Chapter 31 - Game Over

20.2K 311 89
                                    

• ALYNNA MARIE PAREDES •

"Oh my God!"

"Hanggang dito ba naman sa art studio?"

"Hindi ba sila makapaghintay?"

"Sobra naman nilang wild!"

"Shit! Idol na idol ko na talaga si Ynna!"

Pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto ay halo halong chismisan na agad ang narinig ko. Gusto kong umiyak pero hindi ito ang tamang panahon para doon. Mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang katawan ko. Naka-bra pa naman ako pero nakakahiya kasi yung bra ko. Kaya mas okay na wala nalang akong bra nung nakita nila ako. Mas masahol pa kasi sa nipple ko yung bra ko eh. Angry birds kasi yung style ng bra ko. Sa left yung picture nung baboy at sa right yung picture ni angry bird. Pulang pula ako sa kahihiyan kaya mabilis kong hinanap yung white t-shirt ko at isinuot agad. Walang hiya naman oh. Bakit ba ito yung sinuot ko ngayon?! Ito kasi yung una kong nahablot eh. Bakit ba kasi may ganito akong bra? Hindi ko rin alam sa wardrobe ni Shibama. Wagas. Nakikiuso pati na rin ang mga bra.

Tinignan ko si Sky at nakita kong nagpipigil siya ng tawa niya. Oo na. Natatawa siya sa bra ko. Kung bakit ba naman kasi ito yung bra ko nang balaking kunin ni Sky ang lahat ng meron ako eh. At kung bakit ba naman kasi ito ang bra ko nung mahuhuli pa ako ng halos buong classroom namin, isama pa ang principal na mukhang pinisa yung mukha sa sobrang nakabusangot.

Hindi ko lubusang maisip kung bakit parang wala lang na pakialam si Sky na nahuli na nga kami. Aba't ayaw pa rin magsuot ng saplot? Bruhildo talaga. Ako pa talaga yung pumulot ng damit niya at isinuot yun sa leeg niya. Smile smile pa siya. Walang hiya 'to. Pero nawala din ang smile niya nang napunta ang mga titig niya kila Dave at Farrah na halata namang siyang may pakana ng lahat ng mga pangyayaring ito. 

"Sorry, sorry." patuloy na pagbigkas ni Dwight sa aming dalawa ni Sky. Bakit naman kaya siya nagsosorry? Anong meron? Imposible namang siya ang dahilan kung bakit kami nahuli 'di ba? Halata naman kasing sila Farrah at Dave iyon. At alam kong hindi rin naman magagawa ni Dwight iyon sa amin ni Sky kung sakali.

"Bakit siya nagsosorry?" bulong ko kay Sky. Nagbikit balikat lang siya. Pareho na kaming nakadamit ngayon at nakatayo na sa harap ni Principal Busangot upang magpaliwanag. 

"I am so dissapointed, Fortaleza & Anderson." saad ni principal Busangot.

"Sorry, ma'am." bulong ko.

"Sorry is not enough, Ynna. You will have to face your consequences. Please follow me at my office. Now."

"Konsekwen--ano?" tanong ko kay Sky habang sinusundan na namin si Miss Kurdapya, este si miss principal pala sa office niya. 

"Punishment." sagot niya.

"Ah. Lagot." sabi ko sabay sign of the cross. Lord, alam mo na ha. 

Nang nakarating na kami sa office niya ay hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. Sinabi na niya agad ang magiging parusa namin. Ang buong akala ko ay masususpend kami o kaya naman maeexpel pero iba ang naging parusa sa amin nito.

"As much as I would like to suspend or expel you in this school, I know I can't because you two are one of ECB's biggest names. Kaya naman, ang magiging parusa niyo nalang dalawa ay isang temporary restraining order. Hindi kayo pwedeng makitang magkasama, mag-usap o ano pa man hanggang matapos ang taong ito. Intiyendes?" taas kilay na sinabi ni Principal Busangot.

"What?! You can't do that!" tumayo si Sky sa pagkakaupo habang sinasabi niya ito.

"I can. I am the Dean, remember?" sagot niya kay Sky. Dean pala ang tawag sa kanya. Kala ko kasi principal. Hehe. Pang high school yata yun.

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now