Chapter 36 - WTH

18.4K 343 102
                                    

A/N

Hiiii! If you liked MWG, you must also try "In a Realationshit" by ChiXnita! Click dedication link for author's profile. Click external link for IAR story. It's more than just an SPG story. May puso yung kwento. Mahal ng author ang ginagawa niya. So yeah! Try! Try! Hihi ^_^ Happy weekend! :3

Chapter theme song: All Too Well by Taylor Swift. Pakinggan niyo para tagos. :))))

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

"Janina..."

Nanghihina ako. Nanginginig ako. Nandidilim ang paningin ko.

Gusto ko malaman kung bakit! Gusto kong malaman kung paano nangyari! Oo at alam kong naging mali din ako sa isang banda. Pero para parusahan ako ng ganito? Para ipamukha sa akin na peke ako? Eh siya naman itong nagsabi sa akin na maging peke ako hindi ba? Bakit ba ang sama sama niya! Napakalupit niya! Wala siyang awa! Gusto ko siyang... gusto ko siyang... Aaaah!

"Yes, my dear sissy? Do you have anything to say?" pang-asar na sinabi niya sa akin habang naka-smirk.

Pinalaki ako ng maayos ni papa. Pero kapag tinatapakan na pala ako ng ganito, hindi ko alam na may kakayahan pala akong mang-gera. Dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan ni Janina kahit hinang hina na ako, inilayo siya kay Sky, at sinimulang sabunutan sa lahat ng lakas na natitira pa sa akin. Lumaban siya at nakipagsabunutan sa akin. Pero nung mga oras na hinampas ko na siya sa kanyang balikat ay bigla siyang natumba sa sahig. Kaya naman ay natumba na rin ako kasama niya.

Napahinto ako sa iba pang pagsugod na gagawin ko nang bumulagta sa akin ang napakarami niyang pasa sa kanyang katawan. Nahawi kasi sanhi ng pagkakadapa niya ang palda niya. Sobrang daming pasa niya doon. Para siyang binugbog. Para siyang minolestya.

Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Hindi ko alam ang mga ginawa o nangyari sa kanya sa New York. Pero kung ano man iyon, hindi parin tama na saktan niya ako. Hindi pa rin tama na kunin niya ang lahat ng ipinahiram niya sa akin sa ganitong paraan. Pinipilit ko siyang intindihin pero hindi talaga. Hindi ko kaya sa ngayon. Tulad niya, masyado rin akong nasasaktan.

"See this? This? And this?" umiiyak niyang tinuro ang mga ilan sa pinakamalalaking pasa niya. "Naging ganito ang balat ko dahil sayo!"

"Anong pinagsasabi mong dahil sa akin?! Wala akong ginagawa sa 'yo, Janina!" pagdedepensa ko sa sarili ko. Luhaan na rin akong muli.

"Yung model sa New York, yung hinahanap? Yung excited na excited ako? IKAW YON! Tangina lang. IKAW NA HAMPASLUPA KA! Bakit na sa 'yo na ang lahat?"

"H-Hindi kita maintindihan! Janina, ano ba? Bakit ba kinaiingitan mo ako? Tingnan mo nga ang sarili mo at kung ano ang meron ka! Wala sa akin ang lahat, Janina. Na sa iyo!"

"Sana pala naging mahirap nalang ako! Sana pala naging anak nalang ako sa labas! Baka naging mas maganda ako! Baka naging mas matangkad ako! Baka model na ako! Baka ako pa ngayon ang mas mahal ng nanay ko!"

"Tumigil ka nga, Janina! Kala mo madali maging ako?! Maging anak sa labas? Maging tinatagong anak sa probinsya?! Yung araw araw hindi namin alam kung saan kukunin ang kakainin bukas? Yung hindi na namin alam kung makakapag-aral pa ako sa susunod na taon kapag tumaas ang tuition?! Yung kailangan mong iwanan ang dating ikaw dahil wala na kayong pera? Yung kinikilala ka ng lahat, kinakaibigan, minamahal bilang ibang tao?! Janina naman! Huwag ka namang isip bata!!!" hagulgol ko sa kanya.

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now