Chapter 33

169 10 2
                                    

Chapter 33
A Friend's Death




Parang gumuho ang aking mundo nang makita kong unti-unting tumutuwid ang mga linya sa makina. Ang nagwawalang katawan ni Lydelle ilang minuto lamang ang nakakalipas ay huminahon at bumagsak na parang lantang gulay --wala ng buhay.

She's a good friend at hindi n'ya deserve ang nangyari sa kanya. Napatingin ako sa mommy ni Erise, parang wala lang sa kanya ang nangyari at hindi ko 'yon matanggap.

May sinasabi s'ya sa ilang nurse doon at ilang saglit pa ay binuhat nila ang katawan ni Lydelle.

'No! Saan nila s'ya dadalhin?' Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong kaibigan.

All my life, I've been living alone and lonely at s'ya ang nagparamdam sa akin kung gaano kasaya ang may kasama. Ni hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya.

Sa mga pambabalewala ko sa tuwing may sinasabi s'ya. Hindi pa ako nakakapagpasalamat na sa maikling panahon na nakasama ko s'ya ay nagawa n'ya akong mapasaya.

Ni hindi ko pa nasasabi kung gaano s'ya kahalaga sa akin. Higit sa lahat, hindi ko pa nasasabi na ako ito, si Claudette, ang totoong Claudette at hindi ang inaakala n'ya, hindi si Claudette na una n'yang nakilala at itinuring na kaibigan.

Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Ang kaninang walang lakas kong katawan ay nagawa kong ikilos. Dala ng paghihinagpis ng aking dibdib ay buong lakas kong kinalampag ang chamber na kinalalagyan ko. Ang mga kulay asul na chords ay naalis sa aking mga braso dahil sa aking pagwawala.




'Palabasin n'yo ako! Mga hayop kayo!'
'Mga traydor! Wala kayong konsensya'

Gustong gusto kong isigaw sa kanila ang mga hinanakit ko, pero dahil sa nakakabit na oxygen sa aking bibig ay hindi ko magawa.

Tanging ang lungkot sa aking mga mata at mga luha nito ang patunay na naghihinagpis ang aking dibdib.


Tiningnan ko sa mga mata si Claudia. Hinahanap ang emosyon na magpapagaan sa aking dinaramdan.

'Kahit konti, please lang, ipakita mo sa akin na nasasaktan ka rin. Kapatid mo ako at kaibigan mo rin s'ya, kaya please, ipakita mo na may pakeelam ka.'

At nagsisisi ako na ginawa ko 'yon. Sana hindi ko na lang 'yon ginawa, sana hindi na lang ako umasa. Mas dumoble ang nararamdaman kong sakit nang makita kong wala s'yang pakeelam. Wala akong mabakas na emosyon o kahit kaunting simpatya. Tinitigan n'ya lang rin ako pabalik, na para bang napakawala kong kwenta, na nakakaawa ako.

Hindi ko na alam pa kung paano ko bubuuin ang bawat piraso ng aking pagkatao pagkatapos nito.

Hindi ko na alam kung paano pa ako magsismula o may bubungad oa ba sa aking panibagong bukas?

Hindi ko na alam kung paano pa ulit ako magtitiwala, sobrang sira ko na at hindi ko alam kung magagawa ko pang iasa sa iba ang pagbabalik ng bawat piraso ng buhay ko na nawala.




Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at nanghihinang inalisan ng lakas ang katawan kasabay ng walang katapusang pag-agos ng aking mga luha.



'Sana ito na ang huli.'


'Sana wala na akong bukas na magisnan.'



WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now