Chapter 31: New Beginning

2.3K 64 0
                                    

Matapos ang mga lahat ng nangyari sa MA, unti unti ng nakaka-move on ang mga tao dito. Pilit nilang kinakalimutan ang mga nangyari noon at nagsisimula na ulit sa bagong buhay nila.

Kami ganun pa rin, hindi pala. Sila lang na laging busy sa mga projects at squad nila. Ganun din si Miyu para sa club niya. Ako, pagala gala lang dito sa buong campus. Minsan nasa library dahil mukhang nasanay na ang utak ko na magbasa ng mga libro dahil sa punishment na nakuha ko. At napabuti 'yun.

Ang nangyaring laban samin ay ngayon nakasulat na sa libro, na may title na Losing's Win. Dito lahat nakasulat ang mga totoong nangyari at libre itong pinamigay ng school sa lahat.

Kaya ngayon ito ang binabasa ko. Tumigil ako sa paglalakad ng makarating ako sa lumang puno dito sa Campus. Malaki ito at mataas, kasabay ng pagtatayo ng MA ay nandito na itong puno na ito. Dati maliit lang at mukhang ligaw na damo. Pero unti unting lumaki hanggang sa lumaki ng husto.

Para maprotektahan ito ay naglagay sila ng hanggang bewang na nating harang sa palibot nito. Kaya madalas may mga estudyante na nagpupunta dito para magpalipas ng oras dahil maganda ang tanawin dito.

Naglakad ako papunta dito at tumalon para umupo. Muli kong binasa libro ng biglang may kumuha nito mula sa pagkakahawak ko. Nagsalubong agad ang kilay ko at tiningnan ito kung sino.

"Ano na naman?" Walang ganang tanong ko at kinuha muli sa kanya ang libro ko.

"Bakit mo binabasa 'yan? Kasinungalingan lang 'yan. Alam mo ang mga totoong nangyari" sabi niya at sumandal sa pader.

"Pake mo ba? Totoo man o hindi, Wala na kong pake" sagot ko sa kanya.

Nakakailang basa palang ako ng bigla akong tumigil. Ayokong magbasa ng may tao sa paligid ko at malapit sakin. Hindi ako makapag concentrate.

"Ano namang ginagawa mo dito? Diba busy ka?" Tanong ko sa kanya at isinara ang libro.

Bahagya lang siyang tumawa at parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Kung pwede nga lang magpahinga, magpapahinga na talaga ako. Kaso busy kami" sagot ni Ignis at naupo na sa tabi ko.

"Bakit ba kayo ganyan ka busy? Dahil ba sa Maharlicha kayo o may kailangan kayong gawin in the future?" Tanong ko.

Saglit siyang natawa at nag indian sit.

"Grabe ka naman sa in the future, hahaha. Kaming mga Maharlicha talagang nakaalay na ang buhay namin sa pamilya namin. Bilang maging tagapagtanggol nila. Special unit or soldiers parang ganun" paliwanag niya.

"Pati yung mga training niyo? Training 'yun sa pagiging special soldiers niyo?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Oo. Babae man o lalaki basta Maharlicha. Otomatikong front fighter ng Royal Family. Maharlicha."

Wow. Mabuti nalang hindi ako naging Maharlicha. Hindi na ko nagsalita at tumingin nalang sa lupa. Sa mga bulaklak na sumasayaw kasabay ng malakas na hangin.

Napabuntong hininga ako at napayuko. Bigla kong naalala si Master dahil sa mga bulaklak. Ang mga bulaklak ni Hana sa bahay namin patay na. Nagawang iwan ni master yung isang bagay na pinakamamahal ni Hana?

Asan na kaya siya ngayon?

"Nga pala. Nung nakaraang nasa hospital ka, pumunta si Miyu para kumustahin ka" sabi ni Ignis.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Sinabi naming ayos ka lang at hindi namin sinabi ang totoong nangyari sayo"

"Tama lang 'yun. Ayoko ng pati siya madamay pa sa gulong hindi ko alam kung pano labasan" mahinang sabi ko.

Ramdam kong tumingin siya sakin pero agad niya itong mabilis na iniwas.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon