CHAPTER 21

280 17 1
                                    

CHAPTER 21: NEFRIENDED









Kaagad akong bumalik sa CR at naghilamos ng mukha. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi at ang mabilis na pagtibok ng aking puso.


"Kalma Claudette" pagpapahinahon ko sa aking sarili. Nakikita ko pa rin ang mukha ni Max na nakalapit sa akin sa tuwing ipipikit ko ang aking mata kaya wala akong ibang magawa kundi ang paulit ulit na paghihilamos ng mukha.


"Claudette, it's just a kiss -oh shit!" Napatalon ako sa gulat nang makita ko sa reflection ng salamin si Lydelle na nakasandal sa may pinto. Napahawak ako sa aking dibdib at marahan s'yang hinarap.


Ngiting ngiti si Lydelle habang itinuturo ang kan'yang labi.


"You two kissed again. Oh my gosh! Kinikilig talaga ako."


"Wag ka ngang maingay."


"Ano ba Clau! basa ang kamay ko oh!" Inalis ko ang kamay kong itinakip sa kan'yang bibig at sinamaan s'ya ng tingin.


"Yuck huh! Pero gosh, hindi ako maka-get over sa part ng kissing scene n'yong dalawa."


"Kapag hindi ka pa tumigil hindi lang ang basang kamay ko ang lalapat sa bibig mo."


"Ooppss." Umasta pa s'yang isini-zipper ang bibig pero panay naman ang pagbuo ng puso sa kan'yang kamay. Napailing na lang ako.


"Lydelle, may gusto lang akong malaman."


"Tungkol ba kay Max?" Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa tanong n'ya.


"Sabi ko nga hindi."


"Seryoso kasi ako." Napabuntong hininga pa ako. "Saan ako malimit maglagi noon?"


"Ano ba naman 'yan Clau. Bakit kailangan pang balikan natin ang mga lugar na malimit mong puntahan noon? Even I, can't remember what particular places are those. Basta ang alam ko lang you love being alone."


"Gustong gusto mo ang pumunta sa gitnang bahagi ng forest kahit pa mahigpit na ipinagbabawal 'yon because of wild animals. Gusto mo rin ang mga crowded places and I remember that you once said that you hate wide spaces because ironically, you felt suffocated. "


"Sa roofdeck, sa building four ka madalas kumain ng lunch with that nerdy girl. Mas pinipili mong huwag sumabay sa amin kapag breaktime kasi sabi mo, your new found friend is so shy and - "


Agad kong iniharang ang kamay ko sa kan'yang mukha to signal her to stop. Tila wala na s'yang balak pang huminto sa pagsasalita.


She said that she can't remember those places pero kung magsalita s'ya parang naka-3D na CCTV ang utak n'ya.


"Psh' Akala ko ba hindi mo na masyadong maalala? Bakit kung magkwento ka d'yan eh parang reporter na updated ka?"



"Well, sinabi ko ba 'yon? Kung oo, pwes binabawi ko na." Napailing na lang ako sa kan'ya. Typical her.


"Lydelle?" Pagtawag pansin ko sa kan'ya.


"Yes?" Kunot noong tanong n'ya sa akin. Marahil ay nagtataka sa biglaang paghinahon ko.


"Sa tingin mo, ilan ang kaibigan ko dito?" mahina kong tanong at sumandal sa sink dito sa cr habang nakayuko at nakatingin sa suot kong sapatos.



"Kung itatanong mo sa'kin kung ilan ang kaibigan mo, hindi ko masasagot 'yan kasi hindi naman ako ikaw. Pero kung ang tanong mo ay kung ilan ang itinuturing kang kaibigan dito, siguro mga dalawa na lang pero dati tatlo."




WHO ARE YOUWhere stories live. Discover now