dahil hawak hawak ko pa ang pinto ng sasakyan.

"Hangga't maaari, lumayo ka sa gulo!" Sabi ni master. Tumango na lang ako sa isinara na yung pinto.

Ilang minuto pa ay pinaandar ko na ang sasakyan. Tiningnan ko si Master mula sa salamin sa labas, nakatayo pa rin siya sa pwesto niya at nakatingin lang sa sasakyan.

"Master talaga, bungangero pero caring rin naman"

Itinuon ko ang atensyon sa daan. Habang nagmamaneho ako ay may napansin akong anino sa gilid ng sasakyan ko, saglit akong tumingin dito at wala naman akong nakita.

Pero mabilis tumayo ang balahibo ko ng maalala kong nagmamaneho pala ako kaya imposibleng makakita ako ng anino ng tao na nakatayo sa labas ng bintana. Dahil sa takot ay binilisan ko ang pagmamaneho hanggang sa muntikan na akong makabangga ng tao.

"SORRY!" Sigaw ko at inilabas lang ang isang kamay sa bintana para malaman ng taong muntik kong mabangga na alam kong muntik ko na siyang mapatay. Hindi ako tumitigil at diretso lang ang tingin ko sa daan. Tumingin naman ako sa side mirror para tingnan ang taong muntik ko ng mapatay, nakita ko siyang naghuhumiyaw at tinuturo turo yung sasakyan habang galit na galit.

Sheet, layo layo nga eh. Di ko naman talaga siya mababanga, sadyang OA lang siya.

Ilang oras pa sa byahe ay nakarating na rin ako kastilyo. Papasok na sana ako sa loob ng may humarang na gwardya sa dadaanan ko. Itinigil ko ang sasakyan at ibinaba ang bintana sa kanan ko.

"May padala po para kay heneral" Sabi ko.

"Pwede bang makita?"

"Ghe" Sabi ko.

Agad naman siyang nagpunta sa likod ng sasakyan. Ilang minuto pa ay hindi pa siya bumabalik kaya naman bumaba ako.

"Ako na nga" Sabi ko. Hindi niya kasi mabuksan yung tarpaulin na nakaikot kaya ako na lang ang nagtanggal. Kaya pala ang tagal niya, akala ko kinakalantare na yung mga deliver ko.

"Idiretso na yan sa likod ng kastilyo"

Nagulat naman kami ng may biglang nagsalita. Napatingin kami dito at nakita namin si heneral na nakatayo sa gilid habang nakatingin sa order niya. Agad kami nagbigay galang dito.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon