Chapter 45: Dedicated Your Lives

1.7K 48 11
                                    

Bagsak balikat naglalakad si Ignis papunta sa kwarto niya para tingnan ang lagay ni Aika. Habang naglalakad siya ay iniisip pa rin niya ang sinabi ng kanyang ina na tungkol sa pagpatay sa mahal nito.

Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ang kutsilyong hawak niya. Mahigit niya itong hinawakan at naupo sa tabi ng door map para itago ito sa ilalim. Tumayo na siya at inayos ang sarili bago pumasok sa loob.

"Wala man lang akong magawa para iligtas ka"

pero kung hindi mo ginawa 'yun, ang pagbabalik ng oras. Wala na kami sana ngayon dito at— sana hindi tayo nagkaroon ng anak.

Kaso binalik mo, kaya nangyari itong magandang parte sa buhay ko, pero sa lahat hindi. Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo.

Napabuntong hininga si Ignis at dahan dahan binuksan ang pinto. Pumasok na siya at dahan dahan naglakad palapit sa kama ni Aika. Naupo siya sa tabi nito at hahalikan sana sa noo ng matigilan siya.

Kumunot ang noo niya at takang tumingin kay Aika. Napakurap siya at inalis ang kumot. Nagulat siya sa kanyang nakita at agad na napatayo.

"Asan si Aika?!" Gulat na tanong niya at inikot ang paningin.

Ngunit wala siyang nakitang Aika sa buong kwarto. Taranta siyang nanakbo palabas at lalabas na talaga sana ng kwarto ng may mahagit siyang pigura ng babae sa likod ng pinto.

Umatras siya at isinara ang pinto. At dito niya nakita ang babaeng hinahanap niya.

"Aika—"

Hindi na natapos ni Ignis ang sasabihin niya ng saksakin siya ni Aika sa tiyan. Nanlaki ang mata ni Ignis at tangkang manglalaban ng bigla siyang ihagis ni Aika. Napahiga siya sa lapag at kunot noong tumingin kay Aika.

Ngunit agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa hitsura ni Aika. Alam niyang hindi na ito si Aika, dahil habang pinagmamasdan niya ito, unti unting lumabas ang ibang imahe sa mukha nito.

Napakurap nalang siya ng makitang ihahampas ni Aika ang isang silya sa kanya. Napatakip nalang siya ng ulo niya gamit ng braso niya. Tuluyan ng tumama ang silya sa buong katawan, na ikinadahilan ng pagkawala niya ng malay.

Isinara ni Aika ang pinto at mabilis na nanakbo palabas. Paglabas niya ay agad siyang tumalon mula sa bintana pababa sa labas ng kastilyo nila Ignis. At dito ay nakita siya ng mga knights at ilang mga berserkers na nagt-training.

Naningkit ang paningin niya habang nakatingin sa mga ito. Hindi gumawa ng kahit anong kilos ang mga knights at berserkers dahil alam nila ang dahilan kung bakit nandito si Aika, ngunit hindi nila alam na ang Aika na kaharap nila ay hindi na tulad ng dati.

Aaksyon palang sana ang ilang mga knights para lapitan si Aika ng biglang manakbo ng mabilis si Aika.

"Miss! Sandali lang!" Tawag ng isang knight.

Sumenyas ang isang knight sa mga berserkers na habulin si Aika. Agad naman silang sumunod at sinundan si Aika.

"HULIHIN NIYO SI AIKA! WAG NIYO SIYANG PALALABASIN DITO!" malakas na sigaw ng ina ni Ignis na nakita na ang kalagayan ng anak.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon