Chapter 39

2.6K 43 0
                                    

Chapter 39

6 months after.

“Dave! what’s going on? I thought we have discussed this matter? And now you’re loathing the marriage?” sigaw ng tatay nya sa kanya.

He is now at his office, YEAH. You read it right at his office. He was forced to handle the business kaya ayun, kahit labag sa buong pagkatao nya sya na ang CEO ng Aragon Brewery Incorporated.

“Yes, daddy, in the first place what’s the essence of that company to ours? Nothing. Just Nothing.”

Pinaikot nya ang swivel chair paharap sa bintana ng opisina nya. After Pia had gone, his life has been so miserable. Hindi sya makalapit sa dalaga. Ni hindinga sila nagkikita, well, sa dyaryo at TV minsan, dun nya lang nakikita si Pia.Nung nalaman nga nang daddy nya na nakaalis si Pia, kulang na lang ay patayin sya nito.

“Nothing? They could sell our products across the world! They could help! And at this time you will not going to quit that proposal!” sigaw ni Mr. Aragon sabay alis sa opisina ng anak.

“YEAH…” yun lang ang nasabi ni Dave. Alam naman nyang wala syang nagagawa sa mga gusto ng tatay nya, hindi nya lang alam kung bakit kailangan pa ng tatay nya na alamin ang side nya eh eto naman ang nasusunod.

Utang na loob na buhay to.  

Sana merging na lang ng kompanya ang inisip ng tataty nya, sana kung ganun, ay magkakaroon ng arrange marriage sina Pia, edi Masaya ang buhay….

Saka pinaikot ulit ang swivel chair.

Biglang bumukas na naman ang pinto. Si Joyce. His fiancée.

“Hi darling!” she kissed him.

“hindi ka ba Masaya na nandito ako?”

Umupo si Joyce sa lap ni Dave saka hinaplos ang mukha nito. She is the flirtiest thing on earth na nameet ni Dave, siguro kung hindi nya pa kilala si Pia, nagmimake out na sila sa mga oras na to. Pero ngayon wala na, nandidiri na sya sa mga babaeng nakikipagflirt sa kanya.

Wala na sya sa mood.

Wala kase si Pia.

“tingin mo Masaya ako? Tska hindi ako upuan, dun ka oh!” turo nya sa may couch…

“eehhh.. ayoko ko, gusto ko sa tabi mo…” bumulong si Joyce, pero imbis na maseduce, kinilabutan sya…

“sabi ko, doon ka na eh….” Sabay tayo nya kaya nahulog si Joyce sa sahig.

“aww…” sapo nito ang pwet na bumagsak.

“serves you right..” saka sya lumabas ng opisina nya.

Simula nang malaman nyang engaged sya, lagi na lang pumupunta si Joyce sa office o kaya sa bahay nila,  para lang suyuin sya but she failed. Kung sa condo naman ito pumuunta hindi sya pinagbubuksan ni Dave. Kay Pia lang kase talaga sya. Sorry sila.

Because Pia is every woman in the world to him.

“Dave! let me remind you that the business awarding convention will be tonight! At Diamond Hotel!” sinundan pala sya ni Joyce, at napatigil sya.

Lahat ng klase ng business enterprise na malalaki ay pupunta don, para maguusap usap sa mga merging, o kaya sa pagbibili ng stocks at syempre awarding kung sino ang pinakamayaman, pinakasikat at kung anu-ano pang pinaka…

LAHAT.

Even Pia will come, syempre.

“so?” tanong nya kay Joyce.

My Beautiful Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon