CHAPTER 10

393 44 15
                                    

CHAPTER 10: FIRST NIGHT




"Ano? D'yan ka na lang ba sa harap ng pinto na 'yan? Wala kang balak na pumasok sa loob?" Napakamot ako sa aking batok ng tanungin n'ya ako.



Ang totoo ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung papaano kikilos sa harap n'ya ngayong magkakasama kami sa isang kwarto. Naalala ko tuloy kung bakit hindi kami nagkasabay kanina papunta sa dorm n'ya.



Nang matapos kaming mag-usap sa library ay namaalam ako na dadaan muna saglit sa dati kong kwarto upang i-check kung may naiwan pa akong gamit.


Ang mga gamit doon ni Grace ay hinayaan ko na lamang muna sa dati nitong ayos at napagpasyahan ko na saka na lamang ligpitin kapag naayos na namin ang pagpapalibing sa kan'ya.



"Hehe, Heto na nga oh! Papasok na." Pilit ang ngiting sabi ko at nagdire-diretso papasok. Hindi ko mapigilang humanga sa pagkaka ayos ng mga gamit n'ya. Kung kwarto ang pagbabasehan ay mas mukha pa s'yang babae sa akin.



Wala akong makitang alikabok o ni katiting na kalat. Ang pagkakapatas ng mga gamit ay pulidong pulido.



"Hoy Maximillian! umamin ka nga sa akin. Bakla ka 'noh?" Tanong ko sa kan'ya ng may pag-aakusa habang patuloy pa rin ako sa pagtitingin ng mga display sa kwarto n'ya.



"Psh' stupid." Singhal n'ya kaya naman napakunot ang aking noo at pasaring akong humarap sa kanya ngunit ganoon na lamang ang aking gulat ng malamang ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't isa.



"Whhhhhaaaaaaaaa!!!!" Tili ko ng malanghap ko ang kan'yang hininga. Shit! Ang bango. Sa sobrang pagkataranta ay hindi ko nagawang balansehin ang aking katawan kaya naman dali-dali akong kumapit sa braso ni Max dahilan upang mabuwal kami sa aming pwesto.



'Double Shit! We fall from each other, wait! I mean we fall with each other. Magka-iba yun diba? Nahulog kami sa isa't isa at nahulog kami ng magkasama. Bakit ba kasi double meaning?



"Ah. Mr. Alcantras, masyadong malaki, I mean medyo mabigat ka." Ngunit sa halip na umalis sa pagkakadagan sa akin ay mas lalo pa n'yang ibinagsak ang kan'yang katawan upang mas lalo pa akong mabigatan.



"Why can't you stick on calling me in one name Clau?" Bulong n'ya sa aking tenga. 'Triple shit! sexy ng boses n'ya.' Parang kuryenteng dumaloy sa aking katawan ang kan'yang tinig. Hindi ko mahanap ang aking boses. Para akong na-ground at nawawala ang focus ko sa kan'ya.



Hindi ko alam kung alin ang una kong papansinin, ang bilis ba ng tibok ng aking dibdib? Ang paglalakbay ba ng malikot kong isipan? O ang pwersa ng kan'yang katawan na lumilikha ng tensyon sa pagitan naming dalawa?



"I think you're enjoying our position?" Mayabang nitong sabi at umayos ng pagkakatayo. Ipinagpag pa n'ya ang kan'yang pantalon na suot na para bang nadumihan 'yon. Ang arte, gayong pwede ka na ngang maglatag ng pagkain sa sahig dahil sa sobrang linis nito.



"Arte mo!" Singhal ko sa kan'ya habang nakanguso at tumayo na ng maayos. Inirapan ko s'ya ng makita kong nakatitig s'ya sa tuhod ko na may kaunting galos.



"May medicine kit sa cr." Sabi n'ya na lang, pero hindi ko naman pinansin dahil naiinis ako sa kan'ya. Tuloy tuloy akong naglakad patungo sa kwarto sa bandang unahan at padabog na pumasok.



Nang isara ko ang pinto ay sinadya kong lakasan ang impact ng pagkakasara ko nito para naman maramdaman n'ya ang inis ko.



"HOY BABAE! MAGDAHAN DAHAN KA NGA. KWARTO KO 'YANG PINASOK MO ITONG KABILA ANG SA'YO." Rinig ko pang sigaw n'ya na hindi ko naman pinansin. Napatanga naman ako sa loob ng kwarto n'ya.



Purong puti, as in puting-puti. Walang kadating dating, hindi girly at hindi naman manly. Boring, plain, simple name it at ganong ganun ang kwarto n'ya.



May maliit lang na cabinet na sa tingin ko ay ang closet n'ya na as usual kulay puti, study table na kulay puti rin at ang king size bed n'ya na puting puti at walang kagusot gusot and the rest wala na all white na lang which I mean is ding ding at kisame na lang. His room reflects his personality, boring.



Patalon akong sumampa sa kama at nahiga. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Agad akong dinalaw ng antok at handa na ang aking diwa na maglakbay patungo sa paraiso ng makarinig ako ng malakas na pagkatok sa pinto. Kahit tamad na tamad ay bumangon pa rin ako sa kama at binuksan ang pinto.



"Bakit?" Antok kong tanong sa kan'ya.



"Pwede bang mamaya ka na lang matulog?" Napatingin ako sa dala n'ya dahil sa kan'yang tanong. May bitbit s'yang blue notebook at red and black ballpen plus physics book.



"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong pero halip na sumagot ay itinulak n'ya ang aking noo at pumasok s'ya sa loob ng kwarto ko- I mean kwarto n'ya pala.



"Ano ba?" Singhal ko at tinapik ang daliri n'ya. "Bullying na 'yan huh!"



"Mag-aral muna tayo. May long quiz bukas sa Physics." sabi n'ya at prenteng umupo sa harap ng study table n'ya.



"Paano mo naman nalaman huh? Wala namang klase kanina." Naka pameyawang kong tanong.



"Assets" simpleng sagot n'ya. Umupo na rin ako sa may harap n'ya at kunot noong tinitigan s'ya.



"May napapansin na ako sa'yo eh!" Nagdududa kong saad.



"Ano naman 'yon?" Simpleng sagot n'ya at hindi man lang naalis ang tingin n'ya sa libro.


"Siguro kaya mo ginagawa 'to kase gusto mo lang akong makasama. Alam mo inaantok na ako eh, pero sige para naman mapakilig kita ay hahayaan ko na mag aral tayo para mas matagal mo pa 'kong makasama." Mayabang kong pahayag at mabilis na nakibuklat sa libro n'ya.



S'ya naman ay natulala lang sa akin dahil sa sinabi ko. Huh! Hindi n'ya siguro inakala na malalaman ko ang plano n'ya.



"Alam mo Miss Vermont hindi ko akalain na ganyan kataas ang confident mo. Ass -" Hindi n'ya natapos ang sinasabi n'ya dahil biglang nagring ang cellphone ko. Dali-dali akong pumunta sa may kama at kinuha ang cellphone ko.



'Battler Jared calling...'



Sinenyasan ko si Max na huwag maingay pero sinamaan n'ya lang ako ng tingin.



"Hello Jared, Napatawag ka?" tanong ko sa kabilang linya habang nakatingin kay Max. Kitang kita ko ang pag igting ng kan'yang panga ng banggitin ko ang pangalan ni Jared. Psh' ano'ng inaarte nito? Padabog s'yang tumayo at naglakad papalabas ng pinto.



"YUNG UNDERWEAR MO PALA CLAUDETTE KUNIN MO NA LANG SA KWARTO KO." Nakangisi n'yang sabi habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko mapigilang hindi tumitig sa kan'ya pabalik. Napakurap lang ako ng malakas n'yang isarado ang pinto.



"Hello Caludette, anong underwear 'yon?" Walang emosyong tanong ni Jared sa kabilang linya. Shit! Saka ko lang narealize na kausap ko nga pala si Jared sa phone. Dali dali kong pinatay ang tawag at inis na hinabol si Max.






















HAPPY READING 😘

WHO ARE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon