CHAPTER 04 : FIRST FAKE DATE

Magsimula sa umpisa
                                    

But hold your breath
Because tonight will be the night
That I will fall for you over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find

Nang matapos ang chorus ay huminto ako sa pagsabay sa pag-awit at sa hindi malaman na rason ay parang may narinig akong tinig kaya binabaan ko ang sound at nagulat nalang ako sa palakpak ng isang lalaki sa likuran ko at sabing...

"Im already fall for you! Ang galing naman palang kumanta ng girlfriend ko, pang international contest ang datingan WHAHAHA!"

Bigla nalang nagdilim ang paligid ko ng makita si Liden. Naliliksi talaga ang dugo ko sa lalaking to.

"Bwiset naman oh! Kaaga-aga may naninira na ng araw ko. Kung  manggugulo ka lang, please stop!  Alam mo Liden ayaw ko na, tama na! Gumugulo na ang college life ko ng dahil sayo! Please, gusto ko lang ng payapang mundo kaya tumabe ka jan!"

Inirapanan ko nalang siya saka ko muling sinagad yung volome at pinagpatuloy na ang paglalakad. Pero kahit hindi ko dinig ang sinasabi niya ay nanghigihil padin is me kase sinusundan parin niya ako. Talagang hindi nakakaintindi ng salita ang asungot na toh eh no!

Napatanggal nalang ako ng bigla sa airpods ko ng hinawakan nya ako sa balikat at inikot paharap sa kanya saka niya ako tinitigan.

"Marrianne diba GIRLFREIND na kita dapat pansinin mo  na ako, kung sa nangyari kahapon ay SORRY na , alam kong nagkamali ako!"

Bigla nalang akong nandiri sa sinabi niya. Yoc! Anong girlfriend niya ako? Abnormal ba siya, fake relationship lang ang meron kame noh! At hinding hindi na lalagpas diyan kase ew, never akong magkakagusto sakanya.

"GIRLFRIEND? excuse me FAKE RELATIONSHIP lang ang meron saatin, so wala kang karapatan para sabihan akong GIRLFRIEND at sa nangyari kahapon, sa tingin mo may magagawa ang sorry mo? Like duh!! Saating mayayaman sorry is less than enough to forgive our mistakes"

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salita ko. Siguro dahil lang to sa galit at inis ko diyan sa lalaking yan. Mabait naman ako at alam ko na hindi ako ganito magsalita sa harap ng ibang tao, pero kapag kaharap ko ang asungot na ito ay parang nagiging maldita ako! Haysst! Hindi ko nalang siya pa pinansin at muli na akong naglakad, pansin ko naman ay hindi na niya ako sinusundan kaya nakahinga nalang ako ng malalim.

Liden's POV

Grabe naman ang sungit nitong babaeng to, alam kong fake relation ship lang ang meron kami pero bakit parang nasasaktan ako na ipamukha niya saakin iyon? Kakaiba siya! Pero bakit lagi niyang ginigulo ang pagtulog ko? Bakit parang hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nabully? Anong ibig sabihin ng mararamdaman ko? Nung nabunggo nya ako ay may kakaiba akong narandaman na hindi ko maipaliwanag. What is happening to me? Hindi Liden, gusto mo lang talagang pagtripan ang babaeng yun kaya lagi mo siyang naiisip.

*****
Hayst sa wakas ay end of the class na. Wala na naman akong napakinggan kase kanina pa may tumatakbo sa isip ko. Si Ms. Baniqued. Hindi ko alam pero bakit parang nakokonsenya ata ako sa mga pinaggagawa ko sakanya. Bakit ganito? Eh dati nung nangtrigrip ako ng ibang babae eh hindi ako naawa?

Hindi bale na nga! Kaylangan ko nalang maka-isip ng paraan para makalimutan at mapatawad nya ako from what i did yesterday. At sa hindi malaman na rason ay bigla ko nalang naisip ang FIRST FAKE DATE! Aha, nice idea Liden! So, hindi na ako nagpatagal pa at niyaya ko sya sa pamamagitan ng chat.

Famous na itong magchachat sakanya, ewan ko nalang kung iseseen pa ako ng babaeng toh. Ako na itong magfi-first move.

Hey Marrianne are you availlable at 6:30 in the evening? yayayain sana kita ng FIRST DATE natin.

Hindi ako makapaniwala sa mga mine-message ko. Parang hindi kasi ako! Bakit parang nagmamala-anghel na ako? Ganuto pala kung sincere kang humingi ng tawad. Haysst!!

Ang tagal nya magreply 30 minutes na ang nakalipas, pero nagtiyaga parin akong maghintay ng reply niya hanggang sa naramdaman ko nalang na nagvibrate ang phone ko, ang saya ko that time kasi sa wakas ay nag-reply na sya.

FROM: Marianne

Like Duh! Niyaya mo ako eh fake boyfriend lang naman kita dapat ang tawag dun is FAKE DATE .

TO: Marianne

Ano payag ka ba?

Muling bumungad ang ngiti sa aking mukha dahil sa puntong ito at ang bilis nya nagreply.

FROM: Marianne

AYAW KO!!!

Abay Abnormal ba itong babaeng to? Ako na nga yung nag-aya sakanya na makipagdate tatanggi pa siya! Samantalang ang dami daming mga babae diyan ang nagkakandarapang malapitan manlang ako! Aisshhh!

TO: Marianne

Mariane! Pumayag ka na. Gusto ko lang naman makabawi at makahingi ng sorry sa mga nagawa ko sayo.

Nagugulat nalang ako sa mga pinagsasabi ko! Sobrang bait ko naman ata sa part na yan. And I think, I never do that to someone. Siya palang ang babaeng naka-witness kung paano ako maging mabait.

Pinilit ko sya pero hindi parin sya pumayag, so wala akong magawa dahil diko sya mapilit kaya nag isip ako ng paraan para matuloy yung FIRST FAKE DATE NAMIN. Bigla ko namang naiisip si Tita Avery, yung mom ni Marianne.  Tama! Hindi makakatanggi si Marianne kung ang mom na niya ang magsasabi, kaya agad kong minessage si Tita Avery.

TO: Avery Baniqued

Good afternoon po tita! Pwede ko po bang yayain si Marrianne ng isang dinner date mamayang 6:30 ng gabi? Susunduin ko nalang po sya jan.

Natuwa naman ako dahil hindi na ako natagalan pang maghintay sa reply ni tita ng agad gad siyang nagreply.

FROM : Avery Baniqued

OK lang Liden! Total girlfriend mo na sya at para narin magkakilala na kayo ng mabuti. Basta pakaingat ingatan mo lang ang baby namin ahhh.

Marianne's POV

Nakarating na ako sa Bahay. Gusto ko sanang magmall pero naisipan ko nalang mag review kaya umuwi nalang ako. Nakita ko naman si ate na nagdidilig ng halaman. Bumaba na agad ako ng kotse at pinapark ko nalang kay manong Rey yung kotse ko.

"Ate! tama na yan baka mamatay yang halaman mo sa sobrang kakadilig diyan eh"

"Ikaw talaga Marianne puro ka biro, ay naalala ko hinahanap ka ni mom, may sasabihin siya sayo." Sabi nya saakin habang tumatawa.

Anong meron bat sya tumawa? Siguro may surprise si mom na ikasasaya ko kaya dahil sa excitement ay dali dali akong pumasok sa loob ng bahay namin. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si mom.

"Hi mom! Good afternoon!"
pagbati ko sakanya sabay halik sa pisngi nya.

"Hello anak!" 

"Mom.. kanina niyo pa raw ako hinahanap sabi ni ate Princess, may sasabihin po ba kayo saakin?"

"Oo, anak may importante akong sasabihin sayo! Kase nagmessage saakin kanina si Liden at gusto ka raw niyang makasama sa isang dinner date kaylangang pumunta ka. Okay? 6:30 ka daw niya susunduin kaya maghanda ka na."

Hindi nalang ako nakapagsalita sa mga sinabi ni Mom.

"Ahm nakalimutan kong sabihin, may nabili akong bagong dress mo, iyon ang gagamitin mo para mamaya, nasa kama mo na siya."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung maiinis ba ako o malulungkot. Talagang walang hinti yung Liden na yun hah! Nakakainis naman kase eh! Pero wala na akong magagawa, si Mom na yung nagsabi eh. Haysst!

            

   The bad boy meets the good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon