Chapter 25 - Superwoman

21.3K 327 44
                                    

(WARNING: Bad words, kadiri words, and bastos words. Please read at your own risk.)

--

"I love you more, baby." sagot ni Sky bago niya ako hinalikang muli.

"TAMA NA YAN! NILALANGGAM NA KAMI!"

"Whooooo! Magdiwang tayong lahat!!!"

"GET A ROOM! GET A ROOM!"

"SKYNNA! SKYNNA! SKYNNA!"

"Kelan ba kayo magkakababy?!?! Inip na kami!!!"

Sobrang hiyang hiya ako nang napagtanto ko na tinitignan pala kami ngayon ng halos buong bar! Nasa labas na din kasi silang lahat! Paano nangyari yun?! Bakit hindi ko man lang naramdaman?! Ibig sabihin ay halos lahat ng dumalo ay nakita ang aming kissing scenes ni Sky! Waaaa! Nakakahiya! Baka kung anong isipin nila! Ano ba ito! Nahihiya talaga ako! Mabilis kong tinanggal ang pagkakapulot ng mga braso ko sa leeg ni Sky.

Tinignan ko lang siya at parang hindi naman siya nahihiya. Nakangisi pa rin siya na para bang nanalo lang siya ng lotto. Ano bang meron? Huwag mo sa aking sabihing pinlano ito ni Sky?! Imposible! Galit kaya siya sa akin kasi nga 'di ba naabutan niya kami ni Caloy? Pero bakit kasi hindi man lang siya nagulat? Hindi man lang siya nagalit!

Nagpalakpakan ang mga tao sa labas ng bar habang pinapanuod pa rin kami. Para kaming isang live movie ni Sky dito sa harapan nilang lahat. Yung tipong happy ending na kaya nagkiss na. Err. Nagsimula ang palakpakan ng pinangunahan ito ng The Vengeance. Kaya syempre, nakigaya na din ang lahat.

Pinangunahan ng The Vengeace...

Ibigsabihin...

Pinlano nga kaya nila ito? Tinulungan nga ba ako ng The Vengeance para magkabati kami ni Sky? Kaya ba nila ako hinaharangan kanina? Kaya ba sila nagpablindfold game para matanong ako ni Sky? Kaya ba pumayag sila na isabay nalang ang alumni party sa birthday ni Debbie? Para akong detective na bumubo ng kaso nito eh.

Pero kung ganun nga, nakatakda pala na ako talaga ang kuning partner ni Sky. Pero nagkataong si Dave ang kumuha sa akin. Teka, nasaan na nga ba si Dave? Inikot ko ang paningin ko sa paligid at nakitang hawak hawak nila Dwight at Erick ang gustong sumugod na si Dave. Gusto yata niyang gantihan si Sky sa panununtok na ginawa nito sa kanya. Pilit na pinapakalma ito ni Dwight, Erick at ni... Farrah. Nagtama naman bigla ang mga tingin namin ni Farrah. Kitang kita ko na galit pa rin siya sa akin. Pinanglilisikan niya ako ng mga mata. Pero dapat ay wala na akong pakialam 'di ba? Akin si Sky ngayon. At akin lang siya hanggang sa makakaya ko. Mahal ko si Sky at hinding hindi ko siya ibibigay pabalik sa iyo, Farrah.

"Baby, let's go somewhere else. They're disturbing us." mahinanong sabi ni Sky. Tumango nalang ako. Gusto ko rin talagang solohin si Sky ngayon eh. Hehehe.

"Ayyyy. Tsk tsk tsk. Nagsososolo!"

"Kayo na ang INLAB!"

"Ninong at ninang kami ha!"

"Kailangan ko na din ng jowa!!!"

"Nakakainggit kayo tae kayo!!!"

Hindi nalang namin pinansin ang ilang mga sigaw nila sa amin. Pumunta nalang kami sa isang bahagi ng 5th Heaven garden kung saan may swing na pwede sa dalawang tao. Doon kami umupo. Walang tao sa area na ito kundi kaming dalawa lang ni Sky. At least, ngayon, may privacy na kami. Hihi.

Nakalipas na ang ilang segundo na nakaupo kami dito sa swing pero hindi pa rin niya ako kinakausap. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. At ganun din ako sa kanya. Wah! Para kaming mga baliw dito. Umaapaw lang talaga ako sa kasiyahan. Ito yung tipong klase ng kasiyahan na kahit hindi ka na magsalita ay ramdam mo ito at ng kasama mo.

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now