“W-what---” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil parang naisip niya ng hindi ko naintindihan ang sinasabi niya.

“I-i mean hindi ko sinasadya at kung may masakit ba sa iyo?” paliwanag niya. Ang fluent niya magsalita ng Tagalog! Kahit kailan hindi ko pa narinig na nagsalita ng Tagalog si Estefanio Del Carpio mula nang makilala ko siya bilang artista. Saka, hindi na rin naman siya nagtutungo pa sa Pilipinas. Bale, mula sa hinaharap 'yon.

“Ahhh!" Napasigaw na naman ako dahil sa pagsasalita niya. “N-no, it's okay,” nakangisi kong saad sa kaniya habang inaamoy ang napakabango niyang halimuyak. Ano kayang pabango niya?

“Okay, good to hear that.” Ngumiti siya. “Forgive me once again. Are you a Pilipina right?” tanong nito. Ang galing niya talaga magsalita. Wait, hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala.

“Yes, I-i am a Pilipina. M-my name is J-juliet Rose,” marahan kong sabi habang naka-focus lamang sa mala-hazel nut niyang mata.

“Ahh yes!” Napangiti ito nang maisip sigurong hindi siya nakapagpakilala sa akin. “I am Estefanio.” Ngumiti ulit siya sa akin dahila para magwala na naman ang puso. Siyang-siya nga ang bituwing matagal ko nang hinihiling!

“I-i am a big fan o-of yours,” maluha-luha kong sabi nang unti-unting mag-sink-in na talaga sa utak ko na siya nga at wala ng iba pa ang nasa tapat ko ngayon. Ahhh! Kung kanina hindi ko mapaliwanag na kaba at tensyon sa dibdib ang nararamdaman ko. Ngayon, naiiyak naman ako sa labis na tuwa.

“Really? You know who I am?” tanong niya sa akin.

“S-syempre! I-ikaw si Estefanio Del C-carpio. Walang iba! A-ang matagal ko nang i-inidolo.” Tuloy-tuloy nang bumuhos ang luha ko kasabay ng mga utal-utal kong pagsasalita. I never expected na ganito ang feeling kapag naka-face-to-face na kita!

“Woah, thank you so much.” Nataranta ito nang makita akong umiiyak. “H-huwag ka nang umiyak, Juliet Rose right?” saad niya sa akin at saka ako niyakap.

Natigilan ako.

Wait.

Niyayakap ako n-ngayon ni Es-te-fa-nio Del C-carpio!???

“Ahhhh!” Agad akong napatili dahil sa mga pinagsasabi ng utak ko. Napabitiw naman sa akin si Estefanio Del Carpio at halatang nagulat sa muli kong pagtili.

“S-sorry, hindi ko ulit sinasadya? Sorry kung nayakap kita. Gusto ko lang sanang pagaanin ang loob mo,” nag-aalala nitong sabi sa akin. Napaatras din siya mula sa akin.

Hala! Hindi! Mali ang iniisip mo Estefanio! “T-there's nothing wrong with what you d-did. I mean, i-it's ok. I am j-just s-so glad that a Estefanio Del Carpio, my idol, h-hugged me. I'm so happy r-right now,” paputol-putol kong sabi at saka nakaramdam ng hiya sa kaniya.

“I see...But I'm still sorry for making you cry right now. Sana man lamang ay makabawi ako sa'yo,” sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa bawat paghingi niya ng sorry sa akin kahit na wala naman talaga siyang kasalanan. Sa totoo lang, ang tanging ginawa niya ay pasayahin lamang ako ngayon...at alam kong habang-buhay akong pasasayahin ng pagtatagpo naming ito.

“T-there's no need,” saad ko sa kaniya habang nakangiti at pinupunas ang mga luhang pumatak sa mukha ko. “Y-you made m-me so happy right now,” dagdag ko pa. Hindi pa rin talaga ako makapagsalita nang tuwid sa harap niya. Nakakahiya.

“But...” Napaisip siya. “Wait, Pilipina ka hindi ba?” nakangiting tanong niya. Nagtaka naman ako sa kaniya ngunit napatango na lamang. Unti-unti na naman akong napapatulala sa kaniya. Ang kinis talaga ng mukha at balat niya.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon