Chapter 15: The Promise

3.4K 81 0
                                    

Aira

"Kumusta na siya?" Tanong ni jigu na kararating lang.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Aika at hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising. Lumipas na ang buong gabi, wala pa rin siyang malay.

"Ito, tulog pa rin" sagot ko at umayos ng upo.

Nanahimik ako at ang iba ay may ginagawa. Hindi namin pwedeng pabayaan ang naiwanan naming competition, kaya hangga't maaari ay ginagawan ng paraan nila Ignis at Sandra ang nangyari.

Pero sa tingin ko, hindi na tatapusin yung laban. Kasi naguusap usap na yung mga heads namin.

Sayang naman.

Napatingin kami sa may pinto ng bumukas ito at pumasok si Sir Castrol, secretary ng principal.

"Pumasok na raw kayo sa classroom niyo, nga kawal na lang ang magbabantay sa kanya, kasama ka din dun, ignis"

Sinulyapan ko sandali si Aika at tumayo na din. Ako ang naunang lumabas at hinintay sila sa tabi ng pinto.

"Ano kaya yung nangyari?" Mahinang sabi ko.

Napaangat ako ng tingin ng may nakitang mga knights.

"Paki bantay ng mabuti si Aika" Sabi ko sa dalawang kawal.

"Masusunod" sagot nila.

Nang lumabas na silang lahat ay sabay sabay na kaming pumunta sa classroom namin. Tahimik lang kaming naglalakad at hindi ko alam kung bakit sila tahimik. Baka dahil ba sa nangyari kay Aika? Siguro, kasi tahimik din ako dahil sa kakaisip sa nangyari. At yung mata ni Aika, nakakatakot. Halatang hindi siya yun.

"Masyado naman tayo seryoso nito" basag ni jigu sa katahimikan.

"Oo nga, di ko alam kung ano yung mga problema o iniisip niyo" sagot naman ni Sandra.

"Baka dahil sa nangyari kay aika" sabi ko.

"Shizen, okay ka Lang?" Tanong ni jigu dito. Nakakunot kasi yung noo nito at masama ang mga tingin.

"Hindi kaya, may isang traydor sa atin? Hindi sa grupo natin, sa mga estudyante. Dahil gumawa na tayo ng malakas na hanggang pero may nakapasok pa rin" paliwanag ni Shizen.

"Pwede rin nga. Pero hindi natin sila pwedeng pagbintangan. Hindi yung may makita lang tayong hindi maganda sa kanila iisipin na agad natin na sila yung kalaban. Dapat tayong magingat" Sabi ni ignis.

"Anong gagawin natin? Paano natin malalaman kung sino siya o sila?" Tanong ko sa kanila.

"Mag-masid masid na lang muna tayo" Mizu.

"Tama, at may napansin din akong kakaiba, ikaw ba Mizu, napansin mo ba yun?" Tanong ni Ignis kay mizu.

Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan yung pinaguusapan nila. Nakita? Ang alin?

"Oo" simpleng sagot ni Mizu at tumigil sa paglalakad at naupo sa balkonahe.

Tumigil kami sa paglalakad at tiningnan siya.

"Dito kayo" tawag niya.

"Magcu-cutting na naman ba tayo?" Natatawang sabi ko at lumapit sa kanya.

"Gaga! Cutting! Papasok tayo 'no. Hahayaan natin sila dito" sagot ni Sandra at naupo pa sa tabi ni Jigu.

Gaga, akala ko ba hahayaan namin sila dito? Pero bakit siya naupo pa? Napailing nalang ako at naupo din habang sila Shizen at Ignis ay nakatayo lang sa harapan namin.

"Nakita ko kasi kagabi, may aninong lumabas sa mga anino natin habang nagkakagulo tayo. At hindi ko alam kung saan nagpunta 'yun. Pero sigurado akong nandito lang siya" paliwanag ni Ignis.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon