Chapter 14 : Moon Holy Great War

3.4K 89 0
                                    

Jhester

Kasalukuyang nasa tabing ilog kami at gumagawa ng mga halamang gamot.

At pinaguusapan din namin si Hana. Nasa kwarto siya ngayon at mahimbing na natutulog. Nang makauwi kami dito, wala siyang gana at parang pagod na pagod siya. Pero nakilala niya si Jhuster, pero kahapon, parang hindi niya kilala.

"Sigurado ka?" Tanong ni Jhuster.

Ikiniwento ko na ang lahat kanya, yung nangyari kahapon. At kahit siya ay hindi makapaniwala.

"Oo, sinabi kong pumunta na siya sayo. Pero hindi ka niya kilala" sabi ko.

"Pero paguwi niyo dito, nakilala niya at niyakap pa ng mahigpit. At ramdam kong totoo 'yun at siya yun"

"Pero bakit nga ganun? Tapos yung mga ginagawa ko sa kanya noon, hindi niya na gusto" sagot ko. Tumigil ako sa paggawa ng gamot at naupo sa batong malapit sa pwesto ko para magpahinga.

"Ume-edad eh. Syempre nagbabago rin takbo ng utak nun"

"Sana ganun nga lang. Pero iba talaga. Matagal na kami magkasama, kaya alam ko kung may nagbago sa kanya o wala"

Tsk.

"May gagawin pa ako, para malaman ko kung nagbago ba talaga siya o hindi" Sabi ko at tumayo sa pagkakaupo.

"Sinong nagbago?"

Napatigil ako sa paglalakad at napatitig kay Jhuster. Sa isang direksyon lang ito nakatingin, at sa likod ko 'yun. Dahan dahan akong lumingon para tingnan kung siya nga ba talaga yun.

"Hana..."

















Aika

Nandito ako ngayon na training room at nagpa-practice para sa laban. Huli na 'to. Kaya lulubos-lubisin ko na.

Actually, excited na akong lumaban. At syempre, namalo sana. Pero hindi maganda ang pakiramdam ko simula umaga. Parang lalagnatin yata ako.

Tangina naman, kung kailangan lalaban ako tsaka ako lalagnatin. Pero hindi, lalabanan ko 'tong lagnat ko. Hindi ako matatalo dito.

Kung magpapalo ako sa lagnat, wala akong pag-asa para manalo sa malaking laban.

"AAAAAAAAHHHHHHH!"

Isang malakas na pwersa ang inilabas at tumama ito sa board na ginawa kong target. Hingal akong nakatayo sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa wasak na wasak na board dahil sa pwersang inilabas ng espada ko.

"Ayos"

"Aika, gusto kitang makausap" rinig kong sabi ni ignis mula sa labas ng Training Area.

Yeah, simula kahapon ay lagi siyang nasa tabi ko, minsan hinihintay niya lang ako. Pero hindi niya sinasabi sa iba niyang mga kasama ang tungkol sa napagusapan namin.

At sinabi ko ring wag niya ng ipaalam sa mga ibang kasama namin ang tungkol sa kapangyarihan ko. Delikado, may tiwala ako sa kanila, pero hindi sa lahat ng oras.

Nagpunas ako ng pawis at ipinatong ang espada sa balikat ko at naglakad na papunta sa kanya. At pagbukas ko ng pinto ay wala siya dito. Tinignan ko yung nasa kanan ko at wala rin ito dito. Pati sa kaliwa, wala rin.

"Asan siya?" Takang tanong ko at binaba ang espada sa gilid ng pinto at naglakad palabas.

Nilibot ko ulit ang paningin sa paligid ko, at wala akong nakitang Ignis dito. Walang tandang.

Naglakad na lang ako papunta sa kwarto namin at baka nandun silang lahat. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Zhero at mukhang bad trip kaya hindi ko na lang pinansin at dinaanan lang. Baka magalit lalo kapag pinansin ko, at magalit din sa akin.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon