“Okay nap o kayo ma’am?” nakangiti pa rin si Dave, gusto nya sanang paupuin si Dave kaso nahihiya sya.

Sa isip-isip ni dave, madali lang palang bayaran ang mga tao, binigyan nya lang ito ng tig 100 at tumayo na agad agad ang dalawa, hinihintay nyang paupuin sya ni Pia, kaso parang hindi naman naramdaman iyon ni Pia.

Ilang minute ang nakalipas…

“MAGALLANES!” sigaw ng konduktor.

“Ma’am, halika na po, ditto na tayo…”

Hesitant na tumayo si Pia, saka inayos ang pang upo.

“Excuse me.. excuse me…” nauunang maglakad si Dave kay Pia, at sa tuwing dadaan si Dave ay parang nahahati ang mga pasahero at saka sya dadaan. Inalalayan ni Dave ang pagbaba ni Pia. Dahil hindi alam ni Pia ang gagawin pagbaba, pupunta sana sya sa may gilid ng kalsada para tumabi, nang biglang may bumusinang kotse sa kanya, pakiramdam nya huminto ang oras, hindi sya makagalaw.

“Pia!” sigaw ni Dave. Hinila nya ito kaya’t napayakap sya sa dalaga, samantalang ito ay tulala.

“Okay ka lang?” may lambing sa bose ni Dave. Matagal ang naging reaksyon ni Pia, hindi nya namalayang nasa gilid na sila at yakap pa rin ni Dave, bigla nyang naitulak ito. Niligtas sya ni Dave?

“o-oo!...”

‘San na tayo ngayon?” agad naman syang nakabawi..

Kinabahan si Dave sa nangyari kanina, hindi nya alam ang gagawin sa sarili kapag may nangyaring masama sa dalaga.

“MagiMRT po tayo…” sabi nya. Kita pa rin nya sa mata ni Pia ang takot at kaba.

“tara na… ba- baka malate pa ako…”nakita nyang isinuklay nito ang kamay sa mahaba nitong buhok.

Habang nakapila si Dave para bumili ng electronic ticket nila, iniwan nyang naghihintay sa may gwardya si Pia, nakita nyang nakatayo lang iyon doon at medyo tulala, siguro hindi pa rin mawala sa isip nya ang panganib na kamuntikan nang kumuha ng buhay nito. Ngayon mas pag-iingatan nya si Pia, hindi nya alam, pero may damdamin sa puso nya na nagsasabing kailangan sya ni Pia.

I’ve been saved by David(DᾹ-VID)I’ve been saved by David… paulit- ulit iyong nagpiplayback sa utak nya.  Sa ilang minutong pagyakap sa kanya ni Dave( na mas tinatawag nyang David) nakaramdam sya ng kaligtasan, she felt in his arms na MAS  ligtas sya than any other place in the world.

Pagpasok nila ng MRT train… sobrang siksikan, mas sobra pa sa bus na nasakyan nila kanina…. Yung konti na lang pati mga pisngi nyo magdidikit? Ganun kasikip ang MRT. Buti na lang nanjan si Dave na pumoprotekta sa kanya. Pero hindi mawala sa Isip ni Pia ang mailang.

“Malayo pa ba ang cubao?” bulong nya kay Dave.

‘Ma’am, kakasakay lang po naten, malayo pa po tayo…” nakangitin namang sagot ni Dave.

“sa susunod, sabihin mo agad sa akin kung coding ang SUV ha?” may inis sa tono ni Pia pero pabulong pa din.

“AYALA STATION NA PO… AYALA STATION NA PO” pagpapaalam ng Driver ng train sa mga pasahero.

“Ano malapit na ba?” tanong ulit ni Pia.

Tiningnan ni Dave ang Ticket.

“hehehe, malayo pa p----….” Sagot ni Dave. Napasiksik si Dave kay Pia dahil sa mga pumasok at lumabas na pasahero, nagkauntugan tuloy ang ulo nilang dalawa at halos magdikit na ang mukha ni nila.

“lumayo ka sa Mukha ko…..”  maotoridad na utos ni Pia, pero pabulong, hindi naman kase sya iskandalosa. Pero parang bingin si Dave dahil nakatitig lang ito sa kanya…. at napansin nyang ang tingin nito ay hindi lang nakafocus sa mukha nya, bumaba iyon sa mga labi nya…. Ilang Segundo ang lumipas at nagsara na ang pinto ng tren kaya biglang naitulak lalo ang mga pasahero sa loob dahilan para mahalikan ni Dave si Pia…

~~~~

jadeyyyy :)

My Beautiful Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon