Chapter 24

175 16 2
                                    

Chapter 24
ILLUSION

Nagising ako sa loob ng isang puting kwarto. tss' ilang beses ko ba kailangang magpabalik balik dito?

Kaagad kong iginala ang aking paningin at hinanap ang nagmamay ari ng boses na huli kong narinig, ngunit nanlumo lamang ako ng hindi ko s'ya nakita.

Walang tao sa silid, tanging ako at si Erice na nahihimbing sa kabilang kama lamang ang naririto.

Maliit ang kwarto at iilan din lamang ang kagamitan. Marahil ay clinic ito dito sa parish.

I was about to stand when I notice a dextrose on my hand. Walang pay aalinlangan ko itong inalis at agad nagtungo sa bintna.

Umaga na. Habang tinatanaw ko ang paligid na nababalot pa ng hamog ay marahan kong ipinikit ang aking mga mata at nilanghap ang sariwang hangin na para bang kay tagal na ng lumipas ng maranasan ko ang kapayapaang ito.




How I love peace. And yet, this cruel world always find its way to lure me. To make me run and crawl away to the aftermath. I hope, this won't be the last time that I'll felt this contentment and purity.




Kasabay ng marahang pagbukas ng aking mga mata ay ang pagbabago ng paligid.

Agad akong naalerto.

Ang gulat ay kulang pa upang ilarawan ang pagkabigla na aking nararamdaman. Nandito kaming muli, sa lumang tahanan. Si Erice ay nakatayo rin na tulad ko ay kababakasan ng pagkabigla ang mukha. Ang mga kasamam naman namin ay magkakatabing natutulog sa lumang papag, puno ng galos at halatang pagod na pagod.




"Erice, Hindi lang ako ang nakakita no'n hindi ba? Please tell me I'm not dreaming. And If I am, please tell me not." Nahihingkatakutan kong pahayag bagamat umaasa. I don't want this to be a dream regardless the weird and unexplainable shitty things. Gusto kong maranasan na kahit sandali, naging panatag ako.

The minute breeze and calm tits of nature that I once witness a while ago, I wanted it to be true



"Hindi ko din alam Clau," nakatulala n'yang tugon, mahina ngunit puno ng pagtataka. "Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung bakit nagkakaganito."

Marahan kong inihakbang ang aking mga paa, natatakot na baka bigla na lamang akong mahulog at muling magising sa ibang lugar.








"Guys wake up!"









"Hey! Wake up!"










Ilang saglit pa ay tumulong na rin sa akin si Erice na gisingin ang iba.

Si Hans ang huling nagising. Nanatili s'yang nakapikit ang mga mata at umuungol, halatang may iniinda.

Agad ko s'yang nilapitan at marahang tinapik sa pisngi. Nang mapalapit pa ako sa kanya ng husto ay doon ko napansin ang nagdurugo n'yang braso.






'Damn it!" Paulit ulit kong mura ng makita ko ng buo ang sugat n'ya. Malalim ang naking pagkakabaon, halatang itinarak at hindi inihiwa kaya naman natitiyak kong matagal bago maghilom ang sugat.

Inaapoy na din sya ng lagnat.



"Guys! May alam ba kayong medicine kit o kahit anong panggamot? Hans is freaking convulsing." Natataranta ko ng pahayag ng manginig ang mga braso ni Hans. Unti-unti na ring nagkukulay ube ang paligid ng sugat nito.



"Lumabas na si Lyric para maghanap ng pwedeng panglunas, Si Clint kase namamaga na ang mga binti." At doon ko lang nakita ang sitwasyon ni Clint. Ang katawan nito'y nakasandal sa pader habang nakaunat ang mga binti. Unang tingin pa lamang ay natitiyak ko ng hindi na n'ya magagawa pang lumakad.

Butil butil na ang mga pawis nito habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata at gigil na nakakagat sa labi, pinipigilan ang sariling dumaing sa sakit na iniinda.





"What happened?" Tanong ko.





" Napuruhan kami nung nakaharap natin yung mga ninja na may oso sa gubat. Tinulungan kami ni Max at ng magising kami ay heto na! Nandito na tayo." Kwento ni Clint kahit pa nahihirapan at malalalim na ang paghinga.





"BULLSHIT!!! PAKIRAMDAM KO NILOLOKO NA TAYO DITO!" Erice frustratedly hissed. The controlled and reserve Erice Samonte were gone. Ngayon ko lang s'ya nakitang ganito.

Gigil n'yang ginulo ang kanyang buhok at nagtatadyak sa lupa.

"Sana kase, makabalik na kaagad tayo sa Parish." Pagkabitiw ni Erice sa mga salitang 'yon ay nagbago ang paligid.









Napatakip ako ng mata ng masilaw ako ng liwanag, ng alisin ko ang aking braso ay nakita ko na lamang si Erice na kayakap ang kanyang pamilya.

Sina Clint, Lyric at Hans na ngayon ay nagtatawanan na kasama ang iba nilang barkada.

Sa harap ng gate ay nakita ko sila Daddy at Mommy, nakangiti sa akin at hinihintay ako. Kaagad akong humakbang papalapit sa kanila ng may galak, ngunit agad din akong huminto at malungkot na umiyak.

This is not true, this will never be true. Mom will never be glad to see me, and Dad, he will never have a time for me.






'I KNEW IT'



"ERICE STOP! HUWAG KANG SUMAMA SA KANILA!!!" sigaw ko ng makita kong papaalis sila. Pero hindi sila lumingon.






"ANO BA???" Singhal nito ng hablutin ko ang kanyang braso.





"HUWAG KANG SUMAMA SA KANILA, ILUSYON LANG ITO AT KAILANGAN NATING MAKALABAS. LOOK ERICE! THIS IS NOT REAL!" sigaw ko sa harap n'ya.





"Ano bang sinasabi mo??" Nagtataka niyang tanong at muling lumingon sa mga magulang n'ya na nanatiling nakangiti mula pa kanina.




"Please come with me. Erice please! Trust me." Pagsusumamo ko sa kanya habang iniaabot ang aking kamay.






Ang lahat ng ito, ilusyon lang. Simula sa simula. Nang pasukin namin ang kwarto na yun hindi na totoo ang lahat.

Ang pagbabago ng mga lugar at ang pagiging kontrolado nito. Lahat yun, hiniling ng damdamin ng bawat isa kaya nangyari.

Nang hawakan ni Erice ang aking kamay ay biglang umikot ang paligid. Para kaming tinatangay ng malakas na hangin.

Ilang minuto kaming ganun --ang pinakamahabang minuto na naranasan ko.

Nang huminto ang pag-ikot ay dahan dahan naming iminulat ang aming mga mata.



"CONGRATULATIONS!!! NAGAWA N'YONG MAKABALIK SA LOOB NG 20 ORAS, BUT YOUR OTHER MEMBERS MADE IT IN JUST 8 HOURS."

Nagtataka kong tiningnan yung apat, Hans, Lyric, Clint and Mia.

Pagtingin ko kay Erice ay ganoon rin s'ya.







'WE DO HAVE THE SAME QUESTION. HOW???'






"Hep! Mamaya na ang tanong. Group hug muna. Tayo ang nanalo!!!" Masayang pahayag ni Clint na sinangayunan naman ng iba kaya wala na akong nagawa ng magyakapan sila.









"Yey!!! Tayo ang nanalo!"








"Hindi tayo magugutom!!!"








"CONGRATULATIONS GUYS!!!"















*Please be reminded that this is unedited


THE END!
Joke lang.. Ahahahaha
(Ang lame ng UD ko)
Anyway,

HAPPY READING BAEBIES.
ENJOY!!! ^_^

WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now