Chapter 34

190 11 2
                                    

Chapter 34
Partial truth




Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Max. Does wanting to avoid more pain after the terrifying events in my life was an act of selfishness?

Kapag ba ginusto mo ng sumuko at ihinto na lang buhay, pagiging makasarili ba 'yon?

Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay ko, pagkatapos maubos ng bawat piraso ng buhay ko at mapagod ako, pagiging makasarili ba kung hihilingin kong magpahinga naman?

Mataman ko s'yang tinitigan sa mukha habang lumuluha. Sa kanyang mga matang nagsusumamo ay lalong naghinagpis ang aking dibdib. Umaawas ang emosyon sa kanyang mga mata, ang lungkot, galit, pagsisisi, pag-aalala, ang lahat ay nandoon na.

"I'm sorry, I'm sorry for being selfish... I'm sorry for not minding your pain, but mine. I'm so sorry Max. "

"No, hush it Clau, you're not at fault, so please stop being sorry. I understand you, wala kang kasalanan." Niyakap n'ya ako ng kayhigpit and I even cried more. My emotions are at stake at wala akong pakeelam. All I care about is the warmth from his embrace and fleeting feeling that would subside soon.

Kinakabahan akong napatingin sa kanya ng makarinig kami ng malakas na pagsabog na tinugunan n'ya lamang ng magaang ngiti.

"Please, trust me Clau." Pagkasabi n'ya noon ay maingat n'ya akong binuhat at pinasan sa kanyang likod.

Alam kong nahihirapan s'ya, dahil bukod sa mga sugat ay nanghihina rin ang kan'yang katawan.

Wala akong ibang magawa kundi ang maiyak at pasalamatan s'ya ng paulit ulit.

"Sir!" Bati ng isang armadong lalaki kay Max pagkatapos ay yumukod pagbibigay galang. Tinulungan n'ya si Max sa pagdadala sa akin hanggang sa makarating kami sa isang customize car na halos kumpleto sa gamit.

"Hintayin n'yo ko dito, okay? Babalikan ko lang si Lydelle?" Napaiyak ako sa kan'yang sinabi.

"Please be safe."


Without Max, hindi ko na alam ang gagawin ko. I feel so dependent and it feels so wrong. Lumaki ako sa pakiramdam na nag-iisa so I tend to do things and decide alone. Walang hinihingan ng payo o ng kung ano for nobody wants to listen.

Nasanay ako na mag-isa kaya ang pakiramdam na may isang Maximillian Alcantras sa buhay ko ay nakakapanibago, kakaiba at nakakatakot.

Mula sa likod ng isang building ay dumaan ang isang napakapamilyar na sasakyan.

"Dad!" Malakas kong sigaw. Hindi ako pwedeng magkamali, I know it's him.

Nawala sa isip kong hindi ko naiigalaw ang katawan ko, kaya ng tangkain kong habulin ito ay nagpagulong lang ako sa daan, na s'ya namang nakaagaw ng atensyon nito.

Hindi ko magawang indahin ang sakit ng aking katawan, ang pagtataka sa mukha ni Daddy ang bumabagabag sa akin.

"Clau- Claudette??"


"Dad, please... please help us. Sina mommy, si Claudia, yung project, ako! Dad, ang gulo-gulo na."




"No! Imposible."



"Dad! Hindi kita maintindihan, ano ba? Bakit ka ganyan? Wag mo namang iparamdam sa akin ito oh!"

Napatigalgal ako ng sumabog ang itaas na parte ng building.

"Si Max, oh my god! Puntahan mo si Max please, iligtas n'yo s'ya." Pakiusap ko sa naiwang armadong lakaki sa akin kanina. Nag aalangan pa ito kung aalis o hindi. "Please... pakiusap naman, iligtas n'yo s'ya." Pagsusumamo ko pang lalo ng magsunod sunod na ang pagsabog.

"Sumama ka sa akin, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat." Nag aalangan pa ako noong una, ngunit wala na din akong nagawa.





* * * * *






"Nang ipanganak ng mommy mo si Claudia ay nagkaroon ng complications. Hindi talaga s'ya pwedeng magbuntis kaya naman ng dumating si Claudia ay sobra sobra ang kan'yang saya." Nanatili lamang akong nakatingin kay Daddy, nagtataka. Kanina pa s'ya sa pagkukwento, puro na lang s'ya Claudia, paulit ulit lang, eh ako?? Kambal kami eih.

"Hanggang sa magkasakit ang kapatid mo, at kinailangan n'ya ng bone marrow."



"Dad, ako? Asan ako? Anak n'yo ako diba?"





"Of course, anak ka namin. Pero hindi kayo kambal ng kapatid mo."



"Anong, ibig n'yong sabihin?" All this time. Paanong hindi kambal? Our identical face, birthday, age. Sabi n'ya anak n'ya ako, kaya paanong hindi kami kambal?




"Hindi match ang bone marrow ko at ng mommy mo kay Claudia kaya naman kailangan n'ya ng kapatid at hindi na kaya pang magbuntis ng mommy mo"


"Wala pa rin akong maintindihan Dad"



"You were born through in vitro fertilization." Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko ng bitiwan ni Dad ang mga salitang 'yon.

Kaya ba hindi ako magawang mahalin ni mommy? Pero bakit naman?? Anak n'ya pa rin naman ako. Maaring hindi s'ya ang nagdala sa akin sa loob ng siyam na buwan, pero anak n'ya pa rin ako.

Umalis na ako pagkatapos ko iyong marinig kay daddy. Hindi ko s'ya kayang makita. Ang nanghihina kong katawan ay pinilit kong maigalaw, kailangan kong makalayo dahil kung hindi ay baka doon na ako mabaliw.

I don't think I can handle this pain anymore. This time gusto kong maging selfish, gusto kong ako muna, yung sarili ko naman.









*Please be reminded that this is unedited

Oh myy goodddd!!!
May nagbabasa pa pala nito, thank you po!!!
Sobrang tagal na walang UD. This Christmas I'll try my very best para maedit yung ibang part (para tumugma sa flow ng story, not the technicalities po.) Sobrang tamad ng author!!!

Anyway, kamusta baebies???
I love you 😘😘

WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now