Chapter 32

146 9 0
                                    

CHAPTER 32
[TESTER]



I felt nothing but numbness. Gusto kong masaktan dahil sa mga naririnig ko pero hindi ko magawa. I want to felt betrayed and endure the terrifying pain that I am used to, but I can't. Wala akong maramdaman na kahit ano.


May mainit na likidong tumulo mula sa aking mga mata pero hindi ko alam kung bakit. Dahil ba dapat akong masaktan? Napagtaksilan? o dahil wala akong maramdaman?


Kitang kita ko kung paano sila magpabalik balik sa kanilang pwesto. Natataranta; nalilito. May kung ano rin silang itinutusok sa braso ko, pero wala akong maramdang sakit.

Ang delikado at mapanganib kong isipan ay patuloy sa pagtakbo, sinusuong ang direksyon ng mga di katanggap tanggap na mga gawa.

Ilang sandali pa ay nagbukas ang pintuan, mula doon ay pumasok ang isang hindi pamilyar na mukha. Matangkad at mukhang edukado. Bagay na bagay ang puting roba nitong suot na natitiyak kong ilang dugo na rin ang nagmantsa. May ibinulong ito sa babaeng doktor at ilang minuto lamang ay ipinasok ang dalawang stretcher at inilagay sa tabi ko.


"The subject needs the substitution, posibleng maoverdose s'ya kapag ipinagpatuloy pa natin sa kanya ang project." Istriktang deklara n'ya.

Napasulyap ako sa kanang bahagi kung saan nanduon ang dalawang bagong dating. 'No! Not Lydelle and Max please.'




"Ano naman kung maoverdose s'ya? Nag-aalala ka ba sa kapatid mo?"


"Eh ikaw? Wala ka talagang pakeelam sa kaibigan mo noh?"




'Kapatid!'

'Kaibigan!'



'Kapatid!'

'Kaibigan!'



'Kapatid!'

'Kaibigan!'




'Kapatid!'

'Kaibigan!'



Ang akala kong manhid ko ng katawan ay biglang nakaramdam ng sakit. Iniisip kong nagkamali lamang ang aking mga mata, na epekto ng gamot ang nakikita kong mga imahe nila, ngunit nagkamali ako. Ang sakit marinig mula sa kanilang mga labi ang pag-usapan ako sa tonong napaka walang halaga.


"Tumigil na kayo, mamaya ay nandito na si mommy para ipagpatuloy ang project." Lalong bumigat ang aking dibdib ng marinig kong muli ang pamilyar na boses na 'yon. Gusto kong ipikit ang aking mga mata pero hindi ko magawa, ngunit ang sakit sa aking dibdib kahit gaano ko pigilan at ayaw mawala.

'Bakit kailangang sa akin pa mangyari ang bagay na ito?'


WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now