Chapter 37: From Me To You

1.9K 54 2
                                    

"Si Alice ang kauna-unahang holder ng Time. Galing siya sa isang magandang pamilya sa panahon ng Angouseau Era. At napangasawa nya dun si King Galires, ang kanunu-nunuan naming lahat ng mga Maharlicha"

"Siya ay isang mabait na hari, kasama ng reyna niyang si Alice. Ngunit dahil sa isang gulo na kinasangkutan ng reyna, walang nagawa ang hari nito kundi ang patayin ang reyna nito"

"Walang nakakaalam kung anong gulo ang nangyari noon kaya pinatay nito ang asawa. At nang mawala na ang reyna naiwan sa hari ang apat nilang anak. Maging ang apat na ito ay hindi na nakilala simula nung nangyari ang gulo, dahil lahat ng mga tao sa lugar ay nawala. At sinasabi rin nawala na rin ang apat na ito dahil sa pagsira ng lahat"

"Kasama ng pagsira ng lugar nila ang apat na crystal. Nabuo ulit ito ngunit nasira ulit dahil sa pangyayaring ito, at ang apat na crystal ay nadagdagan ng isa, ang oras at ang pinakamalakas na crystal ay nasa atin ngunit ito ang pinakadelikado at malas sa lahat"

"Isang babae at tatlong batang lalaki ang anak nila. Pero may sabi sabi rin dati na ang unang lalaki sa tatlong lalaki ay nakaligtas at nagtago hanggang sa lumaki ito at magkaroon ng pamilya"

"Nang lumaki na ito ng husto ay binalikan nito ang tahanan nila. At muling binuhay ang Royal Clan. Dahil Maharlicha siya, madali lang sa kanya ang pagtatayo ng angkan nila. At siya na, siya na ang nagpatuloy ng pagiging dugong Maharlicha magpasa hanggang ngayon"

"Pano ang mga crystal? Saan ito napunta? Nawala ba ito kasabay ng pagkawala ng unang Maharlicha?"

"Hindi, ang crystal ang nagbibigay ng buhay sa mundo natin. Kailangan ng mga crystal ng host para mabuhay sila. At iyon na ito, nahati ito sa apat. Ang apat na ibang crystal ay nasa malayong lugar. Nasa atin ang oras. At malas tayo dun. Dahil hindi ito normal katulad ng apat na crystal"

"Pero kailangan pa rin nating magpasalamat sa unang humawak nito. Kaya tayo nabuhay"

"May mga bagay ba ito na kapag gumawa ako mali, ano ang balik nito?"

"Hindi ko alam. Walang nakakaalam. Maliban sa mga sinabi ko sayo, wala na kong alam. At isa lang ang ipapayo ko sayo, wag mong subukang kontrahin ang oras o ihinto ito. Dahil sa mga ginagawa mong ganito, nagugulo ang oras kung pano siya tatakbo. Ikaw mismo gumagawa ng bagay na ikakakomplikado sa lahat"

"At dahil sa ginawa mo sa hall, sa pagbabalik ng oras. Marami ang nabago sa hinaharap. At iyon ang hindi natin alam. Maliban sayo na nakikita ang mga mangyayari. Kailangan mong magingat sa mga nakikita mo,"

"Dahil ito ang papatay sa isip mo. Sa pag-iisip mo. Kung ako sayo, mamuhay nalang ako normal kasama ng oras sa katawan"

























"Aika, tuloy ang practice natin huh! Mamayang alas tres ng hapon magpunta" paalala sa akin ni shizen. Tumango na lang ako bilang sagot.

Tahimik lang ako sa sofa at hindi sila kinikibo. Hindi ako galit sa kanila, at hindi rin sila galit sakin, sadyang iniisip ko lang sinabi sakin ni Queen.

Ako ang pumapatay sa sarili ko?

"Aika, baba lang kami ah" Sabi ni Sandra.

"Sige" sagot ko habang nakatingin sa baba. Napabuntong hininga ako at tumayo para pumasok sa kwarto ko. Wala rin naman ako gagawin kapag lumabas ako. Ayokong pumunta sa training namin.

Tinatamad ako. Wala rin ako sa mood. Nahiga ako sa kama at saglit na nagpagulong gulong.
Nakakabagot naman ang araw na 'to. Kailangan kong umakto ng normal. Pero sasabihin ko pa rin sa kanila ang mga nakikita ko.

Tumigil ako sa paglilikot sa kama at napatakip na lang ng mukha gamit ng braso ko.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Hana.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon