The End

309 12 0
                                    

THE END





"Jared wait!" Nakangiti kong pigil sa kan'ya ng akma nitong bubuksan ang pinto na magsisilbing operating room. Kitang kita ko ang lungkot sa kan'yang mga mata na hindi na nito magawa pang ngumiti sa akin pabalik, pero kahit ganoon ay hindi na mababago pa ang pasya ko. Masaya na ako at kontento. Siguro ito na nga talaga ang huli, hanggang dito na lang talaga ako.

"Pwede bang silipin muna natin yung kabilang kwarto?" Tinanguan n'ya lang ako at inalalayan papunta sa kabilang kwarto. Kitang kita ko mula sa labas na masaya sila. Hindi ko na tinangka pang mas lumapit at hinayaan ko na lamang ang sarili na makuntento sa pagtanaw sa mga ito sa malayo.

Hindi maiitago ang saya sa mga ito dahil kitang kita ko kung paano asikasuhin ni mommy si Claudia at si daddy naman ay tahimik lang na nakaalalay sa dalawa habang naluluha. Ganoon pa man ay ang galak sa kanilang mga mata ay hindi maipagkakaila. Sino ba ang hindi? Kung ang pinakamamahal nilang anak ay maliligtas na rin sa wakas.

Claudia is in need of a donor. Aside from the cancer she's suffering ay nalaman rin na mahina ang kan'yang puso at hindi maiisagawa ang operasyon hanggat hindi ito naga-undergo sa isang heart transplant. Hindi raw kasi kakayanin ng puso nito.

'I know that this time mararamdaman na ng puso ko ang pagmamahal n'yo '

"Tara na!" Pinahid ko muna ang luha ko bago hinarap si Jared pero ganoon na lamang ang pag-agos muli ng mga ito nang makita ko si Max sa likod n'ya at tulad ko ay lumuluha rin.

Lalong bumuhos ang aking mga luha, ang mga labi ko ay hindi mapigilang manginig at maging ang aking mga tuhod ay naubusan na ng lakas.

"Claudette! Please wag namang ganito oh!" Ang pagsusumamo sa kan'yang boses ay puno ng sakit. Hindi ko alam kung paano ko magagawang alisin ito o kung magagawa ko ba kaya naman niyakap ko na lamang s'ya nang napakahigpit upang iparamdam ang mga bagay na hindi ko masabi sa kan'ya.

"I'm sorry. Please take care of yourself." Pagkasabi ko noon ay niyaya ko na si Jared pabalik, hindi ko na muling binalingan pa si Max ng tingin dahil natatakot ako na may mga magbago pa sa aking desisyon. Ayoko nang sumugal pa.

* * *

"Doc, kahit anong mangyari please keep my identity hidden especially sa pamilya na nasa kabilang kwarto. Also, please proceed to the bone marrow operation. Sa akin din po iyon manggagaling."

"I can guarantee you your first request but regarding to the bone marrow operation I'm afraid that I might disappoint you." Gulat akong napatingin sa doctor. Ang mga nurse sa paligid na kahit may kan'ya kan'yang ginagawa ay alam kong nakikiramdam din.

WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now