Chapter 47 - Last Card

Start from the beginning
                                    

"Naaalala niyo bang nadala niyo kanina?" tanong muli ni Caloy.

 

"O-Oo naman!" sagot ko. Pero wala talaga akong naaalalang may dala akong maleta kanina. Nako naman. Mukhang naiwan ko nga. Ugh.

 

"Bumalik nalang tayo para ma-check po natin." Suhestyon ni Merylle.

"Ah. Wag na. Ako nalang ang babalik. Bibilisan ko nalang."

 

"Pero tay Peter, malapit na ang lipad natin. Kapag bumalik ka pa ay tiyak na maiiwan tayo ng eroplano." Si Caloy.

 

"Ganito nalang, ako nalang ang babalik. Mauna na kayong mag-check in. Susubukan kong humabol kung kakayanin pa. Kung hindi na, kukuha nalang ako ng flight pabalik sa Bohol kinabukasan. May pera pa naman ako dito." Sabi ko sa kanila.

 

"Sigurado po kayo?" tanong ni Merylle – itsurang nag-aalala.

"Oo."

 

"Halatang halata kung kanino nagmana si Ynna sa pagiging iyakin sa drama, hanggang sa pagiging malilimutin. Yung tipong pati yung maleta malilimutan. Yung totoo, pati maleta?" bulong ni Caloy kay Merylle. Pero narinig ko dahil malaki ang tenga ko.

 

"May sinasabi ka Caloy?" tinaasan ko siya ng kilay.

 

"Wala po. Wala po." Sagot nilang dalawa. Tss.

 

"O siya sige, susubukan kong humabol. Paalam." Huling sinabi ko sa kanila bago ako pumunta sa harapan ng bus upang magsabi na sa kundoktor na bababa na ako.

Sumakay ulit ako sa bus na pabalik naman sa hospital. Habang nakasakay ako ay naisip ko kung gaano talaga ako ka-gunggong. Naiwan ko yung maleta ko?! Ano ba namang iniisip ko?! Ang engot engot ko talaga! At ang masama pa diyan, nagmana sa ka-engotan ko ang anak kong dalaga. Kawawa naman siya.

Habang nakasakay ako pabalik sa bus, ay naalala ko nanaman yung mga moments nila Caloy at Merylle kanina sa bus. Tss. Walang sinabi yun sa amin ni Lalaine noong kami pa. Masyadong pa-gentleman si Caloy. Biruin mo, hanggang holding hands lang ang ginagawa niya kay Merylle? Eh halos isang buwan na kaya silang mag-jowa. Hindi man lang lumevel-up!

Naalala ko tuloy noong kami pa noon ni Lalaine. Isang linggo palang kami pero marami na kaming kababalaghang nagawa. Ang sarap talaga magka-girlfriend. Nakakamiss yung may babaeng nagmamahal sayo.

Pagbalik ko sa St. Lukes ay madali akong umakyat sa floor kung nasaan naka-confine ang anak ko. Bukas na ang labas niya kaya naman siguradong ngayon ay okay na ang pakiramdam niya. Nang nakita ko ang room number ng anak ko ay hindi na ako nag-atubiling kumatok pa ng pintuan. Tatay naman niya ako kaya may karapatan akong pumasok agad agad kung kailan ko gustuhin.

Pero pag bukas ko ng pintuan...

Nanlaki ang mga mata ko...

At ganun din ang mga mata nila...

Nakita ko lang naman na nakapatong si Sky Anderson sa anak ko. At itong haliparot ko namang anak na halatang nagmana sa akin, naka-ikot pa ang hita sa likuran ni Sky Anderson.

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now