CHAPTER 17

297 28 7
                                    

CHAPTER 17: CLAUDIA








Coldness envaded the whole vicinity as their face is void of any emotion, but their aura tells the otherwise; danger and fear.

Habang naglalakad ako papasok sa una kong klase ngayong araw na ito ay hindi ko mapigilan na mangamba at mapaisip.

Tulad ng iba sa paligid ko ay natatakot rin ako sa mga posibleng mangyari. I am anxious, scared and worried about what may happen in the all out war.

Maraming gustong umalma at tumutol sa nais na mangyari ng Empress but no one have the guts and courage to defy her decision, almost all students here are scared of her, even I.

'Nasan na ang matapang na Claudette?' Tanong ko sa sarili ko. Magmula ng mag-aral ako sa paaralang ito at may ilang alaala na nagbalik sa isipan ko ay tila naumid na ang dila ko.

Naging limitado ang mga salita at para bang nabahag ang aking buntot na gumawa ng mga bagay na ninanais ko.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay wala pa ring professor. Ang ilang mga estudyante na naunang dumating sa akin ay may kani-kaniya ng mundo. May grupo ng nagkukwentuhan, may gumagamit ng gadgets at ang ilan pa ay mas piniling mag-isa at bumuo ng sariling mundo sa kanilang dimensyon.

Mabigat ang katawan na umupo ako sa aking pwesto at umub-ob. Ilang segundo lang ang nakakaraan ay naramdaman ko ang marahang pagtapik ng nanginginig na mga kamay sa aking balikat.

"What?" I hissed.

"Ahh eh, Miss Vermont gusto ko lang kasing humingi ng tulong sa'yo." Nakayuko at tila kinakabahan n'yang saad. Agad namang nangunot ang aking noo.

'Tulong?' Ano'ng tulong naman ang hihingin nito sa'kin.

Papaalisin ko na sana ang babaeng mukhang nerd sa harapan ko ng mapansin kong halos lahat ng estudyante sa loob ng classroom ay sa akin nakatingin.

Lihim naman akong napabuntong hininga.

"Anong tulong ba ang kailangan mo?" Walang gana kong tanong saka kinuha ang ipad sa loob ng bag ko.

"Please po, kausapin n'yo ang Empress na huwag ng ituloy ang All Out War na idineklara niya. Kayo lang ang may kakayahan na makalapit sa kan'ya ng hindi nasasaktan." Nagmamakaawa na nitong pakiusap. Bahagya ko namang nahigit ang aking hininga at lihim na tinanong ang sarili.

"Ako?'

'Bakit ako?'

'Ano'ng kakayahan ko? Dahil ba ako ang Empress Protector?'

Samatalang wala nga akong matandaan na nakilala ko s'ya noon o kung paanong ako ang naging protector n'ya.

"What If ayoko?" Nakataas ang kaliwang kilay kong tanong na s'yang nagpalaki ng kan'yang mga mata. Gulat na gulat at tila hindi makapaniwala.

Ang mga estudyante naman na nakarinig at nakikiosyoso ay biglang napasinghap. I even heard them throw some groans and cusses.

"Please po, huwag n'yong hayaan na maulit ang nangyari noon." Nangingilid ang luha n'yang pahayag at bago pa ako makapagtanong muli ay nagtatakbo na s'ya pabalik sa kan'yang pwesto at doon tahimik na umiyak.

Tatayo na sana ako upang tanungin s'ya ng bigla na lamang dumating ang professor namin.

Agad na umayos at nagsipag-balikan ang ilan sa sariling upuan at doon tahimik na hinintay ang pagsasalita ng guro sa unahan.

"Good morning!" Pagbati sa amin ng bagong pasok na prof ngunit wala man lang ni isa ang tumugon. Nagpatuloy ito sa pagsusulat sa white board, para bang sanay na itong walang natatanggap na pagbati pabalik.

"Mamayang 9am" Bahagyang tumingin sa suot na wrist watch ang aming prof bago nagpatuloy sa pagsasalita "36 minutes from now ay pupunta kayo sa St. Lourence Parish church para sa recollection n'yo. Bring your pack lunch and please be cooperative. " Isang anunsyo na nagpabigla sa aming lahat. Ni hindi man lang nila kahapon inulit para sana nakapaghanda kami.

"Ahh sir! Bakit po parang ang aga naman ng recollection? December pa lang po eih, hindi po ba March or April dapat?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

'Ganun ba 'yon?' May specific month? Hindi pwedeng kung kailan mo lang mapagtripan?

"Oh well, to answer your question. Hanggang end lang ng december ang pasukan n'yo dahil sa magaganap na Annual All Out War. The chosen players will have their trainings for two months here in our University while the rest, they can have their vacation." Maraming natuwa ng marinig na pwede na silang magbakasyon, pero ang ilan, tulad ko ay tahimik lamang na nakayuko.

Tila nagdadasal, umaasa na bukas, sa muli naming pagpasok sa silid na ito ay mapagtatanto naming panaginip lamang ang lahat.

Na isa lamang itong bangungot. Bangungot na kung saan kami-kami ang magkakasama.

Napansin ko naman ang pagtitig sa akin nung nerd na lumapit kanina sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay agad s'yang nag-iwas ng tingin.

Yumuko ito at inabala ang sarili sa hawak na cellphone. Napabuntong hininga naman ako, anong klaseng tulong ang magagawa ko?

'Ano'ng nangyari sa nakaraan na hindi ko na dapat pang hayaan na mangyari muli sa kasalukuyan? Ano'ng nangyari noon na hindi na dapat maulit ngayon?

"Students please proceed to the parish. Pinapaalala ko lang, wala kayong makakasamang professor doon, tanging ang counciling head lang at staff ng school na nandoon. So please behave." Paalala sa amin ng prof habang isa isa naming nililisan ang silid aralan patungo sa simbahan.

Pagkarating sa mismong gate ng Angels' Hell University ay nakita namin ang ibang estudyante na nakapila rin habang nasa unahan nila ang kani-kanilang class president.

May sakristan na nagpa-facilitate sa mga estudyante na nilalagyan ng piring sa mga mata. Ang iba namang kasamahan nito ang s'yang nag-aakay sa mga mag-aaral papalabas ng university.

Bahagya akong tumingkayad dahil gusto kong makita kung saan dinadala ang mga estudyante.

Sa inis ko dahil hindi ko matanaw ang kanilang pinupuntahan sa haba ng pila ay pabalya kong itinulak ang ilang estudyante sa aking unahan.

Nagsimula ng umangal ang ilan dahil sa aking ginawa ngunit ng makita nito na ako ang s'yang may kagagawan ay agad na silang tumahimik.

'I smirked.' That's it! People should know their place.

Hahakbang na sana ako at aabante pauna ng bigla na lang may pumigil sa aking mga balikat.

Marahas akong lumingon at matatalim ang mga mata na tiningnan ko ang pangahas na nagpahinto sa akin.



"What?" Galit kong sigaw sa sakristan na s'yang nagpahinto sa akin.

Ni hindi man lang ito nasindak bagkus ay nginitian pa n'ya ako na s'yang nagpadagdag sa inis na aking nararamdaman.

"Please stay at your place Ms. Vermont." Mahinahon nitong sabi. Saglit naman akong napipi dahil sa sinabi n'ya.

"K-kilala mo a-ko??" Nagtataka kong tanong.

Bumingisngis naman ito at bahagyang tinapik ang aking balikat.

"Oo naman. Ikaw talaga napaka mean mo. We used to be friends way back then Claudia. Sagot nito na nagpatigalgal sa akin.


'Claudia, he called me Claudia.'












HAPPY READING 😘

WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now