Chapter 4: Welcome to MA

5.2K 132 5
                                    

Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay, ginabi na ko dahil nilibot pa nila ako sa buong eskwelahan para raw maging pamilyar ako at hindi ko rin alam ang mga ginawa ko habang nasa loob ng academy.

Habang pinapakita nila sakin ang mga bagay sa academy, ang utak ko ay lumilipad at iniisip kung anong magiging reaksyon ni Master sa ginawa ko.

Alam kong galit siya sa ginawa ko ngayon, pero sana naman isipin niyang para sa kanya tong ginawa ko, kabayaran sa mga kabutihang ginawa niya.

"Nandito na ako" matamlay na sabi ko ng pagbukas ko ng pinto. Di pa man ako tuluyan nakakapasok sa loob ng may isang malakas na sampal ang tumama sa kanang pisngi ko.

Pag angat ko ng tingin ay nakita ko si master na masama ang tingin nito sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakita ko si Hana na nakatayo sa isang gilid at parang gustong umawat.

Umiwas rin ako ng tingin sa kanya at hindi ko na sila pinansin, dire-diretso akong naglakad papunta sa kwarto ko.

Kung ano ano yung pinagsasabi niya pero hindi ko siya pinakingan o pinansin. Tinakpan ko ng dalawang kamay ang tenga ko at pumikit. Nang makarating na ako sa kwarto ko ay naabutan ko dun si Hana na nakaupo sa kama ko at pilit na nakangiti habang nakatingin sakin.

"Aika! May maganda akong balita sayo!" masaya sabi ni hana, pinipilit niyang maging masaya pero halata naman sa mukha niya na hindi siya masaya.

Hindi ko siya pinansin at inilapag lang ang bag ko sa gilid na galing sa academy.

"aika" malungkot na sabi nito

"Narinig ko yung sinabi ni master" Sabi ni Hana.

"Bakit mo kasi ginawa yun? Sinabihan ka na niya diba? Bakit mo pa rin ginawa 'yun?" Mahinong tanong niya. Hindi ko pa rin siya pinapansin at humiga na lang sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Alam mo ba na maaari kang mapahamak sa ginawa mo!" Patuloy na sabi ni Hana. At naramdaman ko nalang ang pag angat ng kama. Dahil umalis ito at lumabas ng kwarto ko.

"Para rin naman sa inyo yung ginawa ko" Sabi ko sa sarili ko.

Bigla na lang may luhang pumatak sa mga Mata ko at sinubukan kong itong pigilan kaso tuloy tuloy itong umagos.

"Ako pa tong nagmukha masama"


















Umaga ako nagising at wala akong narinig na kahit anong ingay ni Hana.
Bumangon na ako at diretsong lumabas. Pagkalabas ko ay dumeretso na ako sa kwarto ni Hana,ckaso wala akong hanang nakita rito. At nang nilibot ko yung paningin ko, pati yung gamit niya wala.

Bahagyang kumunot ang noo ko at naglakad papasok. Dahan dahan akong naglakad sa loob habang nililibot ang paningin ko sa paligid. Wala ang ibang gamit ni Hana.

Saan naman kaya siya nagpunta? Ang aga-aga wala agad siya?

Natigilan ako sa paglalakad ng maalala ang sinabi ni Hana kagabi.

"Aika! May akong balita sayo"

Kaya naman nagmadali akong lumabas at nanakbo palabas ng bahay. Sakto namang nakita ko si master na nasa halamanan at nagdidilig. Naglakad akong papunta kay master, baka sakaling alam niya kung nasaan si Hana.

"Master" mahinang tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin ng seryoso ang mga mata. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa takot at medyo nailang akong kausapin siya.

"n-nasan p-po si hana?" Tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya. Wow, ngayon lang yata ako ng "po" sa kanya.

"Umalis, nakapasa siya sa exam sa Empire Academy" seryosong sabi ni master at itinuon ang atensyon sa halaman.

Maharlicha AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon