Chapter 17: Battle Of Clans

2.6K 75 3
                                    

Aika

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at inaninag ang paligid. Natigilan ako ng maalala ang panaginip ko. Napakurap ako at nanatiling nakaupo sa lupa.

Ano yung panaginip ko? bakit—

"Ano yun?" Wala sa sariling tanong ko at napahawak sa ulo.

Sila Master at Hana, pero sino yung batang babae? Na nagsasabing ng sino ang magulang ko?

"Ako ba 'yun?"

Hindi, panaginip lang 'yun. Wala akong matandaang ganung pangyayari.

"Aika"

Nanlaki ang mata ko at muling tumingin sa paligid ko. Ngayon ko lang napagtanto na madilim ang paligid ko at puro puno ang nakikita ako at tanging sa pwesto ko lang ang may ilaw, dahil sa liwanag ng buwan.

"Anong nangyari?... Si miyu!" 

"MIYU!"

"ASAN KA MIYU!" Sigaw ko.

Dahan dahan pa kong tumatayo dahil pakiramdam ko babagsak ako. Napapikit ako dahil sa sakit ng braso ko. Hindi ko ito ininda at itinuon ang atensyon sa paligid ko.

Wala akong nakitang Miyu. Puro puno lang at madilim na paligid. Sa bandang dulo ng direksyon na tiningnan ko ay may nakikita akong tao na papalapit sakin.

"MIYU!" Sigaw ko.

Inaninag ko ito at nang tuluyan ng lumabas ang mukha niya mula sa madilim na parte ng gubat, ay ganun na lang ang pagkagulat at pagtaka ko kung bakit siya nandito.

"Zhero?" Takang sabi ko. Lumapit lang ito sa akin at tumigil sa harap ko.

"Nasan si miyu?" Tanong ko sa kanya.

"Ako si miyu na kasama mo" ngiting sabi nito at yumuko para pumantay sa akin.

"Ano? Hindi kita maintindihan"

Tumawa lang ito ng mahina at laking gulat ko ng magbago siya ng anyo ng ilang segundo. Nanlaki ang mata ko at napaatras.

"Hindi, hindi..  bakit mo 'to ginagawa? Bakit mo 'to ginawa?"

"Hindi... Si miyu ang kasama ko?"

"Bakit ka nagpanggap?.... TINURING KITANG KAIBIGAN....."

"kaya bakit mo 'to nagawa?" Tanong ko at pinandilatan siya ng mata.

Nanginginig ang mga kamao ko, gusto ko siyang suntukin.

"Aika, isa kang malaking tinik sa buhay namin"

Ano?

"Ginagawa ko ito para maghiganti. Pareho tayong hindi pa buhay noon, pero alam ko ang mga nangyari noon"

"Anong gusto mong mangyari?" Gigil na tanong ko.

Ngumiti lang siya at lumayo sakin.

"Ipakita mo ang lakas mo"

Kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin sa kanya. Ano ba talaga ang nangyayari?

"Ipakita mo kung karapat-dapat ka bang maging Grandiflora"

Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Sa tingin niya ba hindi ako dapat maging Grandiflora? Well, hindi ko rin naman alam kung kanino galing 'to. Pero kailangan ko 'tong protektahan.

Matalim akong tumingin sa kanya at walang pasabing sinugod siya. Naglabas na agad ako ng mga espada sa likod ko at hinagis itong lahat sa kanya. Mabilis akong umatras at hinayaan ang mga espada ko na sumugod sa kanya.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon