CHAPTER 8

412 53 18
                                    

CHAPTER 8: SUDDEN DEATH





"I'm sorry nga pala sa inasta ko kanina." Nagulat ako nang paglingon ko ay iyon agad ang mga salitang bumungad sa akin. Saglit na napakunot ang aking noo ngunit ng maka-ilang sandali lang ay napabuntong hininga na lamang ako.

Wala naman sa akin iyon, wala akong pakeelam sa mga nasa paligid ko dahil sanay akong kinaiinisan at kinagagalitan ng mga tao kahit na wala namang dahilan.



"Wala 'yon," simpleng sagot ko at umakyat na sa itaas ng deck. Alas otso pa lamang ng gabi, hindi pa rin ako naghahapunan at wala naman akong gana. Humiga na lamang ako at pumwestong matutulog kahit na hindi pa naman talaga ako inaantok.



"Ahm.. Clau alam-"



"Stop!" Agad kong pigil sa kan'yang pagsasalita nang marinig ko ang pag bangit n'ya sa pangalan ko. May ibang pakiramdan na hatid ang dating ng kan'yang pagsasalita. May kung anong damdamin ang sumisibol sa aking dibdib na hindi ko mapangalanan. Napaka estranghero, nakakasakal.



"Sorry." Nahihiyang tugon n'ya. Bigla ay nakaramdam ako ng pangongonsensya. There's something on me that I can't explain. Parang ayoko na naririnig ang ganoong boses sa kan'ya. Naiirita ako sa kan'yang pagsusumamo.



"No! Don't say sorry. That's not what I meant. I just wanted to say na huwag mo na akong tawaging Clau, stop addressing me on my nickname, okay?" Mahinahon at puno ng sinseridad kong pahayag.

Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya sa ilalim. Ilang minuto ring binalot ng katahimikan ang aming silid. Iniisip ko nga na nakatulog na s'ya ngunit hindi pa pala.



"Inaantok ka na ba Clau- dette?" Napaisip ako sandali ng mailang s'yang bigkasin ang buo kong pangalan. Ganoon ba iyon kahirap gawin? It's just two fucking syllables, ganoon ba sila katamad para maging pagsasalita ay mahirapan sila?

Gusto kong maging bitch sa harap n'ya ngunit maalala ko pa lamang ang boses n'ya na may pagsusumamo ay bumibigat na agad ang aking dibdib, kaya mas pinili ko na maging kalmado at huminahon na lamang.



"Hindi pa naman."



"Gusto mo laro tayo?" Puno ng sigla at tuwa niyang tanong sa akin. Gusto kong mairita. Sa edad namin na ito ay talaga bang iniisip n'ya na gusto kong makipaglaro?



"Ayoko! Hindi naman na tayo bata." Sagot ko na mahihimigan ang pagkainis sa boses.



"Please, hindi lang naman pang bata iyon eih. Wala naman sa edad ang paglalaro. Nagbabago lang ito pero hindi iyon nawawala."



"Tumahimik ka na, pwede?" Singhal ko sa kan'ya. "Ayokong maglaro. Tapos ang usapan." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sigawan s'ya. Ang kakaunting pasensya na inilaan ko sa kan'ya ay inubos na n'ya.

Ngayon ko lang talaga naisip na mahirap pala talagang maging mabait. Lalo na kapag hindi ka naman tulad ng iba na santa.



Kapag masama ka ganoon ka na talaga, kahit sabihin pa ng iba na naging mabuti ka na ay hindi pa rin mawawala ang kasamaan na taglay mo. Magkukubli lamang iyon at maghihintay ng pagkakataon na balutin muli ang iyong pagkatao.


Hindi naman masama na maging hindi mabuti, sometimes it is another way around because being too kind will lead others to take you for granted which was the root of all evilness. Iisipin nila na you're their inferior dahil nagagawa ka nilang pasunudin.


"Five years ago, I'm just a nobody. A victim of bullying and a suicidal type of person. Bigla na naman s'yang nagsalita. Akala ko kanina ay tatahimik na s'ya dahil ipinaramdam kong naiirita na ako pero hindi pa pala.



WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now