Chapter 40 - Note

21.3K 358 137
                                    

A/N

20 chapters to go and MWG's about to end na!!! Ang bilis ng panahooon! I hope na samahan niyo pa rin ako until the end.Thanks for 300K reads. Thanks for the support. Thanks for everything! :> I. HEART. YOU. ALL. ♥ mhariz/ Next UD: Feb 7/8

--

 

• ALYNNA MARIE PAREDES •

 

 

Pagising ko palang ay humarap na ako agad sa salamin at nag 'Game Face On'. Sabi nga ni Shibama, kailangan kong maging motivated sa aking pagpapaamo kay Sky. Kailangan naming magkabati sa lalong madaling panahon. Kung nagmamatigas siya sa pag hindi pagpansin sa akin, dapat mas matigas ako sa pagsusuyo sa kanya. Hindi ako magpapatalo. Masyado na akong maraming isinakripisyo para sa relasyon na ito. Hindi ito ang oras para sumuko.

Habang inaayusan ako ni Shibama ng kanyang famous 'Waterfall Braids' ay tinuturuan niya ako ulit sa pag-aarteng gagawin ko sa pagpapanggap kong may sakit mamaya.

 

"Okay girl! Gagawin kong maputla ang make-up mo ha. Tapos later lalagyan kita ng prostetics!!!"

 

"Anong prostetics?!"

 

"Yung kunwari may sugat ka! Kunwari nauntog ka kasi sa sahig ng kalsada kakaisip kay Sky!"

 

"Shibs naman eh. Ginagawa niyo naman akong tatanga tanga eh."

 

"That's all for Sky!"

 

"Sige na nga... Hay nako."

 

"At saka dapat kapag may sakit ka, dapat lagi ka nakatingin sa ilong mo."

 

"Yung parang duling?!"

 

"Uh-huh. Also, yung boses mo dapat parang ganito." Kinuha niya ang kanyang cellphone at may pinakitang video ng 'Happy Tree Friends'.

"Ha?! Parang hindi naman sila may sakit sa tono ng boses nila ah? Tsaka ano ba yung sinasabi nila?!"

 

"Ganun talaga. Iba nga ang case mo eh. Parang nabaliw ka na kasi hindi ka pinapansin ni Sky. Kaya ganyan dapat ang boses mo. At magkakaprostetics ka sa ilong. Tapos maduduling ka pa! Perfect!!! Siguradong mag-aalala talaga siya sayo ng bongga!"

 

"Hay... Bahala na."

 

 

Pagkatapos akong ayusan ni Shibama ay dumiretso agad ako sa ECB dahil tumawag si Ash na mayroon daw kaming meeting na gaganapin bago magsimula ang klase. At bago magsimula ang plano. Pagpasok na pagpasok ko sa black room ay naroon na nga silang lahat. Bago pa man akong makasalita ng kung ano ay binigyan na nila ako ng isang papel kung saan ito ang nakasulat:

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now