Chapter 31

158 12 0
                                    

Chapter 31


I am here now, alone, standing in the midst of my nightmare; in the rooftop. I'd been dreaming and keep on going to this place since I can't remember when. Memories, unwanted memories rather were rushing through my mind, devastating my system. Ayoko dito. Gustong gusto kong ihakbang ang mga paa ko paalis, palayo sa lugar na ito. For this place mirrored my wrong doings, that I was never a saint.




"Claudette you do know that I love Max right?" lumuluhang bulong niya. Namumula ang kan'yang ilong, ganun din maging ang kaniyang mga mata. Hindi ko s'ya magawang tingna ng diretso. Nasasaktan ako para sa kanya at kahit nagsisisi ay hindi ko pa rin lubusang magawa na magpaubaya, hindi lang s'ya ang nagmamahal, mahal ko rin si Max.



"I'm sorry." Tugon ko at humakbang papalapit sa kanya. Lalong umagos ang luha ko ng makita ko s'yang humakbang patalikod. "Ate, I'm sorry please, mahal ko din s'ya at ako ang mahal n'ya. Ate wag naman ganito oh!" pagsusumamo ko pa ng makita kong paatras s'ya ng paatras mula sa akin. Gusto kong hawakan ang kan'yang mga kamay, yakapin s'ya ng mahigpit at humingi ng tawad nang paulit ulit. Hanggang sa magsawa s'ya at mapatawad ako.



"Alam kong wala akong karapatang masaktan kasi diba simula pa lang, ikaw na talaga? Ikaw naman talaga dapat ang unang nakakilala sa kanya. Kung hindi lang ako nakipagpalit sa'yo sa pagpasok sa paaralang ito, matagal sana kayong magkakasama. I'm sorry kung nasasaktan ako kahit na hindi dapat, I'm sorry kung nagdedemand ako ng bagay na hindi mo naman talaga hawak." No! ako ang dapat na magsorry. Kung hindi ako pumupuslit sa paaralang ito kahit alam kong bawal, hindi ko sana siya makikilala. Kung sana hindi ako nagkagusto kay Hans, hindi ako magpupumilit na makapasok dito, Hindi ko sana minahal si Max.



"Ate hindi, wala kang kasalanan, please huwag kang mag-isip ng gan'yan. Ako nga ang dapat na humingi ng sorry sa'yo."



"Claudette, I'm sorry. I'm sorry for being selfish." Kasabay ng kan'yang mga sinabi ay ang pagpapatihulog n'ya sa rooftop. Sa kabila ng gulat ko ay mabilis akong napatakbo upang masagip s'ya. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Paano kung hindi ko s'ya nahawakan? Paano kung tuluyan s'yang nahulog? Paano kung napahamak s'ya?


"Ate, please wag kang bibitaw!" pakiusap ko habang patuloy sa pagluha. Masakit na ang aking mga kamay sa paghawak sa kan'ya. Pakiramdam ko ay sa bawat minutong lumilipas ay nadadagdagan pa lalo ang bigat. Hindi ako pwedeng sumuko, si Claudia ang pinag-uusapan dito.



"I'm sorry Clau, but please forgive me. Forgive me for I am not strong." At hinila n'ya ang kan'yang kamay pababa.

Nanlalambot akong napaupo sa malamig na semento. Paano n'ya nagawa ang bagay na 'yon? Paano n'ya naatim na ipadala sa akin ang bigat ng pagsisisi at balutin ang sarili ko ng nanguusig na konsensya? Paano n'ya nagawang ipasa sa akin ang lahat ng sisi sa kan'yang pagkawala?





- - - - -







"Anak ano'ng nangyayari?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. Sa muling sandali ay nagkaroon ng ibang pakiramdam ang aking katawan, bukod sa pagiging manhid. Bumilis ang tibok ng aking puso, bumigat ang aking dibdib at hindi ko mapigilang mapaiyak. Kalian ko ba huling narinig ang kan'yang tinig, na may halong lambing? Kalian ba ang huling pagkakataon na tinawag n'ya akong anak? at Kalian ba s'ya huling nag-alala para sa akin?



"Mom!" mahina ngunit punong puno ng emosyon kong pahayag. Lalo pang bumuhos ang aking luha ng yakapin n'ya ako ng mahigpit. Pakiramdam ko kahit gaano pa kasakit ang aking katawan ay magagawa ko pa ring kumilos ng kumilos. Na ligtas ako at hindi ako mapapahamak dahil nasa mga bisig ako ng aking ina. Ng taong matagal ko nang hinihilingan ng pagkalinga.



"Claudia anak, kamusta ka na?" saglit akong napahinto. Tila tumigil ang pag-ikot ng oras ng mga sandaling iyon. Claudia, ang pangalang iyon, kailanman ay hindi nagging akin. Napahagulgol na lamang ako sa sakit. Sa paulit uit na pagkadismaya at kawalan ng pag-asa.

'Bakit ba hindi n'ya ako magawang makita?'

Nanikip ang aking dibdib. Marahil ay ito ang kabayaran sa mga nagawa kong kasalanan. Pero bakit parang sobra naman yata? Nagmahal lang naman ako, nagkataon lang na mahal rin ito ng kakambal ko.

- - - -



"AAAAHHHHHHHH!!!!!" sigaw ko ng makaramdam ako ng labis na sakit. Parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Ndi ko magawang makapag-isip ng maayos. Tanging ang iniindang sakit lamang ang nagagawa kong pagtuunan ng pansin. Sunod sunod ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata na tila sirang gripo na walang humpay sa pag-agos.

Biglang nagbago ang paligid. Naging berde ang lahat. Nanduon na naman ang unti-unting pamamanhid ng aking katawan, hindi ko na muli pang maigalaw ang aking mga kamay, maging ang aking mga paa at iba pang bahagi nito.

May nagpoproject na hologram sa aking harapan at ang aking paningin ay unti-unting nagiging kulay berde. Murmurs keep on getting louder, familiar voices were panicking and I know this things is serious. I can't control my body anymore. Waives were showing through the green hologram that was blinding me. Hindi ko macontrol ang sarili ko, hindi ko rin maramdaman ang pagkilos ko. Alam kong wala na ako sa kama na aking kinahihigaan ngunit hindi ko pa rin magawang huminto, tila may kumocontrol sa akin. Inuutusan akong gawin ang isang bagay.

This thing isn't new to me. Alam ko na hindi lamang ng mga nagdaang mga araw ko ito naranasan, ang eksena ay pamilyar at maging ang aking katawan ay hindi gaanong naninibago, may sumasakit ngunit hindi sapat upang bumigay ako.

I want to shed a tear when I realize what was happening, I knew it. Hindi pa rin sila humihinto sa bagay na ito. Gusto kong makaramdam ng paghihinakit sa mga taong pinagkatiwalaan ko, hindi na dapat pa ako nagtiwala sa kanila.

Kung alam ko lang na babalik ako sa sitwasyong ito, sana sumunod na lang ako kay Claudia, so the burden won't be difficult anymore. Akala ko noong una magiging maayos pa ang lahat, ngunit mukhang nagkamali ako, ang problemang kinakaharap ko simula pa noon, wala ng pag-asa.

Project XVII that's what they called it and I am once their subject.








*Please be reminded that this is unedited

HAPPY READING BAEBIES.

WHO ARE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon