CHAPTER 15

268 32 8
                                    

CHAPTER 15: GLIMPSE OF PAST








"I'm doomed Claudette! O my god!" Naghihisteryang pahayag ng kakambal ko habang paikot-ikot ito sa aming silid. Ang kaniyang kamay ay nakasabunot pa sa sariling buhok na tila ba ganoon na lamang kalaki ang dinadalang problema.



Napabuntong hininga na lamang ako. That's what I hate about falling inlove. The problems and dilemmas brought by it. Kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin.



"Then what are your plans now?" Nahahabag kong tanong sa kan'ya.


"I don't know. I really don't know Clau. There is Jared my fiance, then Maximillian, Oh my god! I don't know what to do!" Umiiyak na niyang sabi habang nakaupo sa sahig. Claudia really looks upset and frustrated. Hindi talaga alam ang gagawin.


Akala namin ay maayos na ang lahat. Na tanggap na n'ya na si Jared ang mapapangasawa n'ya balang araw. Na sa paglipas ng panahon ay matututunan n'ya rin itong mahalin pabalik.


"I'm sorry Claudia. It's my fault. If only I didn't runaway from my responsibilities. If only I didn't escape my destiny and just accepted every little things, then maybe you're not in this kind of situation now. I'm so sorry. I really am." Lumapit ako sa kan'ya at niyakap ito nang mahigpit habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.


Kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kung hindi lamang ako tumakbo papalayo sa responsibilidad ay hindi ito mapupunta kay Claudia. Sana ay hindi ito naiipit sa kinalalagyang sitwasyon.


"No. Don't be sorry Claudtte, Okay? I fell inlove, and falling inlove was never a mistake. Kaya huwag mo sanang sisisihin ang sarili mo kung nasa ganitong kalagayan man ako. What you did maybe reckless and risky but I know that it was bravery. Nagawa mong sumalungat kina Dad and you even made a choice of making yourself free." Lumuluhang sabi n'ya habang pinupunasan ang pisngi. Lalo tuloy akong nahabag. Napaka-mapaglaro ng pag-ibig. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kan'ya at piping umusal ng pangako na po-protektahan s'ya anuman ang mangyari.



"Huwag na lang nating sabihin kay Daddy na ayaw mo ng magpakasal kay Jared hangga't wala pa tayong kongkretong plano." Suhestyon ko ng makahuma sa pag-iyak.



"Pero paano? Everyone in the campus knew that there is something between me and Max. Jared is even furious about the issue."



"Me Claudia! Claudette and Max." May diin kong sabi. Nang makuha naman n'ya ang nais kong ipahayag ay agad nanlaki ang mga mata nito.



"No!" Mahina nitong sabi na tila para sa sarili ang pagtutol. Bahagya pa itong napalunok at marahang umiling iling bago hinawakan ang braso ko.



"No Claudette. Please don't!" Sabi nito habang ang luha ay patuloy na muling namamalisbis sa kan'yang pisngi.



"Let me do this for you Claudia. Just this time, let me protect you. It was supposed to be me right?" Bahagya akong napalunok ng maramdaman na tila may bumabara sa lalamunan ko.


"No! No! You don't have to. Nakuha mo na ang kalayaan na gusto mo. Huwag mong hayaan na mawala muli iyon ng dahil lamang sa akin." Nagmamakaawang pahayag ni Claudia. Puno ng pagsusumamo ang kan'yang mga mata, nagmamakaawa na huwag kong ituloy ang kung anumang nasa isip.



"Im sorry twinnie pero buo na ang desisyon ko. Claudette Vermont is the one who's studying at Angel's Hell University. It is me, and not you. Gagawin ko lang ang bagay na matagal ko na dapat ginawa." May pinalidad kong pahayag.









• • • • •







"Clau, Wake up! Hey Wake up please!"



Habol ang hininga na napabangon ako sa higaan habang sapo sapo ang dibdib. Nagsisikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga.


Nang imulat ko ang aking mga mata ay doon ko lamang nakita si Lydelle na umiiyak habang mahigpit na nakahawak sa aking braso.


Si Mia naman ay nakatayo sa may pintuan habang may hawak na baso ng tubig at mula sa kan'yang pwesto ay nandun si Max na walang emosyon ang mga mata at nakatingin sa akin. Naalala ko na naman ang nangyari.


Nang magtama ang aming mga mata ay agad s'yang umiwas at walang pasabi na nilisan ang silid.


"Thanks god! You're awake." Pagpapasalamat ni Lydelle.


"Halos isang oras ka na naming ginigising pero ayaw mo pa din magising. Nag-aalala na kami." Umiiyak pa rin nitong pahayag habang mahigpit na nakayakap akin.



Si Mia naman ay dali-daling ibinaba ang baso ng tubig na dala at nakiyakap sa aming dalawa.


"Hoy Mia umalis ka nga. Yakapan 'to ng magbestfriend, hindi ka kasali." Napangiti ako sa inasta ni Lydelle, palagi s'yang ganito. Itinutulak n'ya si Mia papalayo habang hindi pa rin naaalis ang pagkakayakap sa akin.




"Ano ba? Huwag ka nga! Gusto ko din yumakap." Singhal naman pabalik ni Mia.





"Hoy Silhoute! Hindi mo na ako madadaan daan sa gangmate ka n'ya kase member na ako ng Lion Knight Armor, mas lamang na ako sa'yo."




"Eih kaibigan n'ya rin naman ako ah! Isa pa, mas malakas pa rin ang gang namin. Sub group lang kayo."



Nang bumitiw na sa pagkakayakap si Lydelle ay naramdaman ko na ang tensyon na nabubuo sa dalawa kaya inawat ko na sila bago pa magka-gulo.



"Hoy tumigil na nga kayo d'yan! Nagugutom na ako, tara na lang kumain." Pag aaya ko na sa dalawa upang mahinto na sa pagtatalo.



"Sumabay na lang tayo kay Max, kakain na din 'yon eih!" Biglang bulalas ni Mia kaya hindi kaagad ako nakapag-react. Tinanggap ko ang iniabot n'yang baso ng tubig at diretso itong ininom.


Sandali akong napahinto ng maalala ang panaginip kanina. Kung panaginip nga bang talaga sapagkat nagmula naman ang lahat ng iyon sa mga naibaon ko ng mga alaala. .


















HAPPY READING 😘

WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now