“Okay. Pero girl, if ever man, pumayag ka na. Minsan ka lang makakilala ng ganyang lalaki dahi sa panahon ngayon marami na ang gago kesa sa mabait.” Tinalikuran na niya ako at naglakad pabalik sa kanyang classroom.

Well, She’s right! Kokonti nalang ang mabait at mas madalas pa ay puro gago pero sa isang kwento laging pinipili ng mga babae ang gago kesa sa mabait kaya lang nasa real world ako at mas gugustuhin kong piliin ang mabait but… parang mas masarap magmahal ng isang gago dahi may chance kang baguhin siya gamit ang LOVE. Hay nako! Tama na ang pagdadaydream Jasmin, kung gusto mong magkaroon ng mahaba-habang bakasyon ay tapusin mo na ang trabaho mo.

 

-

“Uuwi ka na ba, Ma’am Samuel?” Napaigtad ako sa boses na narinig ko sa likuran ako habang nakahawak sa dibdib dahil sa gulat.

“Ah—Oo. Makikipagkita kasi ako sa mga Friends ko ngayon kaya maaga akong uuwi.” Umabante ito sa unahan ko para ipasak ang Time card sa Machine na nakadikit sa dingding ng opisina ng school.

“Mukhang Close na Close kayo ng mga Kaibigan mo. Lagi kayong magkakasama. Napapansin ko lang.” Uuwi ata akong masaya at hindi pagod ngayong araw na to dahil sa pag-uusap namin ni Sir Montello.

“Ahh mga High School friends ko sila na naging bestfriends ko. Minsan na lang din kami magkikita siguro nagkakataon lang na tuwing tinatanong mo ako kung uuwi na ako ay may plano ako na makikipagkita sa kanila.” Pagbibiro ko sa kanya. Agad kong nakita ang mga ngipin niyang pantay-pantay na mapuputi.  Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng School mas bumabata na siyang tignan kesa sa tunay niyang edad na 25. “Salamat nga pala sa Chocolate kanina. May umuwi ka bang kamag-anak at naisip mong bigyan ako?”

Nagpamulsa ito bago binigyan ako ng isang seryosong tingin. “Purkit nagbigay ng Chocolate may umuwi ng kamag-anak? Diba pwedeng bumili lang ako para bigyan ka ang talaga non?” Kumurap-kurap ako kung totoo ba talaga ang naririnig ko? Binilhan niya talaga ako? Bakit? Matagal pa naman ang birthday ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kinikilig ako pero may napansin ako sa kanya hindi ko lang masabi kung ano yon pero nasa dulo na ng dila ko. “Hatid na kita.”

“Huh?”

“Hatid na kita sa pupuntahan mo may dala akong sasakyan.”

“Ah—m, a—no.”

“I don’t take NO for an answer!’ He Exclaimed.

“Ah—oh, Sige. Pathank you ko na rin sa chocolate na binigay mo.” Makakaangal pa ba ako sa sinabi niya?  Nauna na itong naglakad palabas ng Office nakauwi na ang iba ewan ko ang lang kung may natitira pang co-teachers namin dito at hinihilig ko na sana wala na dahil ayokong maging tampulan ng mga tukso bukas.

Owner ang sasakyan ni Sir Montello na kulay asul. Meron pa palang ganitong sasakyan ngayon dahil huli kong kita non ay bata pa ata ako? Tahimik kaming naglalakbay papunta sa meeting pace namin ng mga BAKA pagkatapos kong sabihin kung saan iyon.

“Jasmin may boyfriend ka ba?”

“Huh?”

“Kung may boyfriend ka? Nagiging binge ka ata ah.” Tukso niya sabay ngisi. Nagiging bingi? Hindi ah, sadyang nabibigla lang ako sa sinasabi niya dahil sa lakas ng self-confidence niya. Ayon! Alam ko na kung ano yung napansin ko sa kanya, yung kanyang personality parang paiba-iba. Parang may something sa kanya. Misteryoso.

“Wala naman.” Maikli kong sagot sa kanya. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang kanyang ngiti namula ata ang pisngi ko dahil doon. May balak ba talaga siyang ligawan ako? Kaya nagtatanong siya tungkol sa boyfriend?

Tumigil kami sa tapat ng Resto kung saan ang tambayan ng mga BAKA. Naunang bumaba si Sir Montello para alalayan ako nito and I find it sweet dahil nung minsang hinatid ako ni Al hindi man lang naisipan o nageffort  na pagbuksan ako ng pinto ng kanyang BMW at pinaharurotan pa ako nito ng kanyang sasakyan kaya nalanghap ko ang usok non. Sirang-sira ang araw ko non at halos isumpa ang alaking yon na sana magkapigsa siya sa kili-kili. Bakit ko ba siya iniisip eh si Sir Montello ang kasama ko ngayon. “Thank you ulit gusto mo bang makilala ang mga BAKA?” Alok ko sa kanya na agad din niyang tinaggihan dahil may pupuntahan din daw siya at time ko yun para sa mga kaibigan ko, next time nalang daw niya imimeet sila na agad kong ikinatuwa dahil sa kilig.

Habang inaantay ko ang pag-alis ng sasakyan ni Sir Montello ay napalingon ako sa tambayan namin. Nakita kong nakatingin ang mga BAKA sa akin na may mga ngisi sa mga mukha nila kaya alam ko na ang mangyayari ngayon. Gigisahin nila ako.

Naglandas ang mga mata ko sa tapat ng bahagi ng aming la mesa at nakita ko si Al doon na nakaupo sa kanyang dating pwesto na minsang nakasagutan ko siya dahi sa pagsingit niya sa pila, sa tapat ng la mesa namin  kasama ang kanyang kaibigan na nakatingin din sa akin at SIYA na may malalalim na mga mata.

Napalunok ako ng wala sa oras dahi sa kaba na nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit nagkakaganoon ang puso ko habang may kulisap ata o bulate na nagwawala sa loob ng tiyan ko.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon