Chapter 41: Rebirth

2K 58 2
                                    

Naalimpungatan na lang ako dahil sa lamig. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at puting kisame ang una kong nakita. Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ang haba ng tinulog ko.

Bumangon ako at naupo sa kama. Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan ang pulsuhan ko, at ang leeg ko nananakit. May hiwa ito pareho. At isa lang ang nakita ko kung sino ang may gawa nito kanina, si Ignis.

Pero bakit? Anong dahilan ni—

Teka sandali! Hindi ako sigurado kung totoo ba 'yun o hindi. Panaginip? Hindi, hindi iyon panaginip. Totoo iyon dahil naramdaman ko ang sakit, at may sugat rin ako.

Pero bakit? Anong dahilan niya para gawin ito sakin?

"Hindi kaya..."

Ito na ba yung sinasabi ni Zero? Papatayin niya ko, para makuha ang crystal o ang totoong Fharanilia sa katawan ko? Ang Alnos? Time? Basta

Kailangan ko bang magingat, pagdating sa mga taong pinagkatiwalaan ko?

"Hayst! Hindi na ko nanaginip"

Bakit kaya?

Alam ko na, nakita ko na lahat kung pano napunta sakin ang Crystal o ang Fharanilia, peke naman ito. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang palad ko. Kailangan mong ingatan ang sarili mo, Ai— Tumaas ang isang kilay ko ng lumaylay ang buhok ko dito. Hindi ko na namalayan na mahaba na pala ang buhok. Sa dinami dami ng mga nangyari dito, hindi ko na naalala ang sarili ko.

Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana. Binuksan ko ang isang side nito at hinayaang makapasok ang malamig na hangin.

"Alam na ni Master"

Alam niya na ang nangyari kay Hana. At ako na mismo ang magsasabi sa kanya ng dahilan.

Ang ina ni Zero? Si Veronica? Pano siya napunta dito, kung matagal na siyang wala? Hindi kaya dahil sa oras? Pero pano? Anong konekta niya sakin? Samin?

Kay zero pwede pa. Baka si zero ang may gawa nito. Pero alam akong ako lang ang gusto niyang mawala, hindi ang mga kasama ko?

Huminga ako ng malalim at isinara na ito. Naglakad ako palabas ng kwarto at paglabas ko ay isa isa kong tiningnan ang mga kwarto nilang nakasara. Maliban sa kwarto ni Jigu na bahagyang nakabukas. Naningkit ang mata ko ng makita ang kwarto ni Ignis.

Letche ka! Ginamit mo lang ako para makuha ang gusto mo!

Tumaas bahagya ang kilay ko at naglakad na papunta kusina. Bago ako dumiretso sa kusina at binuksan ko muna ang lahat ng ilaw dito. At nakita ko ang oras sa wall, 2:45 am. Papasok na sana ako ng kusina ng biglang may tumama sa braso ko. Tinignan ko ito at nakita ko dito isang maliit na kahoy.

Kanino galing ito?

Nanliit ang mata ko at tiningnan kung kanino ito galing.

Jigu? Pero bakit galit siya? Anong ginawa ko dito?

"Ikaw!" Galit na sabi nito at galit na lumapit sakin.

"Bakit?" Tanong ko. Nagsalubong ang kilay ko at isang kurap lang ay nasa harapan ko na siya habang may nakatutok na patalim sa leeg ko.

"Anong problema mo?!" Seryosong tanong ko at sinakal siya.

"Ikaw? Akala mo ba hindi namin napapansin ang pagbabago ng ugali mo?!" Galit na sigaw niya nagawa akong hinagis. Naramdaman kong tumama ako sa mesa na nandito sa sala.

At dahil sa kalabog at lakas ng pagbagsak ko, alam kong magiging silang lahat dito. Tumingin ako ng diretso kay Jigu na gigil na gigil habang nakatingin sakin.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon