Chapter 21 - Serious

24.6K 362 36
                                    

 A/N

Tignan niyo si Zuma sa media HAHAHA! Tawang tawa ko diyan. Thanks to @jenniiibellss! :)) At dahil natawa ako, kasama si Zuma sa chapter na 'to. Lol. Try niyo rin po i-play yung youtube link sa media, Who'd Have Known by Lily Allen ♥ Fave! Hehe! :) 40K reads! Just. Wow. Salamat!!!

- Mhariz :3

--

Pag-uwi ko sa bahay ay hindi ko inaasahan ang nagawa ko. Pagsara ko ng pinto ay sumandal ako agad dito, nilagay ang kanang kamay ko sa pinto at unti unting umupo habang nakatingin sa malayo. Parang akong nakadrugs. Hindi pa rin talaga ako makarecover sa kilig na pinaramdam sa akin ni Sky kanina. Grabe lang. Wagas! Hindi pa rin ako makapaniwalang magde-date kami!

"Uchichichi. Nagwawalling ang dalaginding! Kilig much?!" pagsira ni Shibama sa moment ko. Walling pala tawag dun?

"T-Tinitignan ko lang k-kung malinis yung pinto."

"HAHAHA! Sinong niloloko mo, girl? Dali na! Kwento na!"

Hay! Nasabi ko na bang wala talaga akong maitatago dito sa taong ito?

"May date kasi kami mamaya ni Sky." mabilis kong sinabi pero mukhang naintindihan naman niya agad kasi mabilis na kumislap ang mga mata niya.

"OMG!!!! Where?!"

"Hindi ko alam. Wala siyang sinabi."

"Akong bahala sayo. Bibihisan kita. Yung tipong hindi na makakaligtas yang perlas mo! Yiheee!" kumembot pa siya!

"TUMIGIL KA!" bigla kong pagsaway sa kanya. Baka kung anong ipasuot sa akin nito! Baka hindi niya ako pasuotin ng mga salawal!

"Ito naman. Joke lang. Tara! Ayusan na kita."

Sumunod naman ako agad kay Shibama at nagpunta sa make-up area ng kwarto ko. At least, joke lang pala yung kanina. Whew. Kala ko seseryosohin niya eh.

Itinali ni Shibama ang kalahati buhok ko. Naka half pony ako ngayon. Nakakulot din ang ilalim na bahagi nito. Parang buhok ni Ariana Grande. Nilagyan din niya ako ng fake eyelashes na mas lalong nagpaganda ng mga mata ko. Ang ganda. Ang galing talaga ni Shibama. Ramdam kong ang ganda ganda ko.

Nakasuot ako ngayon ng fitted floral dress na tila pinapakita ang kurba ng katawan ko. Nilagyan din niya ako ng ilang magagarang kwintas, hikaw at bracelets. Syempre, nakawedge pa din ako.

"Shibs..."

"Hmm?"

"Baka isipin ni Sky na masyado akong naghanda..."

"Wag ka ngang paranoid, girl! Lagi ka namang maganda! Ngayon mo lang pinansin ang itsura mo kasi ngayon mo lang gustong maging maganda dahil alam mong may date kayo ni Sky!" inikutan niya ako ng mga mata. "Pero believe me, lagi kang maganda. Lalo na sa mga mata ni Sky." at bigla niya akong kiniliti kaya't bigla akong napahalakhak.

"Pero girl, iready mo na ha!" pagdagdag niya.

"Iready ang alin?"

"Ang katawan mo! Physically and emotionally! Siguradong dadalhin ka ni Sky sa sky! And you'll feel the best feeling in the world!" tili niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Basta. Kwentuhan mo nalang ako after. Yiheee!" at tinuloy niya ang pangingiliti sa akin.

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now