Chapter 40: The Hidden Daughter Pt:2

1.8K 55 4
                                    

Magising si Alice mula sa mahimbing niyang pagkakatulog dahil sa kakaiba niyang panaginip. Agad kumunot ang noo niya habang bumabangon siya at naupo sa gilid ng kama.

Napasapo siya sa noo niya habang inaalala ang naging panaginip niya.

"Isang babae, pupunta dito ng walang dahilan?" mahinang sabi niya at tumingin sa bintana sa kwarto niya. Tumayo siya at naglakad palapit dito. Binuksan niya ito at agad na pumasok ang malakas na sigaw ng araw.

Natuon ang atensyon niya sa baba, kung saan laging nakatingin sa kanya ang isang lalaki. Siya lang nakakakita dito, at alam niya iyon dahil nadadaanan lang ng mga tao ang lalaki ngunit wala silang mga kibo dito.

Ang lalaking pumatay sa kauna-unahang Holder ng lahat.

At alam din ni Alice na galing itong sa nakaraan, pumunta lang sa hinaharap, sa kasalukuyan para tingnan at bantayan ang crystal, at ang pinagkamalan nitong asawa.

Ngunit hindi nito alam ang tunay na pakay ng lalaki sa kanya. Ang bantayan siya dahil sa akalang asawa niya ito.

Umiwas ng tingin si Alice at isinara ang pinto.


Inabangan ni Alice ang babaeng nakita niya sa panaginip niya. Nasa palengke siya ngayon at kunwaring namimili. Ilang saglit lang ay biglang huminto ang oras, at tanging siya lang ang nakakagalaw.

Lumabas sa gitna ng maraming tao ang isang babae. Itim ang mga buhok at magagandang mata. Sa pagkurap ni Alice ay muling tumakbo ang oras sa tama.

"Nasan ako?!" Agad na sabi ng babae at gulat na gulat na nilibot ang paningin niya sa paligid.
Pinagmasdan lang ito ni Alice, at napansin niya ang kakaibang marka sa pulsuhan nito.

Reborn. Sabi ng kanyang isipan. Pagkabuhay muli ng taong hahawak ng oras.

"Ito na 'yun?"

Hindi muna ito pinansin ni Alice at naglakad lang. Hanggang sa maramdaman niya ang kamay nito na humila sa braso niya. Nang magtama ang mga paningin nilang dalawa, agad nakaramdam ng malakas na daloy ng kuryente ang buong katawan niya.

Titig na titig sila sa isa't isa. Napakurap si Alice dahil sa kakaiba niyang naramdaman. Habang tumatagal, unti unti niyang nakikita ang imahe sa mukha ng babae ang mukha ng ina ng unang Holder.

Alice Hagueroux.

"Nasan ako?! Nasan tayo?! Ano na 'to?!" Tanong ng babae habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Alice.

Hindi nakakibo si Alice dahil sa kakaiba niyang nararamdaman. Alam niyang hindi na siya ito, kundi ang unang holder na kumukontrol sa emosyon niya.


Hindi nagtagal ay isinama niya ang babae sa bahay niya. At ang pangalan ng babae ay Aisha. Isang babaeng nagmula sa hinaharap, at bumalik sa nakaraan dahil sa hiling.

Na agad namang ibinigay ni Alice dahil sa pangungulila ng unang holder na nasa katawan niya. Ibinigay ni Alice ang kalahati ng crystal of time, nagmukha itong glass ng maibigay kay Aisha.

Agad bumalik si Aisha sa hinaharap para tapusin ang lahat, ang pagpatay ng mga killers sa mga inosenteng napagkamalang Maharlicha. At sa pagbalik niya. Nagulo ang takbo ng oras.

Ang isang maliit na bilog na oras ay nagkaroon ng malaking bitak sa gitna nito at ang mga kamay ng orasan ay hindi na alam kung saan na tatakbo.

Dahil dito napadali ang buhay nilang dalawa ni Alice at Aisha, sa edad na labing apat ay nawala na si Alice sa mundo ngunit paulit ulit siyang ipinapanganak at sa edad na labing apat ay muli siyang mamamatay.

Habang si Aisha naman ay isinilang ang isang maliit na sanggol, at sa araw ng pagkawala niya. Nasabi niya ang huling habilin niya sa kanyang anak.

"Tutulungan kita anak, mabuhay ka lang ng matagal"

At sa mismong araw na 'yun ay tumarak sa puso ni Aisha ang espada. Ang ama ni Aika, isang killer na nagpanggap dahil sa pag-aakalang nasa lugar nila Aisha ang mga ibang crystal na nawawala.

Iniwan nilang wala ng buhay si Aisha habang ang batang pinangalanan niyang Aika ay tahimik lang sa isang tabi at para bang pinapanood ang lahat.

Isang lalaki ang nakapansin sa kanya. Lumapit ito at tangkang papatayin din siya ng biglang umiyak ang sanggol. Nagdadalawang isip ang lalaki kung papatayin niya ba ito o hindi.

Ngunit mas nangibabaw sa kanya ang awa. Agad niyang kinuha si Aika at kasama nito, tumakas sila palayo sa gulo. Isa siya sa mga pumatay sa mga inosenteng tao sa lugar nila Aisha, na nagbagong buhay dahil sa pagdating ng sanggol na si Aika.

Nagpakalayo layo sila hanggang sa namuhay sila ng tahimik at malayo sa gulo. Nang dumating ang kasama nito, na may bitbit din na sanggol. Kinupkop nila ang dalawa at lumaki na ang turing sa kanila ay pamilya.

Ang mga taong tinuring nilang pamilya ay ang dahilan kung bakit nawala ang tunay nilang pamilya.

"Jhester Evergreen..."


Explanation about Aisha.

Nakabalik si Aisha sa nakaraan dahil sa tulong ng huling Holder. Bago mapunta kay Alice Mailon ang Crystal, napunta muna ito sa anak nila Alice Hagueroux at Galires Hagueroux, na si Alice. Hindi tanggap ni Alice ang pagkakaroon niya ng anak sa taong hindi niya mahal kaya hindi niya kinilala bilang Hagueroux ang anak nito.

Sa panahon ni Aisha, lahat sila pinapatay ng mga killers para lang malaman kung nakakanino ang mga crystal na hinahanap nila. At dito na nga nila napatay ang maraming tao. Maging ang mga bata. Sinunog nila ito lahat.

At sa panig ng mga killers ay may namatay rin, kabilang na ang dalawang bata.

Hiniling ni Aisha ang lakas ng tinuturing nilang panginoon, na si Alice. Dahil isa siyang Grandiflora, agad na sinagot ni Alice ang hiling ito at dinala siya sa nakaraan para makausap ang may hawak ng oras. Dahil sa panahon nila Aisha, ang oras ay wala na. Matagal ng patay, kasama ng bagong holder nito na si Alice.

Nang bumalik si Aisha sa nakaraan, dito niya naabutan si Alice, na buhay na buhay pa. At ilang araw lang ang lumipas, binawian sila pareho ng buhay ng oras.

Kaya naman ang anak ni Aisha, na si Aika ay napunta dito ang kalahati ng oras, at ang kalahati ay nasa nakaraan.

Kaya kung ibabalik muli ang apat na crystal, kasama ng oras. Otomatikong babalik ang lahat, sa nakaraan kung saan ito nahati. At kapag nangyari iyon, lahat ng buhay sa kasalukuyan at hinaharap. Mawawala na parang bula.

Isang malaking misteryo ang pagkakahati ng oras. Kaya sa oras na bumalik ang oras, wala itong pupunta kundi ang nakaraan o ang hinaharap.

At sa edad na labing apat, ang kasalukuyang holder na si Aika ay mawawala sa edad na ito, kung sakaling hindi niya mababago ang takbo ng oras o mabalik ang apat na crystal, lahat ng mga pinaghirapan niya pagbabago sa hinaharap ay mawawala, kasabay ng pagkawala niya at ng oras.

"Lahat ng mga nangyari noon, nangyayari na ngayon"

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon