Chapter 26 - Just the two of us

Magsimula sa umpisa
                                    

BEEP.......................
BEEP.......................
BEEP.......................

Bigla naman bumalik ang katinuan ko ng hindi ko mapansin na naka GO signal na pala yung stoplight at halos magwala na yung driver nung kasunod kong kotse kakabusina

Pagkarating ko ng bahay namin bago pa man ako makababa ng kotse ay nag-riring ang phone ko at si jaja yung tumatawag na mabilis ko namang sinagot

Hello! Ja, anong balita saan yung lugar??

Kuya pao alam ko na sa may palawan daw

Palawan at ano naman ang gagawin nila dun

Hindi ko na inalam pa ehh buti nalang at napaamin ko si mommy kung saan pupunta si kuya

Okay na yun basta malaman ko lang kung saan yung lugar

Okay kuya pao i-tetext ko nalang kung saan mismo sa palawan mag-impake kana!!

Guys, mag-impake na kayo ng mga gamit niyo now na!! we're going to palawan - Text ko sa barkada

Mabilis naman akong pumasok sa loob ng bahay namin at nadatnan ko yung daddy kong kausap si mommy andun din si tito mike at kirby at mukhang masaya sila

"paolo, your dad is looking for you" sita sa akin ni mommy

Agad naman akong nag-bow sa harap ni daddy, ayun okay narin kaming dalawa kahit papaano sa tinagal tagal ng pag stay niya dito sa philippines at sa paulit-ulit na pangungulit sa akin ay napatawad ko nadin siya

"Good morning dad" bati ko rito

"Goo moning" bati din nito sa akin medyo marunong nang mag-english si dad kaya nga lang yung accent niya medyo hindi masyadong maayos masasanay din yan pag tumagal tagal pa

"mom, magpapaalam po sana ako" mabilis kong paalam

"kakauwi mo nga lang!! aalis ka nanaman aba paolo miguel sumosobra na ata ang pagkalayas mo" galit na ani mommy

"mom payagan mo na ako sige na" lumapit ako rito at niyakap siya

"saan ka ba pupunta?"

"sa palawan mom" sagot ko

"ano palawan at anong gagawin mo doon" tanong ulit nito sa akin

"birthday kasi ng isa sa barkada duon gaganapin babalik din naman agad kami"

"sige, mag-ingat ka wag kang pasaway don" pahayag ni mommy

"yes!!" niyakap ko ulit ito ng mahigpit at paulit ulit na kiniss sa pisngi

"tama na tama na!! mag-ayos ka na ng sarili mo dun"

"ayos kuya masayang masaya ka ahh parang walang nangyari sa inyo ni kuya ace" pansin naman ni kirby sa akin

"hindi ka na nasanay jan sa kuya mo" sabi naman ni tito mike

"ohh pano akyat muna ako" at dumiretso ng akyat sa kwarto at hindi nalang pinansin ang mga tinuran nila

Matapos kong maayos ang mga gamit ko, bumaba na ulit ako ng sala

"pao may tatanong daw si daddy mo" si mommy

Lumapit ako kay daddy

"yes! dad what is it?"

"where you said you go" si dad natawa naman ako sa tanong niyang iyon pero naintindihan ko naman kahit papano

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon